CHAPTER 39

49 20 0
                                        

"bakit mo ako pinapapunta dito?" i asked.

"Sorry sandali lang naman to, pasensiya na" he said, at lumapit naman ako sa kanya at inaya nya akong umupo muna,sumunod naman ako.

"Okay. Ano yun?" i asked.

"The day na nag text ako sayo, im so sorry.." he said.

Bumalik naman sakin lahat ng ala-ala nung gabing nabasa ko yun. "ayos lang sakin rye, malinaw naman na sakin lahat eh" i said. Di ko alam pero walang luha na bumabagsak sa mga mata ko ngayon. Maybe i still love him pero pagod na yung mga mata ko.

"Di ko na ba pwedeng bawiin yun?" he said.

Paano ba nga ba babawiin yun?

" di ka nag paramdam ng ilang araw,linggo sakin rye tapos ngayon...nandito ka na naman para bawiin yun? The day na sinabi mo sakin na babawi ka, asan ka nun? Kasama mo si angel nun diba?" i said.

"no love, hindi ko sya kasama nun" he said. Mag sisinungaling kapa sakin. Nag send ng pic sakin si elizabeth nung araw na yun.

"Don't lie to me rye. Kasi alam ko na matagal ko nang tinangap na wala na talaga tayo kahit di mo pa sinasabi. Nanghihinayang ako sa mga taon na mag kasama tayo, maybe tama sila. Baka di para satin ang araw o oras na to rye, i accept the fact na ayaw muna and you choose her" i said at tumayo na para umalis pero nag salita sya ulit.

"Wala na kami ni angel, Chel i choose you" he said.

Umiling naman ako "no rye. Your not choose me, kasi kung Oo una palang tinigil muna at bumawi kana! Nag enjoy kaba sa kanya? Sarap siguro sa pakiramdam na natikman muna yung matagal mo nang hanap. Sorry rye kung di ko yun naibigay sayo ah!" i said na may galit ang tono ko.

"Let me explain chel" habol nya sakin at nahawakan naman nya ang kamay ko kaya naman napaharap naman ako sa kanya at ini syang tinignan.

"Tama na rye. Tapos na tayo, pinutol muna kung ano yung relasyon na matagal nating pinag hirapan." i said na naluluha na talaga pero pinipigilan ko naman na ilabas yun.

Niyakap nya ako " please love, forgive me. Sorry kasi subra lang yung break down ko that time kaya natext ko sayo yun sorry" he said. Nakapiglas naman ako sa yakap nya.

" Tapos na tayo at ikaw ang unang tumapos sa relasyon natin. Di ako tanga rye para paulit ulit ka nalang pag bigyan" i said.

"Tell me, do you still love me?" he asked.

Tumingin naman ako sa mga mata nya. "Yes rye, pero di na tayo gaya ng dati. Di simpleng bagay ang nagawa mo. Aalis na ko" I said. naglakad na palayo.

Nakita ko naman na lumuhod si rye "love,please" umiwas na ako sa kanya ng tingin bago pumasok ng makasalubong ko si guill, pero iniwasan ko siya pero nahawakan nya agad ang kamay ko.

"are you okay?" he asked.

I smile, "Yes." i said. Binitawan naman nya ako agad at niyakap ako.

Puro nalang yakap ang nangyayare sa araw ko puro nalang sakit ang nararamdaman ko, napaka sama kubang tao para mangyari sakin lahat ng to?

"Nandito lang ako chel" he said. Ngumiti naman ako sakanya ng bitawan na nya ang pagkakayakap sakin.

"thankyou." i said at naglakad na palayo sa kanya.

Di ko ata maeenjoy tong event na to, mas gusto kunalang umuwi damn this day.

Nasa table na ko namin at may mga nagsasayaw na din, nakita ko naman lumapit si kuya zed sakin. Di din kasi ako kinakausap nila lyn eh. Kaya parang naboboring din ako mag stay dito.

Unexpected Love (Lacshama Series 1)   |Completed|Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon