Habang naglalakad ako papunta sa gymnasium, umaasa ako na sana hanggang ngayon may sakit pa rin si Keiji. Alam ko, mukhang makasarili 'yon. Pero hanggang ngayon, 'di pa rin ako handang makita siya. Lalo na nang matapos 'yung usapan namin ni Rina kagabi.
Alam kong hindi ako dapat magpa-apekto sa sinabi niya kung naniniwala ako sa sinabi nila Hiro, pero, hindi ko rin kasi mapigilang mag-duda. Marami kasing posibleng kakalabasan 'tong sitwasyon namin, at 'di ko maaaring alisin 'yung mga masasamang kakalabasan nito. It's not that simple to erase the bad thoughts in my mind, specially that I'm very used to having them. But even so, I hope for the best.
Hinawakan ng kanang kamay ko 'yung malamig na door knob, habang unti-unting naiipon 'yung kaba ko na baka nandito na si Keiji. Nang buksan ko 'yung pintuan, bumungad sa'kin 'yung buong team na nag-wawarm-up na.
"Ohayou, Mayu-san! (Good morning)" sabay-sabay nilang bati sa'kin.
"Ohayou." sagot ko pabalik at dumiretso sa gilid ng court, kung nasaan si Coach nakaupo. Inilibot ko naman 'yung mata ko sa buong paligid at doon ko nakita si Keiji, sa kabilang dulo ng court. Napabuntong-hininga na lang ako.
"You and Keiji aren't talking recently. His playing is getting bad too. There must be something wrong between you two, right?" tanong ni Coach Ayu, habang nakahawak sa baba niya at nakasingkit ang mga mata, sa mala-detective na tono.
"We're just having a little space between us, Coach. Plus, we can't talk too much at work." depensa ko. Ayoko nang idamay pa si Coach Ayu sa kasiraan ng relasyon namin.
"He told me, you know." napatingin naman ako kay Coach. Sino na naman 'yung may madaldal na bunganga dyan?
"I thought he's upset because you went home for a few weeks, but there's something deeper than that. I saw the news, I asked him about it, but he strongly denied it. He said he loves you, and you're so much better than Rina." kumunot naman 'yung noo ko sa sinabi ni Coach.
"Um... Who is 'he'?" kanina pa kasi siya gumagamit ng pronoun na 'he', 'di man lang siya nagsasabi ng pangalan. Malay ko ba, baka mamaya si Hiro pala 'yung tinutukoy niya.
"Keiji." natigilan naman ako sa sinabi niya. So he said it himself that he loves me. Then why don't he man up, and tell it to my face?
"You know, I like you better than Rina too. Keiji used to bring Rina here too. But she doesn't know anything about volleyball and she's a little... bitchy." natawa naman ako sa sinabi ni Coach, mas malakas pa nga sa inaasahan ko, at ganon din naman siya.
"But it's true." seryoso niyang sabi. Pakiramdam ko tuloy, parang kausap ko 'yung tatay ni Keiji.
"Domo arigatou, otousan. (Thank you, dad)" si Coach naman ang natawa sa sinabi ko.
"Yeah, everyone calls me that. But only when I'm in a good mood. Look at the time, we still have work, Mayu-san. Ikou. (let's go)" tumango naman ako kay Coach Ayu at sumunod sa kanya.
***
Nilagay ko naman 'yung malapad na notebook sa bag ko at inayos 'yung iba pang laman nito bago ako lumabas ng court. Nasa locker room silang lahat, nagpapalit siguro. Hangga't 'di ko pa nakikita si Keiji, nagmadali akong lumabas sa gymnasium. Dumaan ako sa locker room nila na para bang walang nakikita o naririnig. Tinawag pa nga ako ni Hiro, kaso nagkunwari akong 'di ko siya narining kaya't tuloy lang ang lakad ko hanggang sa makalabas ako ng gymnasium.
Halos manginig naman ako sa gulat nang lumitaw si Keiji mula sa kadiliman na nanggagaling sa anino ng lamppost sa 'di kalayuan. Mukhang pumalya 'yung binabalak ko. Maglalakad na uli sana ako na para bang walang nakita ngunit hinawakan niya ang pulsuhan ko. 'Yung hawak niya, para bang tumatawag sa'kin, para bang pinapahiwatig nito na gusto niya akong kausapin, kaya lumingon ako.
Dahan-dahan niyang inalis 'yung pagkakahawak niya sa'kin nang harapin ko siya. "Look, Keiji. I can't deal with this right now. We both can't." panimula ko. Napansin ko naman ang pagkalungkot sa mukha niya.
"Malapit na 'yung finals. Ayokong maging distraction sa'yo. Kailangan ka nila, nila Hiro, ni Coach, ng buong team. Kailangan mong mag-focus sa finals. Sayang din 'yung bronze." paliwanag ko.
"Mayu—" sinubukan niyang magsalita ngunit pinutol ko ang sasabihin niya.
"I know you're distracted because of me. Hiro, Lee and even Coach Ayu himself said so. It's not about me, Keiji. It's about you, and you alone. Hindi ka pwedeng ma-distract sa paglalaro mo dahil lang may dinaramdam ka. Kung hindi mo kayang mag-focus, alisin mo 'yung isip mo sa'kin. Because if you don't, you'll drag the whole team down with you." prangka kong sabi.
"But Mayu—" sinubukan niya ulit magsalita.
"Keiji, tsaka na natin 'to ayusin pagtapos ng laro. 'Yung larong 'yun, ang iisang laro na 'yun ay 'yung kailangan mong isipin. Kahit ngayon lang, ipokus mo 'yung sarili mo sa iisang larong 'yun. 'Di na nga kayo nakaabot ng Championships, palalampasin—"
"MAYUMI!" natigilan ako nang taasan niya ako ng boses na ikinaatras ko naman.
"Alright, I get it, I'm dragging the whole team down because of my sloppy play. Pero hindi kasi mapayapa 'yung isip ko hangga't 'di natin naaayos 'to. A good play doesn't just require the body, it also needs the mind as well!" nanigas naman ako sa kinatatayuan ko, hindi makaraos sa katotohanan na tinaasan ako ng boses ni Keiji. It's just that... he has never done that to me before.
"Try mong i-untog 'yung sarili mo sa pader nang umayos-ayos 'yang utak mo at makalimutan mo 'ko." huling tugon ko at pumadyak papalayo sa kanya. Akala niya siguro siya lang ang nasisiraan ng bait dahil sa sitwasyon namin ngayon.
My mind is killing me as well, not only because of this misunderstanding between us, but also the recent death of my father. His death was already too much to take in, and now, this false rumors spreading around about Keiji and Rina comes in. I feel like death is really trying to come for me, like life itself really wants me to commit suicide.
I don't want to take any chances anymore. The last one I took is ruining my mind and my life. A few months ago I came here, wanting to end all the pain I'm enduring, then I took the chance, I fell in love with Keiji. But look at what's happening now. Our relationship didn't even reach a week before it was ruined. I have a strong feeling there is something bad that is bound to happen if I take a risk, so, never again.
Napatakbo naman ako pabalik sa bubong ng gymnasium nang maramdaman ko ang sunod-sunod na patak ng ulan. Aish, sa sobrang laki ng space sa loob ng bag ko, hindi ko man lang naisip na magdala ng payong. Napasapo naman ako sa noo ko nang mapagtanto kong mukhang matagal pa bago lumipas ang ulan. Pinunasan ko naman 'yung sarili ko dahil ilang metro din ang tinakbo ko pabalik ng gymnasium. Napalingon naman ako sa paligid para maghanap ng kakilala ko na mahihiraman ko ng payong.
Si Keiji? Wala na. Nang matapos akong magsalita, naglakad na siya papunta sa parking lot at umalis na.
Kinaskas ko naman sa braso ko 'yung mga palad ko para magbunga ito ng init. Bakit ba kasi 'di ko naisipang mag-jacket? Bakit sobrang lamig naman yata ngayon sa Japan? Alam ko tapos na 'yung winter season ah? Napaupo na lang ako sa semento dahil sa ngalay at lamig. Isinubsob ko na rin ang ulo ko sa nga tuhod ko dahil sa antok. Hindi kasi mala-kdrama 'tong buhay ko kaya wala sigurong gwapong lalakeng lalapit sa'kin at papayungan ako. Or so I thought.
"Mayu-chan?"
***
BINABASA MO ANG
A Trip to Japan (Ongoing)
JugendliteraturA Trip to Japan After all the tragedies that happened in Mayu's life, her world became dark. She lost her mother, her boyfriend, and most of all, she lost her happiness. She decided to go abroad, to escape this dark and cruel world, until she meets...
