Chapter 16

7 1 0
                                    

"Mayu-chan." napatingin naman ako kay Kei ng tawagin niya ko.

"Okay lang ba sa'yo kung may daanan tayo bago tayo umuwi?" tumango ako bilang sagot.

Saan naman ako dadalhin ng lalaking 'to? Subukan niya lang akong dalhin sa motel, 'di ako magdadalawang-isip na upakan siya.

"Hintayin mo na lang ako sa labas, magbibihis lang ako." pagpapaalam ni Kei at dumiretso na siya sa locker room.

Mga ilang minuto ang nakaraan, umalis na kami. Pero bago 'yon, nagpaalam muna siya sa mga teammates niya at gan'on din ako.

"Sa'n tayo pupunta, Ken-chan?" bago niya ako sagutin, ngumisi muna siya nang pagkalawak-lawak.

"Secret~ Malalaman mo rin mamaya." hindi ko namang mapigilang makaramdam ng excitement at kaba.

Based on his expression, mukhang maganda 'yung pupuntahan namin. And on the other hand, kabado ako dahil kung baka saan-saan niya 'ko dalhin.

Apparently, ibang daan ang dinaanan namin ngayon imbis na papunta sa train station. I guess walking distance lang 'yung pupuntahan namin mula sa gymnasium. Mga ilang lakad pa, huminto kami sa isang....

Strays Shelter?

"You said you wanted a dog, right?" na-excite naman ako sa sinabi niya. After 2 years!! Magkakaroon na rin ako ng sariling aso!

Umiral naman ang pagka-hyper ko kaya patalon-talon akong pumasok sa shelter. Tinawanan naman ako ni Kei dahil sa reaksyon ko pero wala akong pakealam.

Hinanap ko agad kung saan 'yung section ng mga aso. Tuwang-tuwa ako ng makita ko 'yung mga cute na tuta. Parang gusto ko tuloy ampunin silang lahat!

"Pumili ka lang dyan, ako na'ng bahala." saad niya.

Ipinalibot ko naman 'yung mga mata ko pero wala akong mapili dahil lahat gusto kong iuwi. May mga asong nakatayo pa sa cage nila at may mga asong natutulog. Sobrang cute nilang lahat!

"Pwedeng lahat?" masayang tanong ko kay Kei, although biro lang 'yon.

"Ay baket, kaya mong alagaan lahat, aber?" sumimangot na lang ako sa sagot niya at binaling ang tingin ko sa mga aso.

May iba't ibang lahi ng aso dito. Naghahanap ako ng Akita na aso o 'di kaya gold na aso pero, halos lahat sila puti o di kaya brown na maraming spots.

Until one puppy caught my eye. Natutulog 'yung tuta sa loob ng kulungan. The dog has a white fluffy fur, with a black spots on his body, especially on his right eye that makes it look like a panda.

But what caught my attention is it has a really tiny tail. Pero kahit ganoon kaliit 'yung buntot niya, black 'yung dulo which makes it even more cuter! I want it!!

"I want this one, Kei-chan." lumapit naman sa'kin si Kei at tinignan din 'yung asong tinuro ko.

"Sure ka na dito ah. Aalagaan mo 'to ah." paulit-ulit naman akong tumango kay Kei. After the process with the crew, the dog is now officially ours.

Tuwang-tuwa naman akong lumabas ng shelter kasama si Kei. "Nag-isip ka na ba ng pangalan niya?" tanong niya.

Now that you've said it, wala pa nga akong naisip na pangalan niya.

"Hmm. Mukhang magandang pangalan 'yung Keiji Takahashi 'no?" sumimangot naman siya sa'kin at sinuklian ko lang siya ng halakhak.

"Napakabait mo talaga, I'm honored." sarkastiko niyang sabi habang nakasimangot.

"Thanks, I know. Pero seryoso, anong magandang pangalan?" tanong ko sa kanya. Napaisip naman kaming dalawa. Hmm, Panda? Kasi mukha siyang panda? Nah, I don't like it.

"Keiyu." saad niya. What? Anong Keiyu? San naman galing 'yon?

"Saan mo naman nakuha 'yung Keiyu, aber?" tanong ko sa kanya.

"Keiji, Mayu. Ang talino ko 'di ba?" kahit sobrang tangkad niya, tumingkayad ako para maabot 'yung noo niya at pinitik ito.

"Corny ka teh, wala nang iba?" buwelta ko. Come to think of it, 'di naman masama 'yung Keiyu. Medyo baduy lang pakinggan dahil pinagsama 'yung pangalan namin.

"Payag ka daw sa Keiyu?" tinignan ko naman 'yung asong mahimbing ang tulog. Ganito talaga ako, kinakausap ko 'yung mga aso.

'Di man lang gumalaw o kumibo 'yung aso. Alangan magsalita 'yan eh 'di ba.

"Silence means yes." confident na sabi ni Kei. Aba tanga lang, paano 'yan mag-iingay kung natutulog.

"Maduga, natutulog pa siya eh." saad ko at habang nakasimangot.

"Bakit, may iba ka pa bang idea?" napahawak naman ako sa baba ko na parang nag-iisip. Tama siya, wala na rin 'kong maisip.

"Sige na--" napatigil naman ako sa pagsasalita nang may marinig akong iyak ng aso. Pero 'di naman si Keiyu 'yun kasi tulog pa siya.

Hinanap ko kung saan galing 'yung tunog na 'yun. Pinahawak ko kay Kei 'yung cage at sinundan 'yung iyak ng aso. Nakakita naman ako ng box sa 'di kalayuan. Nilapitan ko 'yung box at tinignan ang laman nito.

Naawa naman ako sa asong kanina pa umiiyak. I guess, its owner left him, because of this one reason. He's impaired. Putol 'yung isa niyang paa sa likod. Nilabas ko naman 'yung aso mula sa box.

"Sshh... Don't cry. I'm here now." I said while carrying the dog in my arms. Ilang sandali pa ay kumalma na rin 'yung aso.

"Let's just bring it back to the shelter." suggest ni Kei. I looked at him with my puffy, watery eyes.

"But I want it." malungkot kong sabi. I always loved every kind of dog, impaired man o hindi. At maraming beses na rin na gusto kong mag-ampon ng mga impaired na aso na iniiwan ng kanilang amo, like this little one.

"Just because he's impaired, it doesn't mean he deserves to be lonely, right? And malay mo, baka walang kumuha sa kanya sa shelter kasi nga putol 'yung paa niya." pagpapa-awang sabi ko habang dinuduyan 'yung tuta sa braso ko. See? Napamahal na sa'kin 'yung aso.

"Fine, just make sure you'll take care of it. Tara na, baka 'di natin maabutan 'yung train." sumaya naman agad 'yung mood ko at inilagay 'yung isang tuta sa loob ng cage at binuhat niya na 'yung cage.

Ngayon ko lang natuklasan na nakakahawa pala 'yung pagkabipolar nito. Nakita ko naman 'yung ngiti sa mukha ni Kei. Ano namang iniisip neto?

***

"Sure ka, aalagaan mo 'yan ah. Kukunin ko 'yung isa dyan 'pag 'di mo kinaya." saad niya at tumango ako bilang sagot.Binigay niya na sa'kin 'yung cage.

"Jaa ne, Mayu-chan." saad ni Kei at kumaway pa sa'kin bago pumasok sa bahay nila.

Binuksan ko na rin 'yung gate namin at pumasok na. Agad naman akong bumagsak sa kama ko dahil sa pagod.

"Woof! Woof!" napatingin naman ako sa mga aso na nasa loob ng cage at agad nilapitan ito. Gising na si Keiyu!

Nilabas ko naman sila sa kulungan at ayon, sa una, nag-fafamiliarize pa si Keiyu sa bahay namin habang naglalakad-lakad.

Napatingin naman ako sa isang tuta. Oo nga pala, 'di siya nakakalakad nang maayos. Nilabas ko naman 'yung isang aso sa kulungan pero imbis na maglibot siya, pumunta lang siya sa'kin at hinagaan ako. My heart!

Nang mapagod si Keiyu sa kakalakad sa bahay, humiga siya mismo sa higaan ko. Wow lang. 'Di naman maka-relate si... Oo nga pala, wala pa siyang pangalan.
Kung siya si Keiyu, edi ito naman.... Si Keiyo? Okay keiyo? Ay baliw.

May kalokohan na namang pumasok sa isip ko. "Keichan. Ikaw si Keichan. Hahahaha." humiga na 'ko sa kama ko habang yakap-yakap sina Keiyu at Keichan.

'Di ako makapaniwalang kahit papaano, sumasaya na naman ako. Noon, akala ko lalamunin na 'ko ng kalungkutan. Pero nung dumating 'yung lalaking 'yon, para bang nakulayan uli 'yung mundo ko at unti-unti na kong sumasaya.






A Trip to Japan (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon