Dedicated to: pliovallee Domo arigato for helping me write these 2 chapters!!
Agad naman akong napatayo dahil sa panaginip ko. Ayan tuloy, dahil sa kagabi, dinadalaw tuloy ako ni Santiago kahit sa panaginip. Tinignan ko naman kung ano
ng oras na. Seven pa lang nang umaga.
Tinignan ko naman si Keiji na mahimbing na natutulog sa lapag. Pagod na pagod siguro 'to kahapon kaya naunahan ko pa siyang gumising. 'Di ko muna siya ginising dahil ayokong maka-istorbo sa pahinga niya. .
Naghilamos naman ako ng mukha ko at nagtimpla ng kape para gisingin ang diwa ko. Lumabas naman ako sa kwarto niya para damahin ang sariwang hangin.
Buti pa dito sa Mishima, maginhawa 'yung hangin na para bang nasa probinsya ka.
Napatingin naman ako sa gilid ko nang bumukas 'yung pinto at ibinuga nito si Hiro habang hawak sa tali 'yung aso niya.
"Waaah! Ang cute ng aso mo, Hiro! Pwedeng hawakan?" I asked in glee because I really love dogs! All kinds of dogs!
Tumango naman sa'kin si Hiro. Umupo naman ako para maabot ko 'yung aso niya. "What's his name?" tanong ko sa kanya. "Cookie."
I patted the dog's head and Cookie laid down and showed me his tummy. Aw, he want's the tickles! Kiniliti ko naman 'yung tyan ni Cookie hanggang sa makuntento siya. Tumayo naman ako kausapin si Hiro.
"So.. what happened last night?" napangiti naman ako nang maalala ko kung anong nangyari kagabi. Aish, pati ngayon nararamdaman ko pa rin 'yung kilig na nadama ko kagabi.
"Eh... not much." saad ko nang may pangangasar. Naningkit naman ang mga mata ni Hiro.
"Tell me, Mayu-chan!" pinakalma ko naman siya dahil baka marinig siya ni Keiji na mahimbing ang tulog sa loob.
"Nadulas ako kagabi." panimula ko.
"Like, physically? Anong masakit sa'yo?" tanong niya nang may pag-aalala. Hayst, ang bagal din pala ng isip ni Hiro.
"Nadulas ako, like, nasabi ko sa kanya na gusto ko siya pero indirectly." nakita ko naman ang amusement sa mukha ni Hiro.
"Paanong inderectly?" dahil sa madami siyang tanong, kinwento ko na lang sa kanya 'yung nangyari kagabi.
"Oh!! So you confessed to each other? Yatta!!" masaya niyang sabi na para bang mas kinikilig pa siya kaysa sa'min. May ganon talagang mga kaibigan eh 'no?
"So ano na? Ano nang status niyo ngayon?" excited na tanong niya.
"Ayon.... So I kind of let him court me." napatakip naman ako sa mukha ko dahil pakiramdam ko napakainit na neto. Hinayaan ko naman si Hiro na mag-celebrate sa gilid ko.
Actually, thanks to him, nangyari ang lahat ng 'to. Mas lalo kaming naglapit ni Keiji dahil sa kadaldalan niya sa'ming dalawa at kung ano-ano pang plano na nagpalapit sa'min ni Keiji, tulad nung kagabi.
"Hiro. Thanks a lot. Nang dahil sa'yo, mas lalo kaming nagkalapit ni Keiji." napangiti naman siya dahil sa sinabi ko.
"Aish, wala 'yon. I just thought na, mas maganda kung malaman niyo na 'yung feelings niyo sa isa't-isa. Eh baka abutin pa ng pasko 'yun si Keiji para lang umamin sa'yo eh. 'Lam mo na, torpe kasi 'yon." natawa naman ako sa sinabi ni Hiro. Torpe nga pero halata naman magpakita ng feelings.
Nagpaalam na akong papasok nang maubos ko 'yung kape ko at siya naman daw ay ilalakad niya pa si Cookie. Nang makapasok ako, gising na si Keiji at akmang may tatawagan.
He looked at me and sighed out of relief. "Akala ko umalis ka, nasa labas ka lang pala."
"I just had coffee outside. You want one?" tumango naman siya sa'kin at pinagtimpla ko naman siya ng kape.
BINABASA MO ANG
A Trip to Japan (Ongoing)
Teen FictionA Trip to Japan After all the tragedies that happened in Mayu's life, her world became dark. She lost her mother, her boyfriend, and most of all, she lost her happiness. She decided to go abroad, to escape this dark and cruel world, until she meets...
