Chapter 46

5 0 0
                                        

Keiji's POV

Pinunasan ko naman ang mga pawis kong nagsisi-unahan sa pagtulo. Tinignan ko si Fujii, 'yung setter namin, at tumango siya sa'kin. That means we're going for a quick attack once the ball is ours.

'Di ko alam kung bakit 'di ako makapagpokus sa laban ngayon. Talagang malilintikan ako kay Mayumi at sa buong team 'pag natalo kami dahil ang pangit ng laro ng isang key player na katulad ko. Lalo na kay Coach. Parang gusto ko ngang magpasuntok ngayon kay Coach, para mahimasmasan naman 'yung sarili ko at umayos ng laro.

Nag-serve na ang kabilang team at nakuha naman ito nang maayos ng libero namin. Agad itong nakuha ni Fujii at mabilis na sinet sa akin. I jumped with full force as he gave the ball for me to spike. Once I hit it, it went nowhere but the ground. Damn, their net defense is really one of a kind.

Pinaningkitan ko ng mata 'yung middle blocker ng kabilang team. Ang hirap basahin ng laro ng kalaban, at mas lalo pa 'kong nahirapan dahil wala akong pokus sa laban ngayon. Sa pagkakataong iyon, tumawag ng timeout si Coach Ayu. 16-20 ang score, obviously, lamang ang JT Thunders.

"Kuso. (Damn)" singhal ko at uminom ng tubig mula sa tumbler ko. 'Di ko alam kung bakit 'di ako makapag-concentrate ngayon. At kung si Mayumi nga ang dahilan nito, 'di ko pwedeng sabihin 'yon kay Coach dahil baka nga suntukin niya talaga ako para matauhan ako.

"Coach—" natigilan ako sa ginawa ni Coach. Napahawak naman ako sa panga ko dahil sa lakas ng sampal ni Coach sa'kin. 'Di lang pala sampal 'yon, spike yata 'yon na diretso sa mukha. Sinadya niya ba 'yon para matauhan ako?!

Tinawanan naman ako ni Hiro at pati na rin ang iba. Wala talagang kwenta 'tong mga kakampi ko. "Ittai (It hurts)! What was that for?" reklamo ko kay Coach habang nakahawak pa rin sa pisngi ko. Iba talaga ang hampas ng kaliwete.

"Mayu-san said so. Also, I wanted to do that." 'di ko alam kung bakit nanlambot ako nang marinig ko 'yung pangalan niya. Ayos lang sana kung kay Mayumi galing 'yung sampal. Ang lakas kaya ng kamay ni Coach!

"Spikers, hit more cleverly, okay? You can't just hit the ball without a specific direction. Aim where you are going to land the ball. It's either you aim for other side's floor, or aim to their arms for a checkball. Try feints as well, but not too often. Wakarimashita ka? (Do you understand?)" tumango naman sila Hiro kay Coach.

"Alright, middle blockers. You're doing a good job trying to catch up with them, Lee." ngumiti naman si Lee at nag-thank you kay Coach.

"And as for you, Keiji Takahashi," tinignan naman ako ni Coach nang may madilim na awra. Damn, he just recited my whole name. That just means
I'm in really big trouble or in other words, 'you, alone, is stuck with cleaning duties for a month.'

"Haī...?" mahinang tugon ko. Isang maling galaw ko lang, ibabangko na ako ni Coach Ayu.

"Just because Mayu-san isn't here that doesn't mean you get to slack off. So if you won't dedicate yourself to this game, you can pack your things, go home, and never come back to the gymnasium again, you hear me?" napalunok naman ako nang bantaan ni Coach Ayu 'yung career ko. He's not wrong though, I'm really acting stupidly today.

"Haī." seryoso kong sagot. Tumalikod ako kay Coach at saka sinampal 'yung sarili kong mukha gamit 'yung dalawa kong kamay. I can't mess this up. I have to A-up my game or else I'll ruin our championship dream.

"Kei-chan." napatingin ako kay Hiro nang tawagin niya 'ko. Inirapan ko siya dahil mukhang tatawanan niya na naman ako. Bago siya magsalita, pinigil niya 'yung tawa niya.

"Sabi ni Mayu-san, 'pag natalo raw tayo rito, 'di na raw siya babalik dito. Kahit kailan." seryoso niyang sabi. 'Di ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaba sa sinabi niya.

A Trip to Japan (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon