CHAPTER 20

52 23 0
                                    

GUILL SANTOS POV

Nakita ko sa condo si rye kanina, san pa ba pupunta dun kay Angel. Nakasalubong ko pa nga ang loko! Nginisihan lang ako! Ang kapal talaga ng mukha ng gago na to ah.

Naalala ko nga pala yung sinabi ni chel nung nasa kusina sya. Di daw nag paparamdam sa kanya si rye. Yung gagong yun! Di man lang nagparamdam pero nakakapunta sa condo ng babaeng yun!

Sabihin ko kaya sa kanya na nandito si rye malapit sa condo namin. Katapat nga lang eh!

Wag na lang siguro, makikialam pa ako.

Pero alam nya na nag checheat si rye sa kanya at wala syang ginagawa?

Baka mag dahilan siya guill. Labas kana dun.

Tsaka kana lang tumulong pag hiningi na nya.

Oo ganun nalang!

Pagkukumbinsi ko sa aking sarili.

Nandito na din ako sa loob ng condo. Nakita ko si lyka na nakaupo at kausap ang mga parents nya. Di ako pwedeng magpakita dahil baka mayare kami nito. Dahil ang sabi nya babae ang mga kasama nya di naman ako babae hahaha.

Pumasok na ko sa kwarto ko.

Tinignan ang facebook account ko, may mga nagchachat sakin kong available pa ba ng banda namin. Di ko naman na nireplyan sa subrang dameng gustong kumuha samin. Okay na kami sa trabaho namin kila sir migs malaki din naman ang ibinibigay nya samin. Tsaka may pasok kami sa umaga at trabaho sa gabi. Di na nga kailangang mag trabaho ni lyka e. Kasi may pera naman sya, kaso sabi nya nag eenjoy sya sa ginagawa nyang pag-awit maganda ang boses ni lyka. Bagay na bagay pag kaming dalawa na ang aawit.

Nakita ko na may pinost si chel sa account nya. Lumabas kasi ito sa newsfeed ko.

worth it ba ko? Tell me!

Ilang minutes palang marame ng lalaking nag cocomment at react sa post nya. Famous nga pala to!

Binasa ko yung mga comment ng mga lalaki may mga babae naman na nagsasabi na. Oo worth it lahat ng babae. Lahat naman worth it  mapababae at lalaki.

May umagaw naman ng atensyon ko. May isang lalaking nag comment.

"Break na ba kayo? I saw him dating someone." comment ng lalaki. Gago talaga! Sa subrang dami ng nag cocomment mababasa nya pa kaya yung comment ng lalaking to? Sana naman hindi. Mas masasaktam sya kasi marame ng nakakakita.

Gagong rye yun. Walang kwentang lalaki. Nang loloko ng babae!

Pero alam ba ni rye ang nangyare kay alvin at angel? Dalawang taon din silang mag karelasyon ni alvin. Kitang-kita namin kong gaano kamahal ni alvin si Angel. Nurse si angel sa isang kilalang hospital yun ang sabi ni alvin samin. Kay alvin na condo to since tulong-tulong naman kaming nagbabayad, magkatapat sila ni Angel. Si alvin din ang nagbabayad ng Condo ni Angel. Pero ngayon? Di na. Wala na yung tao e patay na! Bakit may mga taong handang mamatay? O kumitil ng sarili nilang buhay? Para sa pagmamahal nayan! Diko alam sa kanila, iba-iba naman kasi tayo.

Natigil ako sa pag iisip ng may kumatok sa kwarto ko.

---------

"Guill...I'm scared" halata nga. Sa tono ni lyka.

"Why?" i said.

Tumabi naman sya sakin at umupo sa gilid ng kama ko.

"Can you sleep in my room?" she asked. Tinignan ko naman sya ng nagtatanong na tingin.

"Why? Palit tayo ng kwarto sure" i said. At akmang tatayo na sana pero pinigilan nya ko.

"Nakakahiya mang sabihin pero pwede bang samahan moko..matulog sa kwarto ko" she said.

"No,lyka." sabi ko.

"Please.. I'm scared"pagmamakaawa nya.

Scared saan naman?

"Saan?" i said.

"Tumingin ka sa labas." she said. Tumingin naman ako sa bintana. Ang lakas ng hangin at sinabayan ng ulan. Kumulog na din!

I knew it. Naalala ko dati na sinabi nya na takot sya sa kulog.  mukha namang di titila ang ulan. May bagyo na naman ba? O malakas lang talaga ang ulan? Tinignan ko si lyka na halatang natatakot dahil nagtakip pa ng tenga.

Alangan naman kila leo at bryan ko sya patabihin diba!

"Takot ka sa kidlat at malakas na ulan. Lalo na't gising ka" sabi ko at lumapit sa kanya.

Hinawakan ko ang dalawang pisngi nya. Nakayuko naman ito.

"Dito kana muna matulog. Babantayan kita pag nakatulog kana matutulog na din ako. Okay?" tumango naman sya matapos ko iyong sabihin.

Pinahiga ko na sya sa kama ko at kinakamot ang ulo nya. Para mas madali syang makatulog. Sa sahig nalang ako matutulog o kaya dito sa sofa ko.

Tumingin naman sakin si lyka.

"Pasensiya kana. Nakakahiya... pero natatakot talaga ako" she said.

"It's okay. Pag nakatulog kana. Matutulog na din ako" sabi ko at nginitian sya.

Maya-maya ay nakatulog na din si lyka dala din siguro ng pag-kamot ko sa ulo nya. Nakaramdam na din ako ng antok.

"Lyka? Tulog kana ba?" i asked her.

Di naman na sya sumagot kaya alam kong tulog na siya. Pumwesto na ko sa sofa at may extra naman akong unan at kumot kaya ginamit ko na din yun at nagsimula ng matulog.

Zzzzzzzzzzzzz

"I think i like you. Sorry diko sinasadya. please give me a chance, sorry kong di ko sinabi sayo before kasi di ko pa naman alam kong ano ba talaga yung nararamdaman ko eh, kaya sinigurado ko muna. Sorry" i beg.

Di naman ito nagsasalita kaya nanatili akong nakaluhod nalatalikod sya sakin.

"Please give me a chance. Patutunayan ko sayo, please i begging you. I love you" pagmamakaawa ko.

Nakita ko naman na umiling ito na ibig sabihin ay hindi maari.

"But why? Patutunayan ko sayo.. Gagawin ko lahat para sayo.. Parang awa muna please. Isang pagkakataon lang" para akong tangang nagmamakaawa at umiiyak habang nakaluhod.

Poor guin!

Naglakad na itong palayo sakin. Sinubukan ko siyang habulin pero mabilis itong nawala... Nasaan na sya?

Nagising ako sa biglang paglakas ng kidlat. Nagising din si lyka na biglang naiyak. Bwesit na kidlat!

Lumapit ako kay lyka at pinatahan sya. Kalagitnaan palang ng madaling araw.

"Shhhh. don't cry nandito lang ako" pagpapakalma ko kay lyka na agad namang kumalma. Kinakamot ko naman ulit ang ulo nya para mas makatulog sya.

Anong klaseng panaginip yun? Sino yun? Si lyka bayun? Never pakong nag karoon ng girlfriend. Kaya sino yung babaeng yun nakatalikod sya at di ko maaninag ang kanyang likod sa subrang liwanag din.

Tinignan ko si lyka. Di naman siguro ikaw yun, ayokong masira tayo dahil lang sa pakikipagrelasyon natin sa isat-isa. Kaya sana hindi ikaw yun lyka.

Tinignan ko naman si lyka. At pinagmamasdan ang mukha nyang napaka-inosente at simple ang ganda.

Someday you'll find a man na much better kesa sakin.

I like your personality and good attitude pero di ko alam dahil hanggang dun lang talaga ang nararamdaman ko para sayo. Dahil na din siguro sa thinking na at the end mag hihiwalay din tayo kong magiging mag kasintahan tayo. Ayokong maulit ang nangyare kay papa at mama. Kay alvin at angel, ngayon naman kay chel at rye. Sa hiwalayan napupunta ang lahat. Magigising din si chel. I trust her process baka nireready nya lang ang sarili niya.

Nakatulog na din si lyka. Kaya bumalik na ko sa sofa at natulog na din.

Unexpected Love (Lacshama Series 1)   |Completed|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon