Chapter 40

8 1 0
                                    

"We're here." saad ni Kei nang makarating kami sa Yakiniku na sinasabi ni Hiro.

Hindi ko na hinintay si Keiji para pagbuksan ako ng pinto dahil kaya ko naman ito. Bago ako lumabas, may biglang pumasok sa isip ko. "Na kina Hiro 'yung mga aso 'di ba?" tanong ko kay Kei.

"Ah. Oo, nasa cage ng aso niya sa kotse niya." napatingin naman ako sa kotseng kakapark lang sa tabi namin at lumabas si Hiro mula dito. Akala ko ba nauna sila? Sinusundan siguro kami ng mga 'to.

"Pinakain namin sila ng chicken kanina. By the way, what's their names?" tanong sa'kin ni Hiro habang hawak-hawak 'yung cage.

Napatingin naman ako kay Keiji at tumingin din siya sa'kin. I'm sure Hiro will find this corny as well. Baka mamaya kumanta na naman sila ni Lee ng 'ang corny' 'pag nalaman nila 'yung pangalan. But who cares, right?

"He's Keiyu," magsasalita na dapat ako kaso naunahan ako ni Kei magsalita. "And he's Keichan." dugtong ko sabay turo sa isa pang aso.

Nakita ko namang parang natatawa si Hiro at Lee. "You two are unbelievable." saad ni Hiro at humalakhak kasama si Lee. Well, I already expected it.

"Ikemashou. (Let's go)" saad ni Keiji habang pinapalapit ako at iniwan namin sila Hiro doon na 'di kalauna'y sumunod din naman sa'min.

"You three are late." madilim na sabi ni Coach Ayu nang makarating kami. Uh oh. Ang usapan 7:00 pm, pero 7:15 na kami nakarating.

Wait, he said three, right? So I'm excluded? "Mayu-san suwatte kudasai. (please sit)" sabi ni Coach habang nakaturo sa isa sa apat na mga upuan na bakante. Sinunod ko naman ang sinabi ni Coach at umupo doon.

"You three. Why are you late even in this occasion?" tanong ni Coach na para bang na-sstress. Bahagya naman akong natawa sa itsura nila Keiji na parang pinapagalitan ng tatay nila.


"You three are cleaning the whole gymnasium by yourselves on after our next home game." bahagya namang bumuka ang bunganga ko sa sinabi ni Coach. Akala ko nag-jojoke lang si Keiji tungkol sa paglilinis ng buong court.


"Eto... Coach Ayu... It's actually not their fault. I actually invited them to go to Tokyo with me." kumindat naman ako kina Keiji, senyales na sabayan nila 'tong palusot ko. Well, ako naman talaga nag-ayang gumala sa Tokyo kanina eh.

"Oh, right. That's true." sabi ni Keiji at sinabayan naman siya nila Hiro. Binigyan muna sila ni Coach ng nakakamatay na tingin bago sila pinaupo.

"You're lucky because of Mayu-san. Without her, you three would be dead to me, other than that, without her, we wouldn't have won the game yesterday." Coach Ayu smiled to me as the other people in this table started clapping.

Wow, I have never felt so special in my life. Well, most of the time, I just feel hatred towards me. But now, seeing these people who seem to be proud of what I have done, makes me proud of myself and my whole dark and sad world upside down.


"Eto... Not to be humble but... It was all you guys. We couldn't have done it without each other." kinuha ko 'yung shot glass ko na naglalaman ng sake at itinaas ito sa ere.

"To Toray Arrows!" I said, then they followed after me as we clinked our glasses.


***


Pagkatapos nang mahimbing kong tulog, naalimpungatan ako dahil pakiramdam ko ang tagal ko nang natutulog. Nang tuluyan kong maimulat ang mga mata ko, napalinga-linga ako sa paligid. At saka ko napagtanto na hinahanap ng mga mata ko si Keiji. Asan na ba 'yung mokong na 'yon?


Umupo naman ako sa kama at tinignan iyong orasan. Shit! 12 pm na! Late na late na ako sa training! Siraulo talaga 'yon si Keiji, iwanan ba naman akong tulog pagkatapos ko silang iligtas kahapon kay Coach?! Grabe talaga 'yung utang na loob niya.

A Trip to Japan (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon