"Saan tayo kakain, Kei?" tanong ko kay Kei habang naglalakad kami papalabas ng gym.
Bago kami lumabas ng gym, binigyan muna ako ni Kei ng ice pack, in case na sumakit daw uli 'yung puson ko. May bahid rin pala ng kabutihan 'yon 'no.
Now that you've said it, parang ang bait niya yata sa'kin ngayon? Binigyan niya ako ng almusal, bumili pa ng pads kahit nakakahiya, tapos ngayon lilibre pa 'ko. Parang sa sobrang bait niya, parang girlfriend na 'yung turing niya sa'kin?
Napailing na lang ako sa iniisip ko. Baka ganoon lang talaga 'yung ugali niya.
"You okay for ramen?" tumango na lang ako sa sinabi niya.
I think ramen sounds good, now that I'm in the place where it originated. Come to think of it, 'di pa ko nakakakain ng ramen na dito ginawa. This past few days kasi, I've been eating anything instant.
"Paborito namin kumain dito nila Hiro or basically the whole team. Promise, masarap dito." saad niya habang naka-thumbs up pa.
"Irashaimasen. (Welcome)" saad ng dalawang lalake na nagluluto.
It's just the two of them here. I wonder how they handled the whole team eating here. Alam mo naman kasi sila, minsan mga baliw, minsan hindi.
"Keiji-kun! Ohisashiburine! (long time no see)" saad nung isang lalake. I guess they know each other. Siguro suki talaga sila dito.
Nakipagdaldalan pa si Kei sa lalaki habang ako umupo na lang sa may table na katapat nila. You know, like a real ramen place.
Nag-order naman si Kei at umupo na sa tabi ko. Agad namang sinerve iyon ng isa pang lalaki. I'm amazed by how fast they do their cooking.
"Oh. Atarashi... Koibito?" tanong nung nag-serve sa'min.
Wait, did he just asked if I'm his new girlfriend? Does he always bring his ex-girlfriend here? Oh great. But then again, ano ngang pake ko?
"Iya, iya, iya. Tomodachi. (friend)" sagot ni Ken at tumango ako.
"Ah. Eto... Dozo omeshiagari kudasai! (enjoy your meal)" nginitian ko naman 'yung lalaki at umalis na siya.
"So... How often you bring your girlfriend here?" napatakip naman ako sa bibig ko nang sabihin ko 'yon. Why the hell would I ask that?!
Tinignan naman ako ni Kei na bahagyang nagulat. "Nandemonai." saad ko uli.
"Why would you ask?" tanong niya nang may ngisi. Ayan, sabi ko na eh, kung ano-ano na naman iisipin niya. Bakit ko pa kasi tinanong 'yon eh!
"I said, nandemonai. That was in your own native language, what part of it can't you understand?" once again, natigilan na naman ako sa sinabi ko.
Hayst, ang liit ng pasensya ko talaga pag red tide. Pero 'di ko naman kasalanan eh. Na-badtrip ako bigla. 'Di ko rin alam kung bakit. Basta ang alam ko, nagsimula 'yon nang pumunta kami dito.
"Eh bakit ka nag-eenglish?" tanong niya naman. Inirapan ko na lang siya dahil sa tanong niya.
"Galit ka eh. Pag nag-eenglish ka, ibig-sabihin galit ka. Bakit nga?" tanong niya pa uli. Bakit ba napakakulit niya? At paano niya nalaman na 'pag nag-eenglish ako, galit ako?
"Anong pake mo?" tanong ko ulit.
"Bakit, nung game kahapon sinabi ko naman sa'yo 'yung rason ko kung bakit ako wala sa mood ah?" pangangatwiran niya.
" 'Yung nagseselos ka, gan'on?" tanong ko sa kanya.
"Oo."
"Sino at ano na naman 'yung pagseselosan mo n'un, aber?" tanong ko uli sa kanya.
"Si Hi---nandemonai!" wait did he just said, Hiro? I mean, siya lang naman 'yung kilala kong 'Hi' yung simula ng pangalan.
"Selos ka kay Hiro kasi mas marami siyang points kesa sa'yo?" paglilinaw ko. Simangot na lang ang naisukli niya sa'kin.
So 'yun nga? Pero ano 'yung sabi ni Coach Ayu noon? Hayst, 'di ko talaga maintindihan 'tong mga hapones na 'to.
"It's nothing like that." mahinang sagot niya habang naka-iwas ng tingin.
"Eh ano nga?" tanong ko.
"Secret ko na lang 'yun." napairap na lang ako dahil sa sagot niya.
Pagkatapos naming kumain, naglakad-lakad naman kami ni Kei papunta sa kung saan. Sumunod na lang ako kung saan siya pupunta kasi natural, 'di ko naman kabisado 'tong lugar na 'to.
Habang naglalakad kami, 'di ko alam kung bakit hindi ako mapakali. Parang may sumusunod sa'min at nakamasid sa bawat galaw namin. Nang lumingon ako sa paligid ko, wala naman pala. Pero pakiramdam ko talaga meron.
"Do you have time?" napatingin naman ako kay Kei nang magtanong siya.
"Why?" bago niya 'ko sagutin pinitik niya muna 'yung noo ko. Aba! How dare he?!
"Kapag nagtatanong ang tao, hindi tanong ang sinasagot." saad niya at ngumiti nang sarkastiko.
"Meron." sagot ko dahil mamaya baka ibalibag niya naman ako pag tinanong ko ulit siya.
"Are you afraid of heights?" umiling naman ako. Saan naman ako balak dalhin ng bakulaw na 'to?
"Saan tayo pupunta?" tanong ko at tumigil kami sa paglalakad.
"Mishima Sky Walk! You'll love the view, promise!" saad niya at naglakad na papunta sa mahabang tulay na nasa harap namin.
Okay, I'm not that afraid of heights but we're walking in a really long bridge that is hanging off the ground about 44 meters, and I don't even know if it's stable.
"Safe ba 'to?" tanong ko kay Kei na naglalakad.
Lumingon naman siya sa'kin at tumalon-talon. Atleast, gawa sa kongkreto 'yung daanan ng tulay. Siraulo lang, paano kung biglang lumindol 'tas nagtatatalon siya dyan, edi namatay siya. Pero ano bang pake ko.
"Fine." I sighed to myself.
"Ikou." saad ni Kei at kinaladkad ako papunta sa tulay.
I mean, literal, kasi hinawakan niya 'yung kamay ko at saka ako hinatak. Habang patagal nang patagal, kumalma na rin ako. I guess safe talaga 'tong bridge na 'to. Though, 'pag nag-collapse ito, mataas 'yung pagbabagsakan kaya medyo nakakatakot.
"That's Mount Fuji, right there. Ang ganda 'di ba?" saad niya habang nakaturo sa view.
Tumango naman ako sa kanya. I can't deny na maganda talaga 'yung view. The structure of Mount Fuji seems to be perfect. Sariwa pa ang hangin dito kaya nakakakalma sa pakiramdam.
"Alam mo, Keiji. Minsan nakakainis ka, pero minsan hindi." saad ko habang nakatingin sa view. Tumawa naman siya dahil sa sinabi ko.
"You know, I'm really glad you're not that lonely anymore."
Napitingin naman ako sa kanya nang sabihin niya 'yun. Imbis na matigilan ako, nginitian ko na lang siya. Totoo naman 'yung sinabi niya.
Hindi na 'ko sing-lungkot noon. Kahit papaano nakakangiti at nakakatawa na rin ako. Akala ko noon, 'di na ko buhay sa ngayon dahil akala ko sa suicide forest na talaga 'yung katapusan ko. Pero bigla siyang dumating at pinigilan ako. Kahit 'di pa kami magkakilala noon.
Pero ngayong mas nakikilala ko si Keiji, nalaman ko na mabait pala siyang tao. Kaya niyang magpasaya ng mga tao. Yung mga teammates niya, at maski na rin ako, napapasaya niya.
Napahigpit naman 'yung hawak ko sa kamay ni Keiji. Hanggang ngayon pala, hindi niya pa rin binibitawan. Pero, sa pagkakataong ito, hinayaan ko na lang na magkahawak ang mga kamay namin.
Nararamdaman ko na naman 'yung pagpintig ng puso ko, na lagi ko ring nararamdaman 'pag nandyan siya. At saka 'yung 'di mapakaling pakiramdam sa tyan, nararamdaman ko rin. At pati na rin 'yung pag-init ng mukha ko.
At this point, I can confirm the possibility that I could fall for this dork. But, I'm still not certain, because there's still someone in his life that isn't completely gone yet.
"Kei-chan?"
BINABASA MO ANG
A Trip to Japan (Ongoing)
Genç KurguA Trip to Japan After all the tragedies that happened in Mayu's life, her world became dark. She lost her mother, her boyfriend, and most of all, she lost her happiness. She decided to go abroad, to escape this dark and cruel world, until she meets...
