Nandito na kami sa court dahil sakto alasais na.
Sa kabutihang palad napilit ni lyn si chel na sumama, masaya ako na nandito ka.
Nagsimula na din kaming maglaro, katuwaan lang ang basketball namin biglaang aya lang to nila ivan.
------
"Wait..." ivan said. "Pahinga mo na kapagod" dagdag nya at ginagawang pamaypay ang damit nya dahil sa subrang pawis din.
"May naisip ako" sabi ni bryan kaya napatingin kaming lahat sa kaniya."Kapag naka tatlong shoot ng bola si guill ng walang kapalya palya papayag siya" turo nya kay chel "na mag date sila ni guill hahaha" dagdag pa niya.
Ano na naman pinag iisip nito.
"Oo mukhang maganda yan" sabi ni zed.
"Kuya!" pagsaway ni chel kay zed.
"Oo chel, mukhang maganda nga yung naisip ni bryan." sabi pa ni lyn.
Nakakahiya bakit laging kami ang pansin nila hahaha.
"Ayoko." nagulat sila sa sagot ni chel.
"Ay kj naman nito ni chel oh hahaha" sabi pa ni ivan.
"Kayo kaya nakaisip niyan kayo nalang!" inis na sabi nya.
"Uy kayo, itigil niyo yan ikaw bryan pasimuno ka." saway ko.
"Ayaw mo ba talaga chel? Di ba magbabago isip mo?" tanong ni bryan kay chel.
"Natatakot ka ba na baka maka shoot si guill ng tatlo tapos walang palya kaya ayaw mo? Hahaha" sabi ni zed.
"Ayaw nya okay! Si liza na lang papapuntahin ko siya dito ngayon." sabi pa ni bryan at inilabas ang cellphone nya.
"Hi liz, naglalaro kami nila guill nang basketball free ka ba ngayon nood ka naman samin" malakas na sabi pa ni bryan habang nag tytype.
"Chel, game na bahala kajan ah!" sabi ni lyn.
CHEL LACSAMA POV
"Ayaw mo ba talaga chel? Di ba magbabago isip mo?" tanong sakin ni bryan.
"Natatakot ka ba na baka maka shoot si guill ng tatlo tapos walang palya kaya ayaw mo? Hahaha" sabi ni kuya zed isa pa to eh!
"Ayaw nya okay! Si liza na lang papapuntahin ko siya dito ngayon." sabi ni bryan.
"Hi liz, naglalaro kami nila guill nang basketball free ka ba ngayon nood ka naman samin" malakas na sabi pa ni bryan habang nag tytype.
"Chel, game na bahala kajan ah!" sabi ni lyn sakin.
Anong gagawin ko? Ayoko naman na sa liza na yun siya makipag date no, nakakainis naman tong si bryan nananadya ba sya? Tsk!
"sige deal!" walang ganang sabi ko.
Pumalakpak naman silang lahat "deal daw oh, galingan mo santos hahaha" tapik tapik ni bryan kay guill.
Wala na akong magagawa kaysa naman nandoon siya kay liza psh!
Nag simula na din si guill pumwesto sa gitna at hawak ang bola.
Unang hagis ng bola shomot agad.
Hell no! Please wag naman sana.
Pangalawang shoot ng bola pasok din nag sigawan naman sila kuya zed at chenecheer si guin.
Huling shoot ng bola, ang pangatlo walang palya na shoot nya talaga.
Okay wala akong magagawa dahil nanalo siya sa pinag kasundoan nila. Psh!
"Paano ba yan, mag dadate kayo hahaha" sabi ni bryan.
Palihim naman ako na umisnab.
"mag dadate na sila mag dadate na sila." sabi ni lyn na pumalakpak pa.
"Labas na kami sa date niyo gastos niyo na yan at problema niyo na kung saan ayus kayo kung lahat samin hahaha" sabat ni Bryan.
Problema na namin? oo kasi ikaw nakaisip nito kaya namromroblema talaga ako. Kahit kailan talaga tong si bryan eh!
------
"Chel" tawag sakin ni guin dahil nauuna ako sa kanilang lahat, mag lalakad lang kami kasi naglakad lang din kami papunta dito.
"Pwede naman nating wag ituloy kung ayaw mo, di naman nila malalaman eh" dagdag pa niya.
Pwedeng-pwede nga naman.
"Okay lang naman, ayokong masabihan ng kj" walang ganang sabi ko.
"Pasensiya na talaga.." sabi niya.
"Nangyari na din, wala ng magagawa" sabi ko at iniwan siya, nauna na akong maglakad.
Kung hindi ako sumama wala sanang ganto eh, napilit lang ako ni lyn ayoko din naman tanggihan siya dahil baka di na nya ako samahan sa susunod na practice ko para sa grad ball, ayokong nakikita ang liza na yun dun buti sana kung kami-kami lang pero hindi eh, nandoon yung liza na yun at nanonood para daw suportahan guin, bwesit talaga tong si bryan eh alam kong plano na nya to, nice nagwagi siya hayst! Ano nang gagawin ko. Natatakot ako na baka mahulog na ako lalo kay guill at ako na magkusang magbalikan kami hell no! Wag naman po sana.
Nakauwi na din kami sa bahay, nandoon silang lahat sa kusina while me here nakaupo sa sofa sa sala at nanonood ng t.v ayoko munang makijoin sa kanila doon dahil baka may challenge na naman silang ipagawa samin, ayoko naman na mag mukha akong masama pag tinaggihan ko sila, di naman ako ganun sa kanila.
Pero nakakainis lang talaga kasi, alam ko naman na gusto nilang magbalikan kami, ramdam ko naman yun. Pero naiinis pa din ako kasi may challenge challenge na di ko alam, may basketball na di ko alam, ano pang susunod na darating? Jusko.
Naririnig ko na ang ingay nila mukhang palabas na sila kaya nag kunwari akong tulog sa sofa.
"Nakatulog na pala siya napagod siguro" sabi ni guill.
"Wait gigisingin ko " sabi ni lyn. Naku lyn bibigwasan na talaga kita.
"uy wag na, uuna na kamuli zed salamat." sabi ni guill.
"Bye babyyy hahaha" bakla-baklaang sabi ni bryan pustahan kay kuya nya yun sinabi hahahah. Pinipigilan kong wag matawa kasi yari ako pag nabuking nila na di ako tulog talaga.
"Bwesit talaga tong si bryan, nakakabakla ka na hahahaha" pag sabay din ni kuya sa kanila.
"Sige na aalis na kami, salamat ulit." sabi ni john.
"Zed, bukas ah." sabi ni ivan.
"Syempre!" sagot ni kuya.
di ko na din narinig ang ingay nila, nakaalis na yun sigurado.
Sinilip silip ko pa kung andito pa ba si kuya zed whooa wala na kaya agad akong bumangon.
"Aheeeeem." sabi ni kuya zed nagulat naman ako at hinanap siya ng mata ko. Nasa gilid sya ng pader at naka cross ang kamay. Patay!
"K-kuya--" utal na sabi ko.
"Di ka talaga tulog right? Kung patuloy kang iiwas mas masasaktan kayo pereho!" sabi ni kuya, buset pati ba naman si kuya.
![](https://img.wattpad.com/cover/209374362-288-k928084.jpg)
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (Lacshama Series 1) |Completed|
RomansaIt's about a woman named Chel Lacshama who has a 3 year relationship with Rye Chester who just cheats on her. Guill Santos, a great singer, came to her life. What his role in Chel's life? Start: December 25, 2019 End: April 27, 2020