CHAPTER 15

56 24 0
                                    

GUILL SANTOS POV

Nag text na din ako kay ivan na maaga akong uuwi. Kaya nagkita kami, sa kotse na lang nya ako sumakay. Wala naman kasi akong kotse!

"Pre. Tara na" pag bukas nya sakin ng salamim ng kotse nya kaya sumakay naman ako.

"Buti naman pre maaga-aga ka enjoy to." kita naman ang excitement sa boses ni ivan.

Diko alam kong saan o sino yung kaibigan na tinutukoy nya. Inaya nya lang ako biglaan din, Umuo naman ako dahil minsan lang naman din ito.

Sinabihan ko naman na din si lyka na doon muna matulog sa kwarto ko at mag padlock. Para safe naman sya kahit papaano. May tiwala naman ako dun sa dalawang lalaki nayon pero di pa din maiiwasan..

Napatigil ako sa pag iisip ng marating na naman ang village na parang pamilyar sakin..

Di kaya? Bahay nila chel ang pupuntahan namin?

Maya-maya pa ay nakarating naman na din kami. Tama nga ako kila chel nga ang punta namin. Kaibigan nga pala ni ivan yung kuya ni chel pero? Hayaan muna guill di naman sya ang ipinunta mo dito.

Overnight. Para sa bagong kaibigan

"Dito na pre tara."Aya naman ni ivan sakin. Agad naman akong sumunod

Dito nga.. Di ako nagkakamali..

Di naman ata nya ko makikita dahil baka doon kami sa kwarto nung kuya nya.

Nakapasok na kami sa loob sinalubong naman kami ng kasambahay nila.

"Dito tayo"pag aya samin na sa sala ang deretso.

Nakita ko naman na kumakain ng chips sa sala ang kuya ni chel at si john di ko naman masyado close ang lalaking yun. Nakikita at naririnig ko lang naman na pinag uusapan sya minsan sa cafeteria. May itsura si john malamang sikat sa karamihan.

"Sakto. Tapos na din si manang magluto kain muna tayo" sabi naman ng kuya ni chel sabay tumayo.

"Welcome to our squad guill" sabi naman nya ulit at nakipag-kamay sakin ganun din ako.

"Thankyou" i said.

Ngumiti naman ito sakin at nagtungo na kami sa kusina.

Anong oras palang naman mamaya pa naman uuwi sila lyka. Mag tetext naman sakin yun.

Maya-maya pa ay kumain na kami. Naopen ang topic kay rye boypren ni chel.

"nakita ko si rye kanina malapit sa starbucks malapit sa school mo zed" sabi ni john.

"Madalas nga nakikita din sya ng mga kaibigan ko" sabi ni zed.

"Sino naman kinikita nun? Babae nya hahahaha"pagbibiro naman ni ivan

"baka nga nambabae na hahaha" biro din ni john

"Mga baliw kayo mamaya dumating na si chel marinig kayo. Yare kayo jan!" sabi naman ng kuya ni chel si zed.

"Pero seryoso bro. Tingin mo nambabae sya? Kasi kami ni ivan tingin namin" seryoso'ng ani ni john.

"Hayaan nating si chel ang makadiskubre. Di pa naman tayo sigurado pero kung totoo man. Baka diko alam magawa ko kay rye!" kita ang galit sa tono ni zed.

"Teka.. Change topic baka makalunok ng sandok yung tao pinag-uusapan niyo hahahaha" sabi ni ivan.

Tahimik lang ako hanggang sa matapos kaming kumain. Kaya bumalik na kami sa sala. Para maglaro daw sa Ps4 ni zed.

Nasa sala na kami at nakaupo na naka-recieve naman ako ng message mula kay lyka.

Lyka: nahatid na namin si chel sa bahay nila. Text mo ko kung okay kalang jan.

Kinabahan ako. Anong gagawin ko? Bahala na.

Tenext ko naman si lyka
Me: Thankyou nandito nako. Im safe here. Ikaw din ingat kayo. Lock the door okay.

At pinasok kona ang phone ko sa bulsa ko at umupo na. Maya maya pa ay pumasok na si chel.

Bakas sa mukha nya ang gulat ng makita ako. Nag pakita naman ako ng walang reaksyon sa kanya. Dahil alam ko naman na nandyan kana nag text si lyka kaya hindi na ko nagulat. Kinabahan? Kanina Oo.

Nakita naman sya ni zed kaya tumayo ito bago sya salubongin at ibiso.

Mahal nya ang kapatid nya. Dalawa lang naman sila.

"kumain kana ba? Pag hahanda kita kay manang" zed said.

"Busog na ko kuya. Kumain kami kanina nila lyn" chel said na naglakad na din paakyat.

"Wait, si guill kilala muna sya? Nung birthday ni ivan sa table natin sila pumwesto" sabi ni zed tumango naman si chel

Lumapit sya sakin at nakipag kamay ulit. Ulit? kala mo naman di ko nakasabay kumain sa cafeteria. Mukhang wala din ito sa mood.

"Nice meeting you again." sabi ni chel sakin pagtapos niya makipag kamay sakin.

"Ganun din sayo" tipid kong sabi.

"Akyat nako.." sabi nya na lumingon din kay zed. "kuya? Akyat nako" sabi ni chel sinagot naman sya ni zed nang " Sge" at umakyat na patungo sa kwarto nya.

Wala sya sa mood. May nangyare ba?

Tenext ko si lyka.

Me: Lyka? Gising kapa ba?

After 2minutes nag reply na sya.

Lyka: Yes, Nandito ako sa kwarto mo.

Me: May nangyare ba kanina?

Lyka: wala naman. Masaya kaming natapos eh. Bakit?

Me:Wala naman. Sige na matulog kana, yung pinto sarado ng maayos.

Lyka: thankyou. Take care.

Di kona yun nireplyan at nakisama na din kila ivan. Nag bibiruan din sila kaya nag tatawanan naman kami. Tahimik muna ako kasi di ko pa naman sila close masyado di pa ko sanay sa kanila.

Unexpected Love (Lacshama Series 1)   |Completed|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon