Chapter 20

12 0 0
                                    

"Dakara, watashi wa hounto ni sitto." naramdaman ko namang napatingin sa'min si Coach Ayu dahil malamang, baka narinig niya 'yon.

Tinignan ko naman si Coach pero nginitian ako at nagkibit-balikat pa na parang tama 'yung hinala niya. Simangot na lang ang naisukli ko sa kanya.

"Ano namang pinagseselosan mo, aber? Baka may nakikita kang 'di ko nakikita. Share mo naman." pabalang kong sabi.

"Iyon nga eh, nakikita ko pero 'di mo nakikita. Manhid ka kasi." sagot niya sabay belat. Baka may nakikita siyang supernatural na bagay na hindi ko nakikita dahil wala akong third eye.

"Ang dami mong echos. Living ba yan o supernatural?" tanong ko sa kanya. Baka mamaya nananakot na naman 'to.

"Secret." pinanlisikan ko naman siya ng mata dahil sa sagot niya.

"Ano nga?" tanong ko at hinawakan 'yung daliri niyang may finger tape.

"Nakikita mo 'to? Iikutin ko 'to hangga't 'di mo ko sinasagot nang matino."

Iniikot ko naman nang bahagya 'yung daliri niya at nagsimula na siyang umaray nang mahina.

"Ano nga?" tanong ko nang hindi pa rin binibitawan 'yung kamay niya. Napatingin naman siya sa kamay ko.

"Crush mo talaga ako eh 'no?" agad ko namang binawi 'yung kamay ko.

'Di ko alam pero sa pagkakataong iyon, parang ang init ng paligid. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Is it just me or is it really hot in here?

"Asa ka naman." napa-irap na lang ako at binaling ang tingin ko sa court. Napatingin naman ako kay Coach ng kalabitin niya ako.

"So what's the status, Mayu-san?" tanong ni Coach sa'kin.

"Seasonal tantrums, coach. It happens all the time." I answered. Well, I can't tell the exact thing that he said to me to Coach.

"So should I bring him back to the court?" tanong ni Coach sa'kin.

I glanced at Kei beside me. He's just focused at watching the game but, he's smiling widely as usual. Siguro naman pwede na siyang maglaro ulit since mukhang okay na naman siya? I mean, based on his facial expressions.

"I think he'll do well now." sagot ko kay Coach at ngiti naman ang naisukli niya sa'kin. What's with Coach's smile? Parang nang-eechos kasi.

Minutes passed, and we reached the second technical timeout, in our favor, 13-16.

"Ganbare. (good luck)" sabi ko kay Kei at pinat ang balikat niya. He just smiled back at me and raised his closed fist, as if he's sure he's going to win this.

"Hiro. Thank you nga pala sa jacket. Oh and, mou ippon. (one more point)" saad ko nang makalapit ako kay Hiro. Nakalimutan ko kasing mag-thank you sa kanya kanina.

This time, Kei was subbed back in the court and Tomi was subbed out. Apparently, Rouzier and Hiro are fighting for the top scorer spot, both with 12 points. Though, I hope Kei could get his real form back.

Si Rouzier ang nasa service line which means nasa back row siya at nasa harap si Kei, which shows an opportunity to score as an MB.

Agad namang ni-receive ng libero ng kabilang team ang service at diretso ito sa setter nila. Pero, hindi ko inaasahan na i-ddrop ball niya 'to. Pero ang mas 'di ko inasahan, ay 'yung na-block ni Kei 'yung drop ball niya.

I guess he's in his real form now. Tumakbo naman si Kei sa buong court as a celebration. Well, overjoyed lang talaga siya. Though, ang galing ng ginawa niya doon ah.

"I guess you cured his tantrums, Mayu-san." sa sobrang focus ko sa laro, 'di ko narinig 'yung sinabi ni Coach.

"Moichido itte kudasai. (please repeat)" I asked Coach to repeat what he said but he answered with a teasing smile, "Nandemonai."

Later on, the match ended with 4 sets, 3-1, our win. I don't know but, being with this team, I feel like I won too. Lahat ng players ay nag-celebrate sa court at pagkatapos noon, nagkaroon ng pictorial as usual. This is their 5th win.

Bago kami umalis, nagpack-up muna kami kaya wala nang tao dito sa gymnasium maliban sa'min.

Nagulat ako nang tumakbo papunta sa'kin si Kei at niyakap ako. Hindi lang iyon, binuhat pa ko ng mokong dahil lamang ng one foot 'yung height niya kahit 5'6"ft ako.

"We won!!" masaya niyang sabi sabay yugyog sa'kin. Aba, tanga lang, kun'di ba naman maalog 'yung utak ko sa ginawa niya.

"Awat na, Kei!!" sabi ko pabalik. Nagulat naman ako nang binitawan niya 'ko pero saktong sinalo niya ako bago maramdaman ng paa ko 'yung lapag.

Ang ending, magkatapat 'yung mukha naming ngayon. Ayan na naman, bigla na namang uminit dito. 'Tas para ba 'kong nakikiliti sa loob ng tyan ko. Ano ba kasi 'tong ginagawa ng katawan ko at nababaliw na yata?

"Yieieie!" nanlaki naman ang mga mata ko nang marinig ko silang asarin kami. At ang malala pa nyan, kasama pa si Coach. So, si Coach 'yung lider tapos 'yung mga players 'yung members? Galing.

"Baka gusto mo kong ibaba, bitawan ilapag, kahit alin doon." pabalang kong sabi kay Kei.

Para naman siyang natauhan at bigla akong binaba. "Gomen. (sorry)" saad niya habang nakalagay ang isang kamay niya sa batok.

"Yah, Keiji! We have a rule! No one gets a girlfriend until we are champions again." saad ni Captain.

Natawa naman ako sa rule na 'yon. So, what if hindi sila maging champion uli, magiging bachelor silang lahat?

"She's not my girlfriend, Cap!" sagot naman ni Kei kay captain. "Yeah, never gonna happen." dugtong ko, habang naka-ekis 'yung mga braso ko.

"Aw, he's rejected already." saad uli ni Captain. "Aaaaw!" asar ng buong team. Ang hilig talaga nila mangasar sa isa't isa 'no? 'Tas 'pag nagkapikunan magsusuntukan. Joke lang.

"It's not like I asked her yet." mahinang sabi ni Kei pero sapat na para marinig ko.

Nalukot na namang muli 'yung mukha ko dahil sa narinig ko. 'Yet'? So it means he's going to ask me soon? What the?

Nagulat naman ako nang tumili sila. I mean, nagulat ako kasi mga lalaki sila 'di ba. Mga baklang 'to.

"We should get home before the bus leaves us. Ikuyo. (Let's go)" saad ko at nagsimula na kaming maglakad papalabas ng gym.

Nang makarating kami sa bus, isa-isa kaming pumasok. Apprarently, kada may dadaan kay Kei ay aasarin siya sa'kin. Though, ang sabi lang ni Coach ay 'wag ko na lang daw silang pansinin.

At the moment, masyadong occupied ang isip ko dahil sa sinabi ni Kei. Ano ba kasing ibig-sabihin nung sinabi niya?

Also, ano ring ibig-sabihin ng kaguluhan na ginagawa ng katawan ko kanina? May pamumula pang nalalaman.

Wait... does this mean that... No. Malabong mangyari 'yon.

"Um, about what I said earlier." ibinaling ko naman ang tingin ko kay Kei nang marinig ko siya.

"That came out wrong. And sorry for the commotion and the overreacting. Masyado yata akong masaya kanina."
tumango na lang ako sa sinabi niya.

In all honesty, 'di ko rin alam ang dapat kong sabihin sa kanya. My mind is too occupied of things involving Keiji. Could this be actually what you call... love?

A Trip to Japan (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon