CHAPTER 73

21 8 0
                                    

CHEL LACSAMA POV

"Ano, kamusta na pakiramdam mo? Okay ka na ba?" kuya zed asked.

Ilang araw na pala ako dito, naalala ko pa ang nangyari.

"Okay naman na" sagot ko at dahan-dahang umupo at napahawak sa ulo ko dahil medyo nakaramdam ako ng hilo sa pag upo ko, lumapit naman si kuya.

"Ayos ka na ba talaga, nahihilo ka pa ba? May masakit sayo?" he asked. Napag alala ko pala sila ng subra, sa katangahan ko to eh, lalampa lampa kasi ako.

"Nahilo lang ako sa pag upo, by the way nasaan pala sila?" i asked.

Habang tulog kasi ako naririnig ko na nag-uusap sila gising yung diwa ko ganun.

"Si guill may binili lang sa labas, sila lyn naman ay nasa school pa pupunta sila dito mamaya." sagot ni kuya.

May pasok? Anong araw ba ngayon? Edi hindi si guill pumasok ngayon?

Kumatok muna sya at binuksan  ang pinto. "Gising ka na pala." sabi ni guill at inilapag ang mga binili niya.

"Lalabas na muna ako." sabi ni kuya zed. Paglabas ni kuya zed niyakap naman ako ni guill pero dahan-dahan lang maingat yung bawat kilos nya.

"Subrang nag alala kami sayo, mabuti naman at gising kana" he said habang yakap ako, kumalas din sya agad.

"Sorry, nag alala pa kayo, kasalanan ko naman bakit ako nandito." sabi ko.

Umupo naman sya sa gilid ng kama ko "Tell me what happened doon sa rooftop." he said.

Oo nga pala yung araw bago ako maaksidente.

"Me and liza was talking that time, tumakbo sya palabas ng rooftop after namin mag usap, umiiyak kasi siya nung time nayun, sinubukan ko syang habulin na out balance ako kaya ito nandito ako ngayon" kwento ko.

"Buong akala kasi ni lyn, si liza ang may kagagawan sayo nyan, na baka tinulak ka ni liza kaya ka nag kaganyan" he said.

Tingin ko din nung una ganun ang gagawin ni liza, pero i was wrong she not do that to me, imbles na pisikal nya akong saktan tumakbo nalang sya, maybe she only wants is to rants at me, kung gaano kasakit yung nararamdaman nya ngayon because of me/guill.

"Asaan na pala siya?" i asked.

"I don't know, baka nasa school." he said.

Gusto kong mag sorry sa kanya kapag may oras o kaya kapag nakalabas na ako dito.

-----

"Ibig sabihin hindi ka nya tinulak or what?" lyn asked, dahil kwenento ko na sa kanya ang nangyari, wala na si guin dahil may pasok pa sya sa trabaho nya while kuya na nasa labas ulit, dahil ayaw naman nun na makisawsaw minsan sa usapan.

"Hindi ano kaba!" sabi ko pa.

Bumuntong hininga muna sya "Mabuti naman kasi kung sya dahilan kung bakit ka nandito ngayon, kakalbuhin ko talaga yung babaeng yun" sabi pa nya.

Sadista talaga tong babaeng to.

"Sadista ka naman masyado!" sabi ko.

"Aba kung para sayo bakit hindi diba!" sagot pa nya. Jusko kasalanan ko pa pala pag napahamak to dahil sakin gusto manakit hahaha.

Pumasok si kuya zed lahat sila kumakatok muna bago pumasok so nakakatuwa lang. "Pwede ka na daw makauwi bukas" sabi ni kuya zed.

"Pero mag papahinga ka muna sa bahay, excuse ka ng 1week sa school niyo." sabi nya na nakasandal sa pader at naka cross ang kamay.

"Anong araw na ba ngayon?" i asked.

"Thursday na chel, tagal mong nagpahinga dito eh hahah" tumatawang sabi ni lyn.

"Kaya ko naman na din ata pumasok bukas." sabi ko. Sumama naman ang tingin sakin ni kuya

"Sige pumasok ka bukas" he said "Pero sasabihin ko kila mommy ang ang nangyari sayo" sabi pa nya. Hell no!

"Oo!" sabi ko, tumingin sya sakin ulit.

"Anong Oo!" taas kilay nyang sabi.

"Oo na sa bahay na lang ako!" sabi ko kaya bahagya namang natawa si lyn.

"Tsk! Tigas ulo!" sabi ni kuya zed.

Psh, tigas ulo ka pa jan, panakot mo lang sakin sila mom eh, ayoko din kasi na mas mag alala sila sakin baka di sila maka pag focus sa trabaho nila pag nalaman nila ang nangyari sakin.

Kinabukasan

"Jusko, iha mabuti't ayos ka na" salubong sakin ni manang at niyakap ako pero saglit lang iyon.

"Saan si kuya zed mo, kumain na muna kayo bago magpahinga" sabi ni manang na inalalayan ako.

"Pinagluto kita ng sofas, may kanin dito tsaka ulam na sinigang, sandali pag hahanda kita" sabi ni manang.

"Salamat po." sabi ko, nang ilapag nya ang kanin at ulam, ganun din ang sofas pero sofas muna ang inuna ko. Nakita ko naman si kuya zed na umupo na din sa tabi ko.

"Ako din po manang, kagutom doon eh" sabi ni kuya zed.

"Sige iho, sandali at hahainan din kita" sabi ni manang.

Maya-maya ay inilapag na din ni manang ang pagkain ni kuya zed. "Salamat manang" pasasalamat ni kuya zed.

"walang anuman" sabi naman ni manang. Lumabas muna sya sa kusina di ko alam saan si manang pupunta di sya nagsabi eh.

"Namiss ko luto ni manang" sabi ko.

"Kawawa ka naman buti pa ako, araw-araw nakakakain ng luto ni manang." pang aasar naman ni kuya.

"Psh! Di na ako malalampa ulit kaya makakakain na ako ulit ng luto ni manang!" sagot ko kaya natawa naman sya.

"Para ka pa ring bata! Hahahah" tumatawang sabi nya, natawa tuloy ako.

"Bata pa naman ako" sabi ko.

"Ang bata walang boyfriend hahaha" pang aasar pa nya sakin, aba makikipag asaran ka pa sakin kuya zed ah!

"So? Bata ka pala? Kasi wala kang GIRLFRIEND!" Pag didiin ko sa word na girlfriend. Hahaha ano ka ngayon kuya!

"Shhhh, kumain na lang tayo hahahah" sabi nya.

Wala pala to eh hahahaha!

"Oo mabuti pa nga" sabi ko at nagpatuloy na kami sa pagkain.

----

Nandito na ako ngayon sa kwarto at nagpapahinga sumakit bigla yung ulo ko kaya dapat dahan-dahan mo na ako sa pag kikilos ko, kasi nakakaloka ang sakit.

Natulog na muna ako para di ko maramdaman yung sakit, kumikirot pa din kasi e baka mawala kapag natulog ako.

Zzzzzzzzzzzzz

Unexpected Love (Lacshama Series 1)   |Completed|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon