GUILL SANTOS POV
"Sakto at nandito na lahat."sabi ni francis. "wait..." dagdag pa nya.
"Bakit?" i asked.
"Si lachsama wala pa dito, did you see her?" francis asked.
"Oo susunod na lang daw sya." sagot ko.
"Sige ayosin na muna niyo yung mga intruments habang inaantay si chel." utos ni francis.
"Guill, doon lang ako panonoodin ko nalang kayo." kalabit nya sakin.
"Di ka pa ba uuwi? Late na." sabi ko, kasi baka di ko din sya mahatid dahil may mga aasikasuhin ako.
"Hahatid mo naman ako diba?" she asked.
"Hindi kita mahahatid ngayon, magiging busy ako sa mga susunod na araw pasensiya na " sabi ko at ginulo ang buhok niya.
"Ganun ba? Okay lang mag papasundo na lang ako sa driver namin." nakangiting sabi nya.
"uhmm, sige na upo kana don." sabi ko.
Umupo na siya sa di kalayuan samin para manood, pumasok na din si chel na walang karea-reaksyon ang mukha, kasunod nya sila john at lyn. Sa itsura ni john mukhang napilitang sumama, tumingin pa ako kay john ganun din sya sakin at napakamot nalang sya ng ulo, hahaha alam ko na. Masunuring boypren talaga tong si john eh.
"Go chel, go go go." cheer naman ni lyn at umupo medyo malayo silang dalawa ni john kay liza.
Nakita ko naman si john na tinuturo ang pwesto ni liza na doon nalang sila nakita ko naman na humindi si lyn kaya wala ng nagawa si john kundi sumunod.
"Start na kompleto na tayo " palakpak ni francis kaya nagsimula na kami.
------
"Whooa, nakakamiss din pala." unat-unat na sabi ni bryan, inuunat nya ang dalawa nyang braso.
"Kaya nga eh, si lyka namiss ko tuloy bigla." sabi ni leo
"Nakakausap niyo ba sya?" i asked, wala kasi akong balita 'bout sa kanya eh.
"Wala eh, di din namin siya macontact." sagot ni leo.
"baka busy kaya ganun." sabi din ni bryan.
Naglakad na kami palabas ng school dahil sila chel kanina pa nauna, si liza naman ay maagang dumating ang sundo kaya di na kami naantay matapos.
CHEL LACSAMA POV
"Gutom na ba kayo? Nagugutom ako eh" sabi ko.
"Babe? Mauuna na pala ako, si dad tumatawag na" john said to lyn.
"Oo nga pala, baka malate ka sige na ingat ka." sabi ni lyn at kiniss sya sa noo ni john.
"chel, ingat kayo ah una na ko.. Babe ingat" sabi nya at kumaway pa samin bago umalis. Malayo pa lalakarin nya kasi sa parking lot pa yung kotse nya, mag momotor lang kami ni lyn since dala ko motor ko, sa labas ko na pinapark nababatayan naman ni manong guard e.
"Kuya, magsasara na po kayo?" i asked.
"Oo eh, pupuntahan ko pa yung alaga ko." sagot ni kuyang guard.
Uwian na din kasi ng lahat at anong oras na din kami natapos, nagsisisi ako bat ako sumali, kung di ko lang alam na si liza ang magiging kapalit kapag di ako sumali, di talaga ako sasali eh. Nakakatamad mag practice, lalo na ang practice namin Wednesday at friday, dalawang araw lang pero grabe yung tagal ng oras jusko.
------
Wala nang streefoods sa tapat ng school kaya napilitan akong ilibre si lyn sa mcdo, di naman ako madamot kay lyn sadyang sayang kasi ang pera, altho sila mommy nagbibigay kailangan mag tipid kasi baka sooner or later magamit sa emergency ang pera, mas kailangan kong itabi yung pera para sa mas kailangan kesa sa gusto ko lang.
"Mahalaga kahit piso." sabe ni guill sakin dati yun, dahil sa kanya natuto akong pahalagahan yun, siya kasi pinaghihirapan nya ang mga bagay na nagagamit nya at kung anong meron man siya ngayon, nakabili sya ng bahay sa sarili nyang pag susumikap, while me na sila dad and mom ang nagpundar, balang araw siguro makakapundar din ako ng sarili kong bahay, si kuya naman ay may business na. Ang dame ng bago at nangyayare, siguro dahil tumatanda na din kami, ako.
"Sa subrang dame parang mauubos ko to ng isang minuto lang tapos order ka ulit " sabi ni lyn at kumagat ng chicken.
"Psssh, ang takaw takaw mo!" inis kunwari na sabi ko.
"Sinamahan kita kanina remember." she said.
"psh." nasabi ko nalang.
Flashback
"Ano? Sasamahan kita? No way, mas gugustuhin ko nalang matulog sa bahay eh, tagal tagal pa alasingko pa." sabi ni lyn.
"Sige na alangan na ako lang doon diba? Nandon si guill sige na kasi." pag pupumilit ko sa kanya.
"May kapalit!" sabi nya.
"Oo kahit ano, sumama ka lang." sabe ko.
"okay, uuwi muna ako sa bahay at text kita pag otw na ako, sasama ko si john." she said.
Bumuntong hininga naman ako, whoooa akala ko di ako sasamahan nito eh, may kapalit pa ano naman kaya ang kapalit na gusto nito!
Kahit kailan talaga.
End of flashback
Mukhang panibagong order ang kapalit ng pagsama nya sakin ah, gasgas na hahaha.
"Ako na oorder akin na card mo..." lahad nya ng kamay.
Sinimangutan ko muna sya bago ibigay.
"don't worry, di ko uubusin hahaha. Bawi lang to nilibre kita sa mall diba? Bawian lang hahaha mwuaps" nag flying kiss pa jusko.
Mali ba na sinabi kong nagugutom ako, dapat umuwi nalang ako para luto ni manang ang kakainin ko, nandito na eh, naku magastos na lyn.
--------
"Hello po manang..." i said, nakita ko si kuya na kumakain kaya nilapitan ko siya para ibiso "Hello kuya, una na muna ako sa taas ah pagod ako ngayon eh" dagdag ko pa.
"Saan ka ba galing?" he asked
"Sa practice para sa grad ball." sagot ko.
"Sige na magpahinga kana, papadalhan nalang kita ng pagkain kay manang." he said.
"ako na lang bababa kuya pag nakaramdam ako ng gutom, salamat" sabi ko at tinalikuran sila.
"Sumabay kana po kaya sakin manang.." dinig kong aya ni kuya kay manang.
"di na iho, busog pa ako.. Kamusta naman pala ang business mo?" manang asked. Di ko na narinig ang ibang pinag-usapan nila dahil pagod talaga ang katawan ko at gusto nang matulog.
Nakapasok ako sa kwarto deretso ako dapa.
"Haaaayy sarap." sabi ko at hinimas ang kama ko, sarap matulog subrang sarap matulog lalo na pag pagod.
Zzzzzzzzzzzzz
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (Lacshama Series 1) |Completed|
RomanceIt's about a woman named Chel Lacshama who has a 3 year relationship with Rye Chester who just cheats on her. Guill Santos, a great singer, came to her life. What his role in Chel's life? Start: December 25, 2019 End: April 27, 2020