CHAPTER 57

38 10 0
                                        

Lumipas ang ilang araw at suma-sabay na din ako kila lyn, kasabay namin si guill at yung babae na laging nakabuntot sa kanya halos kada break time siya ang kasama ni guill kahit uwian tsk!

Nandito kami ngayon sa cafeteria as usual nag kwekwentuhan sila tahimik lang lagi si guill at nakikita kong tumitingin siya sakin paminsan-minsan.

"hahaha oo grabe talaga prof din namin siya at walang kasing sungit ang prof na yun hahaha" tawa naman ni liza.

Si liza yung babaeng sinasabi ko na laging naka buntot kay guill.

Tumatawa naman sila bryan, malamang close na din siguro nila ang babaeng to!

"mahirap din ang mga pinapa quiz niya eh! Hay naku" sabi ni bryan.

"Buti na lang at matalino si guill hahaha." sabi pa nung liza.

"Bakit nangongopya ka kay guill hahaha" sarcastic na sabi naman ni lyn, hinayaan ko lang siya at nakikinig sa kanila.

"actually hindi, isa din siya sa top students ng klase namin." sabi ni guill.

Nagulat naman sila ng magsalita si guill. Ganun din ako pero di ako nagpahalata.

So ngayon, pinag tanggol mo siya!

Para akong bata, nakakainis. Panong di ka maiinis eh di naman kami break ni guill di lang talaga siya nag paramdam sakin at di ko alam ang dahilan niya, wala pa akong lakas ng loob para magtanong sa kanya.

GUILL SANTOS POV

"Bakit mo naman sinabi  sa kanila na isa ako sa top students?" she asked. Naglalakad na kami pabalik sa room.

Tinignan ko naman siya pero saglit lang yun "Nasabi ko na, di na mababawi yun." walang gana kong sabe.

"Pero thankyou" sabi niya.

Wala kasing kaibigan si Liza dito, Transferee student sya.

Sumasama siya sakin tuwing break time at uwian, pero pag uwi wala na kaming komunikasyon, di din niya alam ang tungkol samin ni chel. Di ko pa naman siya subrang close para mag kwento ako sa kanya ng tungkol sa buhay ko. Minsan wala lang ako sa mood kausapin siya, dahil na din siguro sa inis kapag nakikita ko si chel na nakakasama si rye at kausap dun sa tambayan niya.

Oo minsan sinusundan ko si chel, i still love her pa din naman, pero di ko lang matanggap yung mga narinig ko nung araw nayun.

"Guill?" tawag sakin ni liza.

"H-huh?" i said.

"kanina pa ako nagkwekwento sayo, di ka pala nakikinig." sabi niya.

"pasensiya na." nasabi ko nalang.

---------

"Guin?" tawag sakin nila bryan at leo sa likod dahil pauwi na sana ako.

Nilingon ko naman sila. "Pwede ka naman mag kwento samin sa nangyare sa inyo ni chel eh." sabi ni bryan.

"Parang di mo naman kami kaibigan kung wala kaming alam bat ganyan yung nangyare sainyo." sabat pa ni Leo.

Oo nga naman, dapat pala alam niyo din, para mabawasan yung pag-iisip ko.

"Mahabang kwento kasi." sabi ko nalang.

"aysus, paikliin napaka liit na bagay ginagawang komplikado eh ahahahhaa." sabi ni bryan.

Maliit na bagay din ba ang nagawa ni chel?

"Tara, miss ka na ng condo pre hahahaha." sabi pa ni bryan.

"oo nga kelan ba plano mo bumalik sa condo?" leo asked.

May bahay na ako, sakto na yung ipon ko nung bakasyon para mabili yun sakto para samin kung ipapalipat ko sila bryan at leo doon para may kasama ako, di nila alam na may bahay na ako, di din nila alam na nag iipon ako noon pa.

"Tara doon na tayo mag kwentuhan" sabi pa ni bryan.

*condo*

"Game, sakto to may beer pa sa ref hshshshs" sabi ni bryan.

Umalis muna siya dahil kukunin niya daw an beer.

Bumalik na din siya.

"Here, tara kwento na hahaha" sabi ni bryan na nilapag muna ang beer bago umupo.

"interesting." sabi ni leo.

"Yung about samin ni chel, may narinig kasi ako na kinasakit ng dibdib ko, parang bakla lang diba hahahhssh. Nung araw na susunduin ko siya para dito sana matulog sa kwarto dahil maaga naten ihahatid si lyka, pag pasok ko at aakyat na sana ako sa taas para puntahan sya sa kwarto niya narinig ko yung usapan nila ni rye na mahal pa din daw niya si rye, mahal din daw siya ni rye, sa subrang galit ko umalis ako at mas piniling wag na lang siyang kausapin." kwento ko.

"Eh? Diba nandito siya nun bago umalis si lyka kasi sinundo mo siya" sabi ni leo.

"Oo pero di ko siya kinakausap masyado." sabi ko.

"Edi nagtataka yun kasi di mo siya kinakausap." sabi ni leo.

"tinapos mo ba yung usapan nila pre?" bryan asked.

Sa subrang galit ko nung araw na yun hindi na, dahil baka mas masaktan pa ako sa mga sunod na sasabihin ni chel.

"Hindi na, masyado nang masakit yung narinig ko." sagot ko at uminom ng beer.

"Baka kasi alam muna sa mga napapanood ko na teleserye ganyan eh, di tinatapos ng nakikinig yung usapan nung bida, tapos boom." with action pa na sabi ni bryan.

"Hahahaha wala tayo sa t.v pre." sabi ko nalang at sumandal sa sofa.

"Pero alam mo kausapin mo siya tungkol jan, kasi malamang sa malamang curious pa din yung tao kasi ganyan nga yung action mo." sabe ni bryan.

May tama naman siya pero di pa sa ngayon, masyado pang masakit.

Tsaka di ako mag mamakaawa sa kanya, ayokong mag mukhang desperado noong mga araw na yun.

Kung aalis, aalis go, bahala ka sa buhay mo basta alam ko na wala akong ginawang mali para umalis ka.

Mapride din naman akong tao, at kapag nakagawa ka ng pagkakamali sakin na di ko talaga kinaya yung sakit, aba! Paalam.

Pero kay chel kasi iba...

"Kausapin mo siya kapag handa kana, handa na kayo pareho." sabi ni bryan.

"may tiwala sayo yung mga magulang nya pre, wag mong sayangin lalo na yung papa nun hahahaha" sabi ulit ni bryan.

Tama sya.

"Maiba tayo.. Si liza ba nililigawan mo? kaya ka ganyan aysusssss!" nang aasar na tanong ni bryan.

Tumawa naman ako siraulo talaga "Hindi no, kaibigan ko lang sya transferee walang close masyado sakto katabi ko siya kagroup ko din sa thesis namin kaya ayun nakakausap ko, sumasabay sakin mag break at tuwing uwian eh, may sundo naman siya. Tingin ko wala namang mali doon sa ginagawa namin." sabi ko.

"Wala ngang mali may nagseselos naman." sabi ni leo,nag katinginan pa sila ni bryan at tumawa.

"Actually isa siya sa top students ng klase hahahahahshsh" pang gagaya ni bryan sa sinabi ko.

"Siraulo!" sabi ko at uminom ulit ng beer.

"ayusin niyo yan pre, naku sayang." sabi ni bryan.

Mahal ko pa din naman siya, nasaktan lang talaga.

Walang araw na di ko siya iniisip, sinusundan ko pa nga siya minsan bago dumeretso sa cafeteria, kaso sumasabay na si liza kaya di ko na nagawa yun. Natuwa naman ako dahil ilang araw lang din sumasabay na samin si chel, pinilit ata nila lyn. Ayos na sakin yung nakikita siya ng malapit kahit di kami nag uusap.

"Tara inom na lang hahahaha" sabi ni bryan, nag cheers naman kaming tatlo.

Unexpected Love (Lacshama Series 1)   |Completed|Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon