Chapter 1

34 2 0
                                        

*Present time*

Sampung taon na ang nakaraan simula ang trahedyang iyon. 14 years old pa lamang ako noon nung iniwan ako ni Mamu. Hanggang ngayon, sariwang sariwa sa isip ko ang mga alaala naming dalawa na ayaw kong malimutan.

One of the memories I will never forget is our promise to each other, that night. Hindi na iyon natuloy at parang naging drawing na lang. It really made me depressed knowing that, that was one of my Mamu's biggest dreams, to bond with each other as a whole family.

Pero, actually, mahina na ang katawan ni Mamu noon. At kapag gumawa pa kami ng mga mabibigat na activities like travelling, baka lalong lumala lang ang sakit niya. She can't even stand on her own because of her weakness due to her disease. Plus, madalas din ang pagsusuka niya ng dugo kaya hangga't maaari, nasa iisang lugar lang siya.

Ginawa namin ang lahat para maligtas si Mamu. We even called some of the best physicians in the whole country but the problem is, her body can't handle it anymore. Yung katawan niya na mismo ang bumibigay.

Napaiyak ako nang sobra noon. Ang sabi ni Mamu, lalaban siya. Lalaban kami. Pero nang malaman kong 'di na kaya ng katawan niya, wala na akong ginawa kun'di umiyak. Napapagod na si Mamu, so I said to myself, Mamu needs to rest. It hurts seeing Mamu vomiting blood and suffering from the pain that that disease caused. Kaya kahit na mahirap, I let her go.

But, hindi lang iyon ang trahedyang nangyari sa buhay. Para bang galit sa'kin si Lord at kinukuha niya ang mga mahal ko sa buhay. Kahit pa sabihin niyo na ang pinakamagandang bulaklak ang unang pinipitas, hindi pa rin fair iyon, lalo na sa'kin.

I had a boyfriend. We were together since I was 20. He's the person who made me happy when everything was not. Siya yung laging nasa tabi ko all the time na kakailanganin ko siya. Lalo na kapag naaalala ko ulit si Mamu, lagi siyang nandyan para i-comfort ako.

We lasted for almost 4 years. Ang tagal rin 'no? Everything was okay with us. Wala kaming problema at kung meron man, lagi namin iyon nareresolba dahil hindi ako natitiis ni Santiago. His real name is James, pero ako lang tumatawag sa kanya ng Santiago because I think it's better.

But our blissful love life didn't last long. Just last month, naaksidente siya. Unfortunately, wala nang paraan para maligtas siya noon, dahil sino bang makakaligtas 'pag nasagasaan ka ng dalawang truck? Kumbaga, na-sandwich siya sa dalawang truck na iyon.

Sobra ang iyak ko 'don dahil syempre, mahal na mahal ko si Santiago kahit minsan baliw rin 'yong taong yon. Pero napagtanto ko na 'yung baliw na tao na 'yon na laging nagpapasaya sa'kin ay wala na. At wala na akong magagawa para iligtas siya.

Today was supposed to be our 4th anniversary. But since wala na 'yung taong dapat kasama ko para i-celebrate 'yon, I don't think it's worth celebrating for. Lalo na't naaalala ko lang yung mga masasamang alaala ko noong pagkamatay niya na gustong gusto ko nang kalimutan.

Pero hindi lang iyon, talagang napakabait ni Lord at pati si Papa kinuha
rin niya. I mean, hindi pa siya patay pero parang hindi ko na ramdam ang pagiging tatay niya sa'kin.

Simula kasi nung namatay si Mamu, lagi na siyang nakafocus sa work at ako naman, naiwan sa bahay. Nang mag-isa. Actually, at some point, mas mabuti na ring mag-isa ako para makapag-munimuni. But, I can't help but be eaten by the loneliness inside me.

Tatay ko pa rin naman si Papa dahil sinusustentuhan niya pa rin ang pangangailangan ko. Pero, parang 'di ko ramdam kasi lagi siyang nasa ibang bansa, inaasikaso yung business kuno niya. If I know, baka nga may bagong babae na si Papa.

Dahil businessman siya, minsan nakikita ko rin siya diyaryo. At ang nakakuha ng atensyon ko ay 'yung headline na merong dine-date si Papa na bago na naman.

My Dad is a womanizer and both my Mamu and I knows that. I don't know what has gotten into my Mamu's mind when she still keeps on loving Papa even though he already betrayed her a lot of times. That's true love alright.

'Di na ako nagtaka noong walang ni isang luha ang tumulo mula sa mga mata niya nung pumanaw si Mamu. To others, he was just trying to look strong, but in reality he didn't care at all since in,his mind, there's so many women to date or maybe to play with.

Buti nga at only child lang ako, kun'di baka tinakwil na 'ko ni Papa. I don't know if I should be glad about that considering that he's not fit to be called a 'father'. Or should I call him that?

Dahil sa dami ng mga letseng pangyayari sa buhay 'ko, minsan, nag-try akong mag-suicide, a lot of times. I just don't want to live this kind of life anymore. But Mamu said to me: "Promise me to continue living. Live freely and happily."

But how could I live freely and happily when the people who were the sources of my happiness left me?

Since wala na rin namang nangyayari sa buhay ko at unti-unti na 'kong nilalamon ng kalungkutan, bakit 'di pa kaya ako magpakamatay? Ano pang saysay ng mabuhay kung wala na 'yung mga taong nagbibigay-buhay sa'yo? Tama, 'yon na lang 'yung gagawin ko.

Pero saan at paano ako magpapakamatay? Ayoko naman dito sa bahay, gagawa lang ng kalat at baka mabulok pa yung bangkay ko dito dahil wala naman sigurong pake si Papa kung mamatay ako. Hmm.... sa Japan kaya?

'Di pa ako nakakapunta sa Japan kasi nag-promise ako na kapag pumunta ako doon, kasama ko si Mamu o kaya si Santiago. Pero mukhang wala nang sasama sa'kin kaya ako na lang. Mag-isa.

Bago ako mamatay, gusto ko munang malasap yung snow at yung cherry blossoms doon.

Dahil gusto kong pumanaw nang mapayapa, baka sa Suicide Forest ng Japan na lang ako magpapakamatay. Marami nang nagpakamatay doon. Probably, hindi ka na nila mahahanap doon dahil madaming puno doon. Desidido na 'ko, gagawin ko ito at wala nang atrasan.

Nag-impake na ako ng mga damit ko sa maleta. Dinala ko ang picture frame ni Mamu at Santiago para kahit papaano, makasama ko sila by soul. Kinuha ko yung alkansya ko at kinuha yung naipon kong pera sa loob. Sa tingin ko, kulang pa 'to kaya kumuha ako sa vault ni Papa sa kwarto niya. Well, sinabi niya naman na kung kailangan ko ng pera ay kumuha ako doon. Kumuha ako ng ilang libo at nilagay ito sa maleta ko. Dinala ko rin yung mga importanteng dokumento ko.

Inayos ko na lahat ang kailangan ko at umalis na. Nagtaxi na lang ako para 'di ko na kailangang iiwan yung kotse sa airport. Nang makarating ako sa airport nagbook agad ako ng flight papuntang Japan.



Totoo na 'to, wala nang bawian.

A Trip to Japan (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon