Chapter 29

10 0 0
                                        

Pagkatapos ng tawag ni Kei, napagdesisyunan namin na umuwi na. Dahil pareho kami ng inuuwian, sabay na kami umuwi. Sa kanya ko lang sinabi na sa dorm ni Kei ako nakikitira at sinabi ko na rin 'yung rason kung bakit. Mapagkakatiwalaan ko naman si Hiro.

"Praise Keiji's cooking. Alam mo naman kung gaano kalaki ulo noon." saad ni Hiro sabay kindat. Natawa naman ako sa sinabi niya. Well, Totoo naman ah. Joke.

Nang makapasok si Hiro sa unit niya pumasok na rin ako sa unit ni Kei.
"Tadaima. (I'm home." saad ko nang makapasok ako.

Agad naman akong sinalubong ng mga alaga ko. Napaka-sweet talaga ng mga aso ko! Binuhat ko naman silang dalawa.

"Kumain na ba kayo?" tanong ko sa mga aso ko habang pinapat ang mga ulo nila.

Sinusubukan naman nilang abutin 'yung mukha ko. Aw, they want a kiss? "Kayo Keiyu ah gusto niyo lang ako i-kiss eh." sabi ko sa sarili ko. Oo, baliw na talaga ako.

Nilapit ko naman 'yung mukha ko para maabot nila Keiyu at Keichan. "Sana
all." narinig kong nagsalita si Kei pero 'di ko masyadong naintindihan sinabi niya.

"Ano 'yon?"

"Wala. Nagluto na 'ko ng dinner natin. Kumain na 'yan sila Keiyu at Keichan." sagot ni Kei. Psh, 'di naman 'yun 'yung narinig ko kanina eh.

Binitawan ko na 'yung mga aso at naghugas ng kamay bago pumunta sa lamesa.

Na-amaze naman ako nang makita 'yung niluto ni Keiji. The food looks good and I'm sure it tastes good too. He cooked omerice and some fried vegetables as a side dish.

"It looks good, Kei. I didn't know na marunong ka palang magluto." well, I knew that now.

"I live alone before, you know." saad ni Kei. Well, sa bagay, kapag ikaw lang mag-isa kailangan alamin mo lahat ng bagay para maka-survive.

Tumikim naman ako ng niluto niya. Natigilan naman ako dahil hindi lang siya mukhang masarap, masarap talaga siya! I mean 'yung pagkain ah. Joke lang.

"Oishi desu. (It's delicious)" sabi ko habang naka-thumbs up. Napangiti naman siya ng sabihin ko iyon.



Aish, napaka-ideal type talaga ni Keiji 'no? Mabait, matulungin, laging nandyan, marunong magluto, sporty, at hindi lang iyon, bawing bawi rin siya sa mukha. Swerte ng magiging girlfriend nito, in short, swerte ako. Joke lang.



Come to think of it, hindi ako marunong magluto. Well, ang alam ko lang ay mag-order ng pagkain at lumamon. Plus, we have the maids in the house so why bother cooking your food yourself?

Pero, disadvantage naman 'yon lalo na't wala na kong maids na magluluto para sa'kin. Alangan namang magpaluto ako kay Kei araw-araw? Minsan nga, ramdam ko na parang inaabuso ko 'yung kabaitan niya. Eh kung magpaturo kaya ako sa kanya magluto?


"Eto... Kei, pwedeng magpaturo magluto?" tanong ko. Tumigil naman siya sa pagkain para sagutin ako.

"I can cook for you everyday. I mean, we live in the house naman eh." aish, why did he sound like a husband when he said that? Erase! Ano ba 'tong iniisip ko?



"Eh paano 'pag nag-overtime kayo sa training, paano ako kakain?" katwiran ko.

"Kasama ka sa overtime. Manager ka 'di ba?" ay, oo nga. Nawala sa isip ko 'yun ah. Katangahan ko talaga.

"Turuan mo na lang kasi ako. I just want to learn how to cook." tugon ko.

Bakit ba parang ayaw niya 'kong turuan? Nakakaasar ba 'kong kasama sa bahay? Iniisip niya bang baka masunog ko 'tong unit niya dahil sa katangahan ko sa pagluto?

A Trip to Japan (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon