Chapter 5

18 1 0
                                    

"Oh... So that's what happened." tumango-tango siya habang hawak niya 'yung baba niya at hindi niya pa rin inaalis 'yung pout niya. Alright, I admit he's cute but looks ain't everything, you know?

"I know that it's hard to move on, but, sooner or later you should accept what happened and be happy instead." kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Be happy? I don't think happy or any words related to that are in my vocabulary.

"Do you think your Mom and James would be happy seeing you like this?" napatingin ako sa kanya ng sinabi niya 'yon, specially nang banggitin niya si Mamu. I remember our promise again when she died, to live freely and happily.
I don't know why it's hard for me to do that.

"Atleast I get to see them when I die." sagot ko sa kanya at umiwas ng tingin. Napaka-consistent ng lalaking 'to, ayaw talagang tumigil hangga't 'di ako umuuwi sa bahay namin nang buhay.

"That's not my point, Mayu-chan." bumalik uli sa kanya 'yung tingin ko. Sinabi ko na sa kanya 'yung pangalan ko pero, really?! Mayu-chan talaga?!

"What?" tanong niya sa'kin dahil kanina pa 'ko nakatingin sa kanya. "From now on, I'll call you Mayu-chan." mas lalong nanlaki 'yung mata ko sa kanya. Ang feling close naman ng lalaking 'to.

"Iie, yamete." nanlisik ang mga mata ko nang ngumisi siya. Agh, sino ba siya para bigyan ako ng ganoong nickname? Tsaka, close ba kami para dugtungan ng 'chan' 'yung pangalan ko?

"I won't stop calling you Mayu-chan." binelatan niya pa ako tapos nag-make face pa ang loko. Tinapat niya 'yung isa niyang daliri sa mata sabay belat. Gusto ko sana siyang patulan dahil nakakaasar siya, pero bad 'yon.

"Unless..." mas lalong humaba 'yung ngisi niya na medyo ikinakaba ko. "Unless?" tumingin siya sa'kin at tumaas nang dalawang beses 'yung kilay niya. Is he going to rape me or something?!

Kinuha ko 'yung bag ko at nilabas ko 'yung pocket knife ko at itinutok sa kanya. Alternative ko 'to unless 'di gumana 'yung pills. "Touch my skin and I won't think twice of stabbing you." banta ko sa kanya.

Napalayo naman siya agad sabay taas ng dalawang kamay niya sa ere. "Calm down, I was going to say 'unless you go home alive and breathing." tinago ko na uli 'yung pocket knife sa bag ko at kumalma na rin siya.

"What if I don't?" tanong ko sabay cross-arms at taas ng isang kilay. "Then I'll call you Mayu-chan." psh, 'yun lang pala eh. Nilabas ko 'yung tent na nakatupi sa bag ko pinakita ko 'yon sa kanya.

"I'm not going home so do what you want, I'll be camping here all night." napa-ismid naman siya. Baka maubos pasensya nito at bigla akong buhatin pauwi. I mean, he's 201cm tall and he has a good body.

"Aish, why do you have to be so stubborn?" reklamo niya. Ipinakita na naman niya sa'kin 'yung pout niya. Piling ko sinasadya niya talaga 'yon para mapilit niya ako, pero hindi ako natitinag nyan.

"You can leave me if you want to, it's not your obligation to keep me alive or what." itinanggal ko na sa pagkakatupi 'yung tent at sinimulang i-setup ito. Dito na lang ako nag-focus. Ewan ko, pero parang ramdam ko na nakatitig siya sa'kin kaya tinignan ko siya at tama ang hinala ko.

"Quit staring." I said to him while trying to avoid his eyes. I continued setting up my tent until I finished it. Luckily, I liked camping before so I know how to manage these kind of things.

"I don't care if you camp here. I won't go home until you do." hinubad niya 'yung jacket niyanat inilatag 'yon sa lapag at doon siya humiga. Siraulo yata 'to 'di makaintindi ng 'I'm not going home' eh. English naman 'yon eh aling part ang 'di niya naintindihan?

"Why are you so stubborn?" panggagaya ko sa tanong niya kanina. "Don't you have anyone looking for you? How about your parents or your friends?" umiiling lang siya sa'kin habang tinatanong ko 'yon.

A Trip to Japan (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon