Chapter 35

13 0 0
                                        


"Joke lang eh!" daing ni Keiji habang nakahawak sa ulo niya. Kung ano-ano pa kasi pinagsasabi, 'yan tuloy, gumalaw mag-isa 'yung kamay ko at binatukan siya.


"Tsaka ka na humarot 'pag napanalo mo 'to. Hindi lang batok aabutin mo 'pag natalo kayo ngayon." saad ko nang may pagbabanta. Lumayo naman siya nang bahagya sa'kin.


"So 'pag napanalo ko 'to, pwede na kitang harutin?" tanong niya habang nakangisi. Napakaharot talaga ng lalaking 'to eh 'no?

Hahakbang na sana ako papalapit sa kanya dahil parang may gustong batukan 'yung kamay ko kaso tapos na ang timeout kaya napatakbo naman siya sa loob ng court. Siraulo talaga 'yon.



The second half started with Panasonic serving. They subbed in the pinch server we dealt with earlier. Sumenyas ako ng letter 'W' kina Hiro at tumango naman sila.



Akala ko mag-jujump-serve ulit 'yung pinch server nila ngunit nagkamali ako dahil nag-jump-float lang siya. Masyadong naka-forward si Captain kaya 'di niya naabot 'yung bola at lumapag ito sa likod niya.



Dang, he got us with that serve. "Daijobou! Get the next one!" I said, trying to shake off the pressure in them.


Nang mag-serve ulit siya akala ko mag-jujump-float uli siya, pero ngayon naman nag-jump-serve siya. Agad namang gumalaw si Rouzier para kunin 'yung bola ngunit 'di gaanong maayos 'yung receive niya.


Nagmadali naman si Fujii para ma-set ang bola. He setted the ball to Hiro on the left side but the opponent blocked and went straight to the floor. Shit, this will pressure them a lot more.


But I figured out something to ease their pressure and score back. I noticed something different in their pinch server's serve. "Coach, timeout." tumango naman sa'kin si Coach at tumawag siya ng timeout.




"Right now, their pinch server is using two different serves. How will you know what serve will he use?" tanong ko sa kanila at nagkibit-balikat at umiling ang ilan sa kanila.



"Easy. Count the number of steps before he serves. Three steps for a jump floater, and four for a jump serve. that's what I noticed while he's serving. Pay attention and prepare to receive, alright?" saad ko habang nakatingin sa mga amazed na mukha nila at pagkatapos, pumalakpak na naman sila. Confirmed, siraulo talaga sila.




"Our manager is so smart." saad ni Ide, 'yung libero namin. Nag-thank-you naman ako sa kanya.


"Well, I've got the best mentor." sagot ko sabay turo kay Coach Ayu na nasa gilid ko. Napangiti naman siya sa sinabi ko.





Habang nag-ttraining sila o kaya pagkatapos ng laro, lagi akong tinuturuan ni Coach ng mga tactics at techniques sa volleyball. Tinuruan niya rin ako ng mga solusyon para mag-counter-attack sa iba't-ibang techniques. Overall, madami talaga akong natutunan sa kanya kaya naa-apply at nagagamit ko ito sa official matches namin tulad ng ngayon. I'm really thankful that we have the best coach.




"I know we had a good start earlier but remember, it's not how you start. It's how you finish." napangiti naman sila nang sabihin ko 'yun. Ang daming words of wisdom na lumalabas sa bunganga ko ngayon ah.


"Seno—" I signalled.

"We are arrows!" sabay-sabay naming sabi at bumalik na sila sa court.


8-7 na ang score at nagsisimula nang humabol ang Panasonic. I told the boys to pay attention again to the server. This time, he only had 3 steps so we are expecting for a jump float. And I was right! I cracked the code to his serves!




A Trip to Japan (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon