CHAPTER 11

65 24 0
                                    

GUILL SANTOS POV

"hahaha grabe nga eh. Panong di ka gigising na puro sulat ang mukha eh lasing ka din"biruan ng mga barkada ko habang inaantay namin sila chel at lyn. Ito na ang unang pagkakataon na makakasabay namin kayo sa iisang lamesa!

"Nako bryan papatayin talaga kita buti nalang hindi mo ko sinulatan!" sabi naman ni lyka at tumatawa.

"Bat ka namin susulatan edi nayare kami jan sa boyfriend mo!" pang aasar naman samin ni leo na sinamaan ko naman ng tingin.

"hindi kami mag jowa leo napaka ano mo talaga eh!"agad namang umiwas si leo na akmang kukutusan ni lyka.

"Oh anjan na pala ang hinihintay naten eh..."sabi naman ni bryan na nakaturo sa nilalakaran nila chel pero hindi ako tumingin.

"Hello sorry nalate kami hahaha"nahihiyang tugon naman ni lyn samin.

"Upo muna kayo lyn,chel"pag-aya naman ni lyka sa dalawa.

"Thankyou!" sabei nilang dalawa.

Nakatingin naman ako kay chel na parang nahihiya pa samin sumabay, habang si lyn naman ay nakikipag biruan na sa mga barkada namin

"Umorder na ba kayo? Ako na oorder my treat"presenta naman ni chel nakakahiya naman unang kasalo namin sila libre nya pa hahaha! No!

"Tamang-tama di pa kami nakaka order. Libre mo? sarap pa naman pag libre!"pagbibiro naman ni bryan na agad kong siniko ng mahina at nanahimik naman sya.

"Wag! kkb tayo dito may mga pera naman tong mga to. Diba mga pre!" tingin ko sa kanila na dapat ay UmuO sila!

UmuO kayo mga bwesit kayo!

Mga walang hiya!

"Oo chel. Kkb nalang nakakahiya naman sa inyo. Kapal naman ng mukha namin kapag libre mo pa eh ngayon lang tayo nag kasalo-salo" wika ni lyka. Ngumiti naman ito.

"Sayang ang daya naman. Minsan lang makatikim ng libre eh!" pagdadabog naman ni bryan.

"sige oorder na ko. Ano mga order niyo?" tanong ni chel na akmang tatayo na.

"Akin.." hindi na natuloy ni bryan ang sasabihin nya ng ibinaba ko ang kamay nya. Inis namang tumingin sakin to.

"Tara lyn,chel tayo na umorder. Sa susunod sila naman ang oorder hahaha"anyaya ni lyka sa kanila kaya tumayo naman sila agad at pumila.

Nakakahiya!

"Hoy! Kayong dalawa ang kakapal ang apoks niyo no? Hindi na kayo nahiya ah!"pagpapagalit ko sa dalawa pero tonong biro.

"Oo na pre. May gusto ka siguro dun sa chel no? Ikaw ah"pagsiko naman sakin ni bryan at tumawa naman si leo.

"grabe pre. Dalawa-dalawa babae mo ah!"biro naman ni leo sakin na sinamaan ko ng tingin at naka dekwatro ako na upo at sinadal ang ulo ko sa inuupuan namin.

"Hindi no. Kapatid lang ang turing ko kay lyka. Walang magbabago dun!"sabi ko habang nasa ganoong posisyon.

"Nirerespeto namin pre. Pero halata naman na may gusto sayo si lyka eh!"sabi ni bryan

"Dati pa naman namin nahahalata. Ikaw? Guill hindi mo ba nahahalata?" tanong naman ni Leo

Oo nahahalata ko naman yun. Pero di konalang pinapansin dahil lang naman sa mga to kaya mas nagugustuhan ako ni lyka. Mga nang aasar kasi... Mga makukulit!

Unexpected Love (Lacshama Series 1)   |Completed|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon