CHAPTER 68

27 8 0
                                    

Ilang araw na din ang lumilipas, wala pa kaming plano sa date na napag kasunduan noong gabi na ginawa yung challenge na yun, tsk!

Tama naman si kuya, bakit di ko nalang hayaan na yung puso ko ang mag pasya, hayaan ko ang puso ko at wag umiwas sa kanya, kasi pereho kaming masasaktan. Psh! Bakit ba kasi ganto yung love, masyadong mapankit!

Di mo mahal yung tao kung di ka nasasaktan!

"Chel iha" katok ni manang sa pinto ng kwarto ko.

Kaya agad akong tumayo para buksan yun.

"Bakit po?" i asked, ngumiti naman sakin si manang.

What with that smile?

"May bisita ka sa baba." sabi ni manang.

"sino naman po?" i asked.

"Sunod ka nalang sa baba iha, malalaman mo kung sino." ngiting sabi ni manang.

"Sige po manang, susunod na lang po muna ako." sabi ko nalang.

----

"Guill--" nasabi ko nang makita ko siya sa sala at may dalang bulaklak.

Lumingon naman siya at tumayo inabot ang bulaklak sakin.

"Salamat" sabi ko naman.

"Narecieve mo ba yung message ko sayo?" he asked.

message? Wala di ko hinawakan ang cellphone ko dahil busy ako kakaisip.  Di kaya nag message sya na ngayon ang date namin! Di man lang ako nakapag handa!

"Hindi sorry" sabi ko. Simple lang ang suot nya, kilala ko siya di siya magarbo mag suot isa yun sa nagustuhan ko sa kanya.

"Makakapag antay ka pa ba? Mag aayos lang ako sa taas, bibilisan ko nalang." sabi ko, ayokong makonsensya na tanggihan siya tsaka deal din to.

Umakyat na ako sa taas para mag hanap ng susuotin.

GUILL SANTOS POV

"antayin mo na lang muna jan iho." sabi ni manang, kaya tumango ako.

Akala ko tatanggihan niya ako kaya kinabahan ako ng kunti, pero buti na lang talaga at sinabi nyang mag aayos muna sya at mag antay ako, nabunutan ng tinik ang dibdib ko.

Di nya pala nabasa ang message ko kaya di sya nag reply, sana pala tinawagan ko nalang sya.

Ilang minuto lang akong nag antay dahil tapos na siya, simple lang ang suot nya dress na black bagay na bagay sa kulay ng katawan nya may dala din syang denim jacket na black naka rubber shoes sya na white, gabi na din ngayon. Napaka simple pero ang lakas ng dating para sakin.

"Okay lang ba yung suot ko?" nahihiya nyang tanong. Nagulat naman ako sa tanong nya, parang okay na kami.

Umubo muna ako "Okay lang bagay sayo." sabi ko.

"Tara na." sabi nya.

Pinagbuksan ko muna siya ng pinto ng kotse.

"Salamat." she said.

Nanibago ako bigla parang okay na kami dahil maayos na ang treatment nya sakin.

Well good to know kung ganun.

Di ko alam kung matutuwa ba sya sa lugar na pag dadalhan ko sa kanya.

----

"Romulo cafe? Mahal dito guill" she said.

Ngumiti muna ako "Ayos lang, afford ko naman sya bayaran, may trabaho na din ako." i said.

Nag tratrabaho after ng class, doon na ako dumederetso mabait naman ang boss ko sa isang resto din ako nagtratrabaho.

"doon tayo." turo ko sa dulo.

CHEL LACSHAMA POV

Nagulat ako dahil dito nya ako dinala, altho may trabaho na sya di naman need na ganto, pwede naman kami mag date kahit sa mamihan lang.

"Mahal dito eh sana sa mamihan nalang, doon mo nalang dapat ako dinala." sabi ko.

"Sa susunod doon nalang, pero ngayon hayaan mo muna akong bumawi." sabi nya.

Kahit naman simpleng pag bawi lang guin okay na ako doon.

Hahayaan ko ang puso ko, magiging mabait ako sa kanya ganun nalang ang gagawin ko.

"Guill.. Salamat." utal na sabi ko

Hinawakan naman niya ang kamay ko na nakapatong sa lamesa "Para sayo" he said.

Ngumiti na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

----

"Thankyou, ingat ka" sabi ko sa kanya paglabas ko ng kotse, nandito na kami sa tapat ng bahay ngayon.

"Salamat, goodnight" he said

"Madaling araw na baka goodmorning hihi" sabi ko. Pabebe pa.

"Oo nga pala, goodmornight, subrang saya ko ngayon." he said.

Ako din guill.

"Sige na papasok na ako." sabi ko at binuksan na ang gate, naglakad na ako papasok at lumingon muna bago tuluyang pumasok sa pinto there he is gaya ng dati di sya aalis hanggat di pa ako nakakapasok ng bahay, kumaway muna ako kaya kinawayan nya din ako pabalik, i miss you guill so much.

I love you...

"Manang said sinundo ka ni guill kanina so how is it? Success ba? Hahaha"pang-aasar ni kuya zed sakin.

"Kaya ba gising ka pa ngayon eh para asarin ako?" i asked.

"Yup, at aakyat na ako dahil naasar kana hahaha" sabi nya at tumayo.

"Tsk!" nasabi ko nalang.

"Sasabihin ko kila bryan na di ka kj kasi natuloy ang date niyo ni guill" sabi nya.

Hayst! Si kuya talaga kahit kailan.

"Mag girlfriend kana nga, mamaya nyan isipin ko na si bryan ang type mo eh" pang aasar ko pa.

"Di ko muna iniisip yan sa ngayon, darating din sakin ang babae na para sakin." he said.

Wala pa akong nakikita na dinala nya dito sa bahay. Baka nga may mga naging girlfriend na sya di lang nya sinasabi.

"Baka may nililigawan kana hahah" sabi ko.

Tumalikod na sya sakin "Plano ko palang syang ligawan" he said

What? I just wanna know who she is.

"Sino?" i asked.

"secret dame nang tanong hahah" sabi ni kuya zed at naglakad na paakyat.

Madaya talaga tong si kuya kahit kailan eh, pero sino naman kaya sya? Gusto kong malaman kung sino sya.

Umakyat na din ako sa kwarto para magpahinga.

Zzzzzzzzzzz

Unexpected Love (Lacshama Series 1)   |Completed|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon