Chapter 13

9 1 0
                                    

"Dozo." saad ni Lee habang inaabot 'yung mga pinamili ko sa'min. "Domo arigatou." sabay naming sabi at tumango lang siya sa'min.

"Make sure you'll attend practice tomorrow." tumango lang na parang mabait na bata si Keiji. Pagkatapos noon, umalis na si Lee.

Nagtaka naman ako nang mapagtanto kong 'di 'to 'yung bahay namin. Ang nasa harap namin ay isang pahabang apartment. Bago pa 'ko makapagtanong, kumaripas kami ng takbo papunta sa loob ng apartment kaya nabasa 'yung damit namin.

"Uh... Where are we?" tumingin naman sa'kin si Keiji habang kinakamot 'yung batok niya.

" 'Di ko nasabi kay Lee na sa Tokyo ako umuuwi. Kaya, nandito tayo sa apartment ko sa Mishima." sisigaw na sana ako nang 'what' kaso nakakahiya naman sa mga tao dito.

Napatingin naman ako sa kalsada pero malakas pa rin 'yung ulan. I sighed. I have no choice but to stay in this guy's apartment. Pumunta na kami sa kwartong nirerentahan niya at binuksan niya na ito.

"Mga ilang days na rin ako 'di nakapunta dito kasi nga nasa Tokyo ako. Pasensya na kung medyo magulo." pagkapasok namin, inilibot ko 'yung tingin ko sa kwarto.

Maaliwalas namang tignan 'tong unit niya at 'di naman gan'on kakalat. "Umupo ka kahit saan." saad niya nang makapasok ako. May naisip na naman akong kalokohan.

"Paano kung upuan ko 'yung tv, okay lang?" sinuklian niya naman ako ng tingin na parang nagsasabi na 'seryoso ka?' kaya napahalakhak na lang ako.

"Oh. Magpalit ka." napatigil naman ako sa pagtawa nang magbato siya ng t-shirt sa mukha ko. Bastos lang.

"Okay na 'to." sabi ko at ibabalik na sana 'yung t-shirt dahil ayos lang naman talaga ako sa suot ko.

"See-through." saad niya sabay nguso sa bandang dibdib ko. Tsaka ko lang napagtanto na puti pala 'yung t-shirt na suot ko. Naramdaman ko na naman 'yung pag-iinit ng mukha ko.

Agad naman akong kumaripas ng takbo papunta sa cr. Ang tanga talaga n'on 'no? 'Di man lang sinabi agad! Oh baka ako lang talaga 'yung tanga?

Pagkatapos kong magpalit, lumabas na ako at nakita ko si Keiji na nakahiga sa kutson habang nakapikit. Natawa naman ako sa t-shirt na binigay niya sa'kin. Ang laking tao kasi niya, halos abot sa tuhod ko 'yung t-shirt.

Lumapit naman ako sa tabi ng kutson kung saan siya nakahiga. Natutulog ba siya? Pagkatapos niya 'kong batuhin ng t-shirt sa mukha, tutulugan niya 'ko?

Kinaway-kaway ko naman 'yung mukha niya at nag-peace sign pa sa harap nito. Nagulat naman ako nang hawakan niya 'yung kamay ko, na naman.

"Sabi ko na may balak ka sa'kin eh. Tsk tsk." saad niya habang umiiling. Agad kong binawi 'yung kamay 'ko at kumuha ng isang unan.

"Asa ka, tanga!" sumbat ko sabay bato ng unan at saktong headshot kaya tumba ulit siya sa kutson niya.

"Ah ganyanan ah." agad kong kinuha 'yung unan na hawak ko kanina at tumayo agad. Tumayo rin naman siya habang hawak 'yung isang unan.

"Etong sa'yo!" pagkasabi niya n'on, muntik nang mahampas 'yung ulo ko pero agad akong napayuko kaya nailagan ko yon. Hashtag, martial artist.

"Supot ka pala eh! Gan'to kasi 'yon!" inikot ko naman 'yung unan para malakas 'yung buwelo ko at saktong pagkabitaw ko tumama ulit ito sa mukha niya. Todo tawa naman ako sa ginawa ko. .

"Hoy, masakit 'yon!" napaatras naman ako nang lumapit siya sa'kin nang may dalang dalawang unan.

Naghahanap ako ng pwedeng ibato sa kanya. May nakita akong vase sa gilid kaso naisip ko nananahimik 'yung vase sa gilid, idadamay ko pa sa gulo namin.

Paatras ako nang paatras habang lumalapit siya sa'kin. Nang apakan niya 'yung kutson, may naisip akong katalinuhan.

Nang dalawang paa na 'yung nakaapak, hihilahin ko na sana 'yung kutson kaso napakabigat niya! Naalala ko pala na 100 kilograms 'tong hinayupak na 'to.

"Huh! 'Yun na 'yon?" sumbat niya sa'kin. Naasar ako sa kanya kaya walang pag-aalinlangan ko siyang sinugod at tinulak ko siya nang malakas.

Dahil doon, tumba na naman siya pero dahil sa kabobohan ko rin, nasama ako n'ung natumba siya kaya ang ending nasa tuktok niya 'ko.

Pero syempre, 'di ko tinitigan 'yung mukha niya 'tas hahalikan siya tulad ng mga nangyayari sa mga pelikula at libro. Kinuha ko 'yung isang unan na hawak niya sabay supalpal sa kanya.

Para akong ewan na nag-celebrate pagkatapos. "Aaaah! Wala ka pala eh! Unan lang pala katapat mo eh!" saad ko habang tumatawa. Sa sobrang tawa ko napahiga ako sa kutson.

Pero nagulat naman ako ng pumaibabaw sa'kin si Keiji at handang bawian ako. Pero sakto namang may umeksena sa pinto ng apartment.

"Oi! Keiji yamerou! (stop)" may isa namang lalake na pumasok sa apartment. Napatayo naman kaming dalawa agad.

Magsasalita na sana si Kei kaso bigla siyang sinikmuraan nung lalake. Tatawa na sana ako nang bongga kaso pinigilan ko lang.

"Ittai! (It hurts!)" saad ni Kei habang namimilipit sa sakit ng tyan niya. Siguro gan'on kalakas 'yung suntok ng lalakeng ito.

Wait, come to think of it, nakasuot siya ng royal blue na dri-fit na may number 11 sa upper right ng shirt niya, which means part rin siya ng Toray. Sinubukan kong alalahanin 'yung pangalan niya. Si...

"You're... Tozaki Takahiro right? Wing spiker?" tanong ko sa kanya. Samantalang binigyan lang ako ni Kei ng tingin na 'pagkatapos niya 'kong sikmuraan, tsitsismisin mo siya?'

"Yes. Oh and, I apologize for what he did. He's always like that. You weren't doing anything right?" nagets ko naman 'yung pinapahiwatatig niya kaya umiling ako nang maraming beses.

"Naalala mo siya pero 'di mo 'ko naalala? Grabe, sakit n'on." singit ni Kei habang nakahiga pa rin sa lapag.

"Weak mo naman. Sikmura ka lang pala eh." sagot ko sa kanya at agad siyang tumayo na parang walang nangyari sa kanya. Sabi na eh, umaarte lang siya.

"Firipin-jin? (Filipino?)" tumango naman ako sa tanong ni Tozaki.

"I'm Mayu." pagpapakilala ko at nag-shake hands kaming dalawa. I don't know, but while observing Tozaki's visuals, I can say that he beated Kei.

"Mukha ba 'kong hangin?" singit na naman ni Kei.

"Mahangin ka, oo. 'Di mo 'yun alam?" nanliit naman 'yung mga mata niya at parang handa na 'kong sugurin.

"So, when and where did you meet Kei?" tanong ni Tozaki kaya kinwento ko lahat ng nangyari simula sa forest hanggang ngayon.

"Tsk tsk tsk. Ilang araw pa lang kayo magkakakilala, pumaibabaw ka na sa kanya? Bad 'yon." mas lalo lang nagpakita ng naiiritang mukha si Kei na ikinatutuwa ko naman.

"Maging mabait ka naman sa mga bisita mo. What happened to Toray hospitality?" I guess he's speaking about how hospitable their team is when they have new imports.

"I hate you, Hiro." Kei mouthed to Tozaki. Binelatan lang siya ni Tozaki in return.

"Anyway, be careful of that man. You'll never know when he'll bite." bulong sa'kin ni Tozaki at dumaretso na sa pintuan.

"Hey, I heard that!" sumbat ni Kei kay Tozaki na nasa pintuan.

"Just kidding. But, always come prepared." may ibinatong maliit na bagay naman si Tozaki kay Kei na agad niyang sinalo.

Pero nung nakita niya kung ano 'yon, nanlaki muna 'yung mata niya bago niya tinapon 'yon. Ang galing, Nakakilala na naman ako ng isang siraulo.

"Free ka ba bukas?" tanong ni Tozaki sa'kin na bumalik na naman sa pintuan.
Wait, is he flirting with me?

Tumango ako bilang sagot. "Kei, sama mo siya sa training bukas. Kailangan natin ng manager 'di ba?" bumilog naan ang labi ni Kei na parang may naalala. Tumango na lamang si Kei.

"Manager? You mean ng Toray?" tanong ko kay Kei nang makaalis si Tozaki.

"Yeah. We'll try to recruit you." what? Ako mag-mamanage ng team ng mokong na 'to?

A Trip to Japan (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon