CHAPTER 77

24 7 0
                                        

THIRD PERSON

April 20,2020 ang matagal ng plano ni guill, next week na din kasi ang graduation nila.

alam din ito ng lahat maliban kay chel lahat sila ay nag tipon tipon sa isang magandang resort, maganda kasi ang view kaya alam ni guin na matutuwa si chel pag nakita ito.

---

Nakapiring ang mata ni chel ng isang panyo, at inaalalayan siya ni guill sa paglalakad.

"saan mo ba ako dadalhin baka mahulog ako hahaha" kabang tanong ni chel may guill.

"Aalalayan naman kita, trust me." guill said, kaya gumaan naman ang loob ni chel.

Nakahanda na sila zed,lyn,john,bryan,ivan,leo, may nag papatugtog na din ng violin. Kompleto silang mag kakaibigan, nandito na din ang parents ni chel pero di pa alam ni chel, nag paalam muna si guill sa mga magulang ni chel, humingi siya ng pahintulot sa mga magulang ni chel kaya pumayag naman ito, dahil kilala nila si guill bilang  isang responsableng binata.

Hawak nilang mag kakaibigan ang word na.

W I L L Y O U M A R R Y M E ?

Habang ang mga parents naman nila chel ay nakatayo at halos maluha na ang mommy niya.

CHEL LACSAMA POV

Kinakabahan ako sa surprise na sinasabi ni guill, di ko kasi alam na may pa ganto siya.

Dahan-dahan nyang tinanggal ang piring ko sa mata at lumuhod, may kinuha sya sa bulsa nya at mukhang alam ko na kung ano yun.

Singsing

Tinignan ko naman ang paligid ko, nakita ko na hawak nila kuya ang word na will you marry me?

Ako na yata ang pinaka maswerte na babae ngayong araw na ito.

Nandito din si mom and dad, kelan pa sila nandito? Ang sabi nila ay next week pa sila uuwi. UwU naiiyak na ako.

"Will you marry me?" guill asked, subrang lakas ng tibok ng puso ko, tinignan ko naman sila mom and dad, ganun din sila kuya at lahat sila ay masaya, naiiyak na din nga si lyn eh, kaya nahawa tuloy ako.

"Yes guill, yes" sabi ko. Di ko na napigilan na maluha, isinuot nya ang singsing sa daliri ko at tumayo para yakapin ako.

"Thankyou, i love you" sabi nya sakin. Mahal na mahal din kita guill.

"Mahal din kita." sabi ko din sa kanya.

*****

"Subrang saya ko para sayo chel, biruin mo engaged kana." masayang sabi ni lyn.

Tumingin naman ako kay john "May tamang timing din para sayo, malay mo nagplaplano na din hahaha" sabi ko at binalik ang tingin kay lyn.

"Baka wala pang plano, tsaka kahit matagalan pa yung samin ayos lang, basta sayo, sa inyo masaya ako." masayang sabi ulit ni lyn.

"Salamat." sabi ko na lang.

"Sila tita nasa labas kakain na din tayo tara." sabi ni guill samin.

"Swimming tayo after kumain." aya ni lyn habang naglalakad na kami palabas.

"Sige ba hahaha" sabi ko naman.

-----

"Masaya ako para sa inyo anak, pag butihan niyong dalawa ha, alam kong nasa tamang edad na kayo" sabi ni daddy samin.

"salamat po tito." sabi ni guill.

"Simula ngayon parte ka na din ng pamilya namin, tawagin mo akong papa" sabi ni papa, nakita ko naman na parang nahiya si guill.

"And also call me mama" sabat pa ni mommy.

"Ayun oh, mauuna ka pa sa kuya mo ah hahaha" sabi ni kuya sakin.

"Bat kasi di mo pa ligawan yung sinasabi mo sakin kuya!" sabi ko.

"Naku, tsaka na matagal tagal ko pa bago makuha yun hahaha" sabi nu kuya, ano ba yun, paanong matagal?

"Susunod nyan su lyn at john naman" sabi ni dad, namula naman si lyn bigla

"Tito naman!" nahihiyang sabi ni lyn

"Biro lang" bawi ni daddy.

"Wala pa po kasi akong napapatunayan sa parents ni lyn, kaya po di pa pwede." nahihiyang sabi naman ni john "si guill po kasi marame na, kaya nakakahanga" dagdag pa niya.

"Nakikita ko ang kabataan ko kay guill, kaya mas nagustuhan ko sya, for sure magugustuhan ka din naman ng magulang ni Lyn mahalaga, okay sa kanila ang relasyon niyong dalawa." sabi pa ni daddy.

"Oo nga po, salamat po." sagot ni john.

                             ********

THIRD PERSON

Graduation day.

Insert: Graduation song.

"sa wakas, sa loob ng ilang taon, gragraduate na tayo."  sabi ni bryan kila leo at guill, hiwalay kasi sila ng upuan dahil by section ito.

Nag simula nang magtawag ng mga studyante.

"Tinatawag ko po si guill Santos para magbigay ng kanyang speech." nagpalakpakan naman ang lahat kaya umakyat na si guill sa stage at nagpasalamat muna bago magsalita, isa siya sa honor students.

"Salamat, marame akong natutunan sa iskwelahang ito, marameng salamat sa mga taong nanjan para suportahan ako, para po sa inyo ang medalyang ito. Salamat po" maikling talumpati naman ni guin.

Sunod na tinawag si liza para sa speech, simula kasi noong araw na di na sila nag uusap ni guin, mas nag pursigi sya para sa sarili niya, kaya nakahabol sya sa honor students.

" Thankyou, marame akong natutunan ngayon taon na ito, maraming salamat po." maikling talumpati ni liza.

Tinawag naman si chel para din sa speech nya.

"Thankyou for those people who cheer me up, those people who never get tired to trust me, and support me to my goal, this school give me a lot of memories and i won't forget the memories that i have here, thankyou for this medal, this medal is for those people who love and trust me, thankyou" sabi ni chel, nagpalakpakan na ang lahat.

Tinawag na din ang ibang mga studyante para bigyan ng diploma.

----

"Dumugo ata ang ilong ko sa talumpati mo chel." sabi ni lyn.

"Ano kaba, basic english nga lang yun, remember mahina ako sa english haha" sabi ni chel kay lyn.

"Congrats satin, lalo na sayo chel." sabi ni guill, niyakap ko naman siya.

"Thankyou guill, iloveyou" sabi ni chel kay guill.

"I love you." sagot din ni guill.

Dumating naman si bryan dahil mukhang gutom na din.

"Aysus tama na yan nandun na ang mga parents natin, isahang salo-salo na lang daw." sabi ni bryan.

"Bakit? Gutom ka na agad hahahaha" natatawang tanong ni john.

"Oo kanina pa nga eh hahaha" hawak ni bryan sa tyan nya.

"Lets go!" sabi ni chel kaya sumunod naman sa kanya sila lyn.

Unexpected Love (Lacshama Series 1)   |Completed|Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon