"Mayu-chan?" inangat ko naman 'yung mukha ko mula sa mga tuhod ko at tinitigan 'yung matangkad na lalakeng nasa harap ko ngayon na pinapayungan ako. He's not entirely the man I expected, but he's already here, always here when I need someone.
"Keiji left you?" tanong niya nang malumanay. Walang gana akong tumango sa kanya.
"That bastard never learns. Ikaw din, Mayu-chan. Kailan ka ba matututong magdala ng jacket 'pag malamig?" natawa naman ako sa kumento niya.
Nilabas niya naman 'yung jacket niya mula sa bag niya at iniabot ito sa akin. "Buti ka pa, lagi kang nandyan 'pag kailangan." saad ko at tinanggap 'yung jacket niya. I have no choice, it's freezing cold out here.
"Want a lift home or?" hinintay ni Hiro 'yung sagot ko ngunit may biglang pumasok sa isip ko.
"Wait, saan nakatira ngayon si Keiji? Sa Tokyo o sa dorm niyo?" tanong ko. Ayokong magpahatid sa kanya sa hotel, panigurado sasabihin niya kay Keiji kung saan ako nanunuluyan at baka kinabukasan, nasa pintuan na ng unit ko si Keiji.
"Sa Tokyo. Hinintay ka niya, akala niya doon ka tutuloy." Just as I expected.
"Hmm... want some coffee?" tumango naman ako kay Hiro, tumayo ako at pinagpag 'yung pants kong nadumihan.
Pinagbuksan naman ako ni Hiro ng pinto ng kotse niya bago siya pumasok. Nag-drive-thru na lang kami sa 'di kalayuang coffee shop. "Dozo. (here)" iniabot sa'kin ni Hiro 'yung mainit na kape na galing sa paper bag.
Pinakiramdaman ko naman 'yung init n'on at nilapit ito nang bahagya sa mukha ko. Lamig na lamig ako kahit nasa loob na 'ko ng kotse, ngunit si Hiro ay mukhang ayos lang 'yung itsura. Siguro 'di lang ako sanay dahil wala namang winter season sa Pinas.
"Are you cold?" tanong sa'kin ni Hiro, saglit na sumulyap sa'kin at ibinalik ang tingin sa daan. Tumango naman ako sa kanya nang paulit-ulit kaya pinatay niya 'yung aircon ng kotse.
Ininom ko naman 'yung kape ko nang lumamig na ito nang kaunti. Ganito rin 'yung pakiramdam noon kapag iniinom ko 'yung kape na gawa ni Keiji. Namiss ko tuloy 'yung timpla niya.
"So... sa'n punta natin?" oh right, 'di ko nga pala nasabi kung saan kami pupunta.
"Sabi mo wala si Kei sa dorm niyo 'di ba?" sinisigurado ko lang, dahil ayokong makita uli 'yung mukha niya ngayon, lalo na nang matapos 'yung usapan namin kanina.
Tumango naman siya sa'kin. "Bakit?"
"Sa dorm ang punta natin." sagot ko, na para bang may pagmamay-ari akong unit doon kahit wala naman.
***
"You better not tell this to Keiji, baka kung anong isipin n'on." saad ni Hiro habang binubuksan 'yung pinto ng unit niya gamit ang susi niya. Napairap na lang ako, ngunit tumango rin sa huli.
"I really don't want to think of that man right now." sinulyapan muna ako ni Hiro bago kami pumasok sa loob. Halos pareho lang din ito ng itsura ng unit ni Kei, mas maayos nga lang.
Pumunta naman kami sa maliit niyang dining table na malapit sa kusina at doon naupo. "Are you hungry?" umiling naman ako sa tanong ni Hiro, kasabay ng pagkalam nang malakas ng tyan ko. Okay, pahiya ako doon ah.
"Ramen?" I nodded, wondering if he's a good cook too. He's living alone as well so there's a chance that he is.
Nagsimula namang maghugas si Hiro ng mga ingredients na gagamitin niya. Naalala ko, tuturuan dapat ako ni Keiji na magluto, kaso hindi natuloy. Aish, lahat na lang ba ng bagay tungkol sa kanya? Mahina kong pinagpapalo 'yung gilid ng ulo ko para mawala na 'yon sa isip ko. Hangga't maaari, i-didistract ko na lang 'yung sarili ko.
"Hiro," tawag ko sa kanya. "Hm?" sagot nito nang 'di ako tinitignan.
"Why do you live alone?" tanong ko, sa kagustuhan kong mag-isip ng iba bang bagay maliban kay Keiji.
"I'm not alone. Most of the team lives here. Even Hoshino (their team captain) lives here." nanlaki naman 'yung mga mata ko sa sinabi niya. How come I didn't see any of them except for these two? Aish, I just hope none of them saw me going in and out of Keiji's unit.
"I'm just kidding. " bawi niya na ikinasimangot ko naman. Well atleast that's a good thing.
"May bahay rin kami sa Tokyo, pero ayoko namang bumyahe nang dalawang oras araw-araw papunta dito sa Mishima kaya sabay kaming naghanap ng dorm ni Kei." tumango naman ako habang nagpapaliwanag si Hiro.
"Is it hard being far away from your family?" tanong ko pa.
"Yeah, I actually miss my family so much." he replied with his utmost sincerity. It's really nice to see someone's soft side, I think it reveals their true colors.
Ilang minuto ang nakaraan at natapos din si Hiro magluto at iniabot sa'kin ang isang bowl ng ramen. It smells good, though I hope it tastes as good as it smells. "Domo arigatou."
"Itadakimasu." sabay naming sabi ni Hiro.
Kumuha ako ng isang kutsarang sabaw mula rito at hinipan muna ito bago ito isubo. Napataas naman ang dalawang kilay ko nang malasahan ko ito. "You're a good cook, Hiro-chan." kumplemento ko sa kanya at nagpasalamat naman siya sa'kin.
"I know you told me you don't want to talk about Keiji but, I just need to tell you this." napatingin naman ako kay Hiro. Fine, I want to hear what he's going to say anyway.
"Pagkatapos ng season na 'to, may training camp 'yung National Team sa Italy para sa World Cup this year. If I were you, as soon as possible, ayusin niyo na 'yung relasyon niyo bago 'yon." yeah, easier said than done.
"Kapag naayos niyo 'yon bago 'yung training camp, baka umayos at ganahan pang maglaro si Keiji sa finals. Also, mas mabuti rin na maayos niyo 'yun bago 'yung training camp, dahil baka hindi niyo na maresolba 'yan 'pag lumuwas siya ng Italy." napaisip naman ako sa sinabi ni Hiro. So he's giving me an advice about this. Great, because I really need it.
Wait, did he say training camp? So a few days after this season ends he's going to leave, just like that? 'Di ko alam, pero nakaramdam ako ng kalungkutan ng sabihin niya 'yon. Kung hindi namin 'to maaayos, baka hindi na namin talaga maayos 'to kahit kailan.
Hiro is right, I really need to fix this as soon as possible, but I don't know how. The last talk we had didn't end pretty well. Now I regret my overreaction earlier.
Hiro's not just speaking for the good of Keiji and I, but for the whole team as well. And I think it's for the best. Maybe it's time I'm the one who's going to try and fix this.
"How come you give such good advice when you're not even in a relationship?" tanong ko kay Hiro. It seems to me that he's very experienced in this field.
"The coach doesn't play, does he?" inabot ako ng ilang segundo bago ko tuluyang ma-gets 'yung sinabi niya. Mahina ko namang sinuntok 'yung braso niya habang tumatawa.
Though, if you really think about it, parang siya nga talaga 'yung coach namin ni Keiji. I mean, tuwing may pinagdadaraanan kami, lagi siyang nandyan para tulungan kami, o 'di kaya kung anong next move na gagawin. I'm glad Keiji has a friend like Hiro. It's rare to meet someone as supportive as him, so supportive that he even supports his friend's relationship.
"Thanks a lot, Hiro. You're such a good friend." niyakap ko naman siya nang mahigpit, hoping he doesn't mind. Bahagya pa nga siyang nagulat.
"Yeah... friend." parang narinig ko siyang bumulong ngunit 'di ko naintindihan 'yung sinabi niya. Aish, 'di naman siguro 'yon importante.
***
BINABASA MO ANG
A Trip to Japan (Ongoing)
Novela JuvenilA Trip to Japan After all the tragedies that happened in Mayu's life, her world became dark. She lost her mother, her boyfriend, and most of all, she lost her happiness. She decided to go abroad, to escape this dark and cruel world, until she meets...
