CHAPTER 58

28 10 0
                                        

LYN CORTEZA POV

"Balita?" i asked.

Sumandal naman siya sa balikat ko "Ito nakakapagod na araw kasi si dad trinitrain ako." he said.

"Ano kaba para naman sa future mo yan." sabi ko.

"Future naten" sabi niya, tumingin pa siya sakin sandali at binalik ang pag patong ng ulo niya sa balikat ko.

Busy si john ngayon, madalas din na hindi namin siya kasabay umuwi dahil deretso siya sa dad niya, may bar kasi ang papa niya, kaya tinuturuan na daw siyang magpatakbo nito.

"Gusto mo naman yung ginagawa mo diba?" i asked him.

"Oo gusto ko." sagot niya.

Mabuti naman kung ganun.

Pag nasa public place kaming dalawa ni john, lowkey lang kami. Ayoko kasi na maging PDA kami sa labas, mahirap na majudge.

"Si guill? Nakakausap niyo ba siya nila zed?" i asked.

Tinanggal naman niya ang pag kaka patong ng ulo nya sa balikat ko at umunat.

"Actually, were planning about that." he said.

"Kelan niyo naman yan plano?" i asked.

"Wala pang eksaktong araw, pero atleast may plano hahahaha" sabi niya.

"Gusto ko din kasi na maayos na silang dalawa ni chel." malungkot kong sabi.

"Kami din naman, tayo nga atang lahat eh hahahah" sabi niya. "As long as di pa naten alam kung bakit ganun ang nangyare, susubukan nateng tumulong para maayos." dagdag pa niya.

Bumuntong hininga na lang ako.

"Lets go, im hungry na doon tayo sa malapit na resto "sabi nya at hinawakan ang kamay ko at naglakad patungo sa sinasabi niyang resto.

-------

"Mukhang masarap ang mga pagkain dito hahaha." sabi ni john ng inilapag na ang mga order namin.

"Sige na mukhang mas gutom ka sakin hahahah" pang-aasar ko.

"Psh, dalawa tayo hahaha" nakangusong sabi niya.

Pa cute pa, akala mo naman di cute, cute nga hahahaah.

Patapos na din kaming kumain ng may makita akong pamilyar na lalaki.

"Teka, si guill ba yun?" i asked.

Tumingin naman si john sa dereksyon ni guin.

"Oo." sagot niya.

Si guill kasama si Liza, what the hell! Ano naman kaya ang ginagawa nila dito, kumakain malamang shunga shunga lyn? I mean, nag dadate ba sila? Kapal naman ng mukha nito ni guill, di pa nga niya hinihiwalayan si chel tapos makikipag date sa iba!

"Babe stop!" sabi ni john nung akma na akong tatayo.

"why?" inis na tanong ko.

"Hayaan mo na muna, di nga naten alam kung anong dahilan bat sila magkasama diba? Kung mauuna yang galit mo wala gugulo lang." he said.

May point naman siya, umayos na lang ako nang pakakaupo dahil sa sinabe ni john.

Im starting....

Liza declared war. Chos lang di naman ako si chel pero kung ako si chel? Kung makikita ko sila dito ngayon? Aba baka kalbo na yan si Liza naku! Di pwede sakin yan.

Pag ginawa sakin ni john yan baka sapakin ko pa siya.

Mukha namang goodboy ang bebe ko so ayos na yun para sakin.

Tapos na din kami at umuwi na hinatid muna nya ako sa bahay namin bago siya umuwi.

GUILL SANTOS POV

"Thankyou for tonight." she said.

Naglalakad lang kami, wala akong kotse.

May kotse siya ewan ko bat di niya dinala nag pahatid lang sya sa driver nila.

"Walang anuman." tipid kong sagot habang nag lalakad kami pasakayan nang jeep.

"Nag ka girlfriend kana ba? O may nililigawan?" she asked.

"Bakit mo naman natanong?" i asked.

"Wala naman, narinig ko kasi sa mga girls nung nakaraan." she said.

Saan daw?

"Saan?" i asked.

"nag ccr kasi ako nung time na yun, pumasok muna ako sa kabilang cubicle, di mo sinabi sakin na isa ka pala sa kilala dito sa univyersity naten." manghang sabi niya.

Di naman subrang kilala as campus etc.

"may banda kasi kami, bali ako si lyka,bryan,leo kaya nakilala kami kasi kami yung nag babanda everytime na may event may club kasi kami." sabi ko.

"Lyka? Yun ba yung girlfriend mo?" she asked.

"Hindi, kabanda ko siya at kaibigan din." i said.

"Asan pala siya ngayon? Di ko siya nakikita eh" she said

"Nasa ibang bansa sya doon siya mag aaral. Babalik din daw siya sabi niya." i said.

Masyado na akong makwento sa kanya.

" mabalik tayo bali wala kang girlfriend o nililigawan?" she asked.

Wala pa akong oras para ikwento sa kanya.

"Tara na, antay nalang tayo ng bus dito mukhang wala na kasing jeep na dadaan eh." pag iiba ko ng usapan, tumango naman siya.

Ilang minuto pa kaming nag-antay at may bus na din.

Magkatabi kami, dito kami sa bandang likod.

Nagulat ako ng bigla siyang sumandal sa balikat ko at pumikit.

Baka antok na siya kaya hinayaan ko nalang, ayoko naman na maging bastos kong papaalisin ko siya.

May nakita akong pamilyar na babae mukhang sa school din namin nag aaral, nginitian niya ako kaya nginitian ko nalang din siya pabalik.

"Liz? Tara nandito na tayo." pang gigising ko sa kanya.

Dahan-dahan naman niyang iminulat ang mga mata niya at tumayo.

Naglalakad na kami papasok sa village nila.

"Ihahatid mo pa ako hanggang samin?" nahihiya nyang tanong.

Anong oras na din kasi, baka mapahamak pa siya. Ako ang kasama niya kaya obligasyon kong hinatid siya.

"Oo tapos uuwi na ako pag ka hatid ko sayo." sagot ko.

----

"Nandito na tayo " sabi niya.

Mas malaki ang bahay niya kumpara sa bahay namin, mayaman siya. Pero bakit? Bakit nya mas ginustong maglakad at mag commute kasama ako? Ang ibang mayayaman kasi hindi sanay sa ganun.

"Sige pumasok kana." sabi ko.

Naglakad na siya, hanggang sa nasa pintuan na siya nila at lumingon sakin, kita ko ang gulat sa mga mata niya.

Bakit?

"Sige na pasok kana." sabi ko pero alam kong di nya yin dinig pero nababasa niya sa mga labi ko.

"Thankyou!" sabi niya.

Nag paalam na din ako ganun din siya kaya naglakad na ako pauwi.

Naalala ko tuloy si chel kanina, hinahatid ko din siya pauwi sa kanila.

Yung reaksyon ni Liza kanina, yun din ang unang reaksyon na nakita ko kay chel noon.

Nakakatuwa kasi inaantay mo muna akong pumasok sa bahay bago ka umalis

Sabe sakin ni chel noon.

Nakakamiss.

Unexpected Love (Lacshama Series 1)   |Completed|Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon