Nakauwi na ako sa bahay, sabi nila leo napamahal na sila sa condo kaya doon na muna sila.
Nakahalumbaba naman ako sa lamesa ko sa kwarto at nakatingin ako sa bintana ko.
May gusto sakin si liza? Pero di ko naman nahahalata o napapansin, manhid na ba ako? Pero kaibigan lang ang turing ko sa kanya at kung totoo man ang sinasabi nila leo sakin, paano ko naman sasabihin sa kanya na wag na nyang ituloy pa ang paghanga nya sakin, pero di naman ganun kadali yun, tsaka curious din ako ano ba talaga ang ginawa nya kay chel? Gusto kong malaman kong ano.
*******
CHEL LACHSAMA POV
"manang si kuya wala pa din po ba?" i asked.
"Nasa kwarto na nya iha, maaga syang umuwi at mukhang pagod sya ngayon" sabi ni manang.
Magpapasama sana ako sa kanya na bumili sa mall, ubos na kasi yung foundation ko tsaka mga Pallete, ihahanda ko din yun para sa grad ball namin dahil tatlong buwan nalang gragraduate na kami pero mauuna yung grad ball nang isang buwan.
Tinawagan ko si lyn na magpapasama ako sa kanya pero di niya sinasagot, wala akong choice kundi ang tawagan si guin, ayokong mag mall mag isa di ako sanay.
"Hello chel." he said.
Kinakabahan ako paano ba to? "hello guin, pasama sana ako sayo free kaba?"
"ngayon? Nasa trabaho ako eh" dismayadong sabi nya. Nakalimutan ko na nag tratrabaho pala siya after class.
"ay oo nga pala, sorry nakalimutan ko" nasabi ko nalang, nakakahiya!
"ayos lang, move mo nalang ng saturday or sunday yung lakad mo, para masamahan kita." he said.
Mukhang magandang ideya nga iyan."Sige sa saturday nalang para masamahan mo ko."
"Ayun!" dinig kong sabi nya, mahina lang kasi.
"sige na babye na ingat ka." sabi ko. Nasa trabaho sya bawal ang mag phone doon baka matanggal pa siya dahil sa pagtawag ko
"salamat." sabi nya kaya pinutol ko na ang linya.
Sa sabado nalang ako bibili para magkasama naman kami, this is it ito na ang pinakahihintay ko ang unti-unting maging okay ang lahat.
****
"Sure ka ito bagay na shade para sa labi ko?" i asked him.
Nahihiya naman siyang tumingin sa labi ko. "O-oo ayan bagay sayo" sabi nya "kahit ano naman bagay sayo eh" bulong nya pero dinig ko.
"Yung foundation ko alam ko na kung anong babagay sa kulay ko, okay na din sa pallete tara na sa counter." i said. Sumunod naman sya sakin.
-------
"Nagugutom ako doon nalang tayo sa Kuya J." sabi ko
"Doon tayo pero bayad ko naman ngayon ha." sabi nya.
"No!" sabi ko.
"Sige na ngayon lang naman, tsaka libre ko na to" sabi nya.
Nginitian ko naman siya, halatang gusto nya ngang bumawi kaya tumango tango nalang ako.
"Busog ka na ba? Di ka na nagugutom hahaha" sabi nya matapos naming kumain.
Sinamaan ko naman siya ng tingin kunwari "Bad!" sabi ko.
Tumawa naman siya nakakahawa ang tawa nya "Hahahha ikaw kasi eh, lagi kang nagugutom baka tumaba ka na nyan." sabi nya.
"Mahal mo pa din naman ako diba? Kahit tumaba ako." sabi ko, nagulat ako bakit ko nasabi yun.
"Oo naman, mataba ka man o mapayat you have my heart" he said.
Nahihiya ako bakit ko ba yun tinanong nakakaasar!
-----
"Salamat sa pag hatid at pagsama sakin ah." sabi ko.
Nandito na kami sa tapat ng gate, usually kotse nya na ang gamit di nya na ako pinag momotor, nagiging okay na din kaming dalawa, gumagaan na ulit ang loob ko sa kanya.
"Uy guill anjan ka pala.." sabi ni kuya kaya lumingon ako, mukhang magtatapon lang ng basura to dahil may bitbit na dalawang garbage bag nakapambahay lang sya.
"oo hinatid ko lang si chel." sagot nya.
"Pumasok kana muna." kuya zed said.
"Ah hindi na muna, dadaanan ko pa sila bryan may lakad din kami." he said.
Ano, may lakad din kayo? Saan naman yun? Di mo man lang ako sinabihan!
"Sige, ingat sa lakad niyo" sabi ni kuya.
"Una na ako chel, salamat." sabi nya at pumasok na sa kotse. Di na nya ako inantay makapasok sa loob dahil maaga pa at si kuya zed kasabay ko naman.
Siniko naman ako ni kuya zed "Naku, ikaw ah! Sanaol" tumatawang sabi ni kuya.
"sanaol kajan, kunwari ka pa may nililigawan ka naman na!" sabi ko.
"Hindi pa nga nililigawan eh hahaha tsaka di ko pa sya totally love, like palang." he said
"Doon din bagsak nun kuya no!" sabi ko.
"Teka sa inyo ang pinag uusapan natin hindi sakin hahaha" sabi nya at binuksan ang pinto, pinauna nya ako kaya kasunudan ko lang sya.
"Sge na, tutulungan ko pa si manang." sabi nya.
"Liligpitin ko na muna yung kwarto ko tapos baba ako ulit." sabi ko, ako na magliligpit ng kwarto ko dahil ayokong mas mapagod si manang, may edad nadin kasi si manang kaya ayaw namin na mapagod sya masyado. Sabi nya samin noon maswerte sya dahil kami ang alaga nya at may mga amo siyang mababait. Mabait kasi samin si manang, sinusuklian lang namin yun, dahil mula pagkabata si manang na ang nandyan para samin, pangalawang magulang na namin siya, dahil sila mom and dad busy sa work nila sa ibang bansa, naiintindihan naman namin na para saamin din ang ginagawa nila.
Nagsimula na akong magligpit ng kwarto ko para makababa na din at matulungan sila kuya sa paglilinis at paglalaba.
GUILL SANTOS POV
"Bakit? Bakit hindi na pwede manood sa inyo?" she asked.
"oo kasi sabi ni francis yun, may mga bagong students kasi na mag peperform doon." sabi ko. Totoo na may mga bagong students pero di totoo na bawal ng manood.
Naalala ko kasi ang sinabi ni leo. Wag mong payagan manood ng practice naten yun, baka mabawasan yung paghanga nun sayo, tsaka masama kutob ko kay liz mukhang walang magandang gagawin yun pag naging kayo na ni chel ulit. Sinabihan lang kita guin depende kung susundin mo.
"Kakausapin ko si francis pipilitin ko siya, ako lang naman mag isa manonood eh" she said.
"Wag na liz, marame na ding students paano kong makita ka nila doon tapos di ka naman kasama sa club namin, edi sasabihin nila na ang unfair dahil yung ibang kaibigan nila na di kasali pero gustong manood di makanood, tapos ikaw pwede. Edi magiging masama na tingin nila sayo o kaya naman di ka na nila magustuhan" pagsisinungaling ko, kailangan ko pa bang galingan sa pag gawa ng kwento, nakita ko naman na nag iba ang expresyon ng itsura nya.
"Tama ka, sge." sabi nya. Halatang tumamlay ang tono ng boses nya.
Sorry liza pero kailangan ko tong gawin para din sayo.
"Liz--" sabi ko dahil tinalikuran na nya ako.
"Ayos lang guill" pag didiin nya sa pangalan ko.
"sorry" nasabi ko nalang pero di na nya ako nilingon pa.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (Lacshama Series 1) |Completed|
RomanceIt's about a woman named Chel Lacshama who has a 3 year relationship with Rye Chester who just cheats on her. Guill Santos, a great singer, came to her life. What his role in Chel's life? Start: December 25, 2019 End: April 27, 2020
