"I'm back, Mayumi." patuloy ang pagbuhos ng mga luha mula sa mata ko na para bang ulan.
Pinagtitinginan na ako ng mga tao dito, at mukhang alalang-alala sa'kin si Keiji dahil sa pag-iyak ko nang ganito, kaya umiling ako sa kanya, senyales na ayos lang ako. Kumuha naman ako ng tissue mula sa table para punasan 'yung mga luha ko. 'Di nagtagal, napagdesisyunan naming umuwi nang matapos na 'yung tawag.
Ito talaga ang isa sa pinakamasaya kong kaarawan.
***
"Keiji. I'm really sorry but, I need to go home." Keiji and I are currently discussing about whether I should go home or not while I'm already packing my things. There's just three days left until their quarter final games. The games that will decide which two teams will fight for the trophy.
"But who'll replace you? We need you in this." he frustratingly replies. I know, it feels more frustraiting to me, than it is to him.
"I won't be gone for too long, Kei. He's my long lost brother, I have to see him. He's the only family I have left." pagpapaliwanag ko.
Alam kong nalulungkot siya dahil isang araw pa lang nakakaraan mula nang maging kami, ay aalis kaagad ako. Kailangan ko lang magpaliwanag nang maayos sa kanya, alam kong maiintindihan niya rin ako.
"Babalik ako..." tumingin ako sa kalendario. "Dalawang laro bago third place match. Kaya kailangan panalunin niyo quarters niyo nang wala ako." sagot ko sa kanya.
"Pero 'di namin 'yon kaya nang wala ka." I hugged him tight, then I looked up to reach his hair.
"You have to. Kaya niyo 'yon. 'Di naman ako mawawala sa tabi niyo eh." nginitian ko siya at saka ginulo 'yung buhok niya para pagaanin 'yung loob niya. Ngumiti siya nang bahagya at saka ako niyakap pabalik.
"Basta... Babalik ka ah? Maghihintay kami sa'yo." natuwa naman ako nang mapapayag ko siya. Ngunit nalulungkot din ako dahil kailangan kong umalis, kahit sandali lang iyon.
"I promise I'll be back" huling saad ko at binigyan siya ng huling halik sa labi, bago ako umalis.
My lost brother was saved, after that tragic accident in the mountains. Up until now, I still blame myself for that. I was responsible for that accident. Ako 'yung nag-aya sa kanya, ang pumilit sa kanya, kahit ayaw ni Dad.
That's also one of the reasons why my world is so dark. That feeling never left me. It kept coming back to me as if it was attached to me. And now, knowing that he's alive and breathing, made me feel less heavier than it was before.
Ako nang mag-isa ang pumunta sa airport. Ayoko nang isama si Keiji doon dahil baka mag-drama pa kaming dalawa roon kahit ilang linggo lang naman akong mawawala. Pinasabi at nag-iwan na lang ako ng letter kay Keiji para kay Coach Ayu. Sana payagan niya pa 'kong makabalik kahit wala ako sa mga importanteng laro nila.
***
Nang makarating ako sa Pilipinas, 'di ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Kung saya ba, dahil makikita ko na uli 'yung kapatid kong matagal nang nadisgrasya at ngayo'y naligtas na, o galit dahil makikita ko na naman 'yung tatay kong gusto akong itakwil. Wala ngayon si Keiji para pakalmahin ako, kaya pinili ko na lang maging masaya, kahit kaunti lang.
Napaisip naman ako kung anong kalagayan ni Carlos habang nasa byahe ako papunta sa bahay namin. Ayos lang ba siya? Marami ba siyang natamong sugat? Kilala niya pa ba 'ko? Namiss niya ba ako? Ang daming katanungan sa isip ko. Ngunit, sa lahat ng tanong na iyon, ang gusto ko lang masagot ay 'yung una.
'Di ko namang mapigilan na isipin si Dad. Panigurado, hanggang ngayon 'di pa rin kami magkasundo at oras na makita niya 'ko ay dadakdakan niya 'ko, at posible pang ikulong niya pa ako sa kwarto ko dahil sa kalokohang nagawa ko.
BINABASA MO ANG
A Trip to Japan (Ongoing)
Teen FictionA Trip to Japan After all the tragedies that happened in Mayu's life, her world became dark. She lost her mother, her boyfriend, and most of all, she lost her happiness. She decided to go abroad, to escape this dark and cruel world, until she meets...