'Di ko alam pero, parang nakakagaan sa loob 'yung sinabi niya. Nakakagaan kasi ngayon ko lang naramdaman uli na may taong masaya na buhay pa 'ko simula nung nawala sila Mamu at si Santiago.
'Yun kasi 'yung sinabi niya.
"I'm just happy that you're still alive."
Baka masyado lang akong etchosera at baka sinabi niya lang 'yun kasi 'yun naman talaga 'yung pakay niya. Tama, wala namang malisya doon. Bakit ba 'ko nag-ooverthink tungkol doon?
"Mayu-chaaan!" tawag niya sa'kin habang kumakaway-kaway sa mukha ko. Sa sobrang dami kong iniisip, natutulala na naman ako sa ere. "Bakit?"
humarap ako sa kanya.
"We're here." napatingin ako sa harap ko at tama nga siya, nandito na kami. Masyado yatang mabilis ang lakad namin pauwi? O baka nawala lang ako sa isip ko at 'di ko na namamalayan 'yung paligid ko?
"Bukas ah. Promise mo 'yan ah, magkikita tayo sa train station nang 6pm. Kun'di, bubulabugin kita dito sa bahay niyo. Promise?" he showed me his pinky finger again and I clinged mine with it. Ano bang trip neto sa pinky promise? Parang na-oobligado tuloy akong tuparin 'yung pangako na 'yon.
"Yown! 'Pag may problema ka, tawagan mo lang ako ah. Eto number ko." may inabot siya sa akin na maliit na nakatuping papel. Nilalandi niya yata ako eh. Charot lang, feeling naman ako masyado eh kanina lang kami nagkakilala.
" 'Pag tinuloy mo 'yung balak mo, susunod ako sa'yo, sige." binabantaan niya ba 'ko? Balak ko pa naman na sa bahay na lang ako mag-suicide para walang panggulo 'tas binantaan naman ako ng mokong 'to na susunod siya sa'kin. Baka mamaya sumunod siya talaga. Ngayon ko lang nalaman na mahirap mag-suicide sa Japan, lalo na 'pag kasama 'tong lalaking 'to
"Oo na, Takahashi." sagot ko sa kanya.
"Friends na tayo ngayon! Masyado kang formal. Keiji o Kei na lang. Kei-chan gan'on. Yie." 'di ko na napigilan 'yung sarili ko at binatukan ko siya nang mahina.
"Aray!" reklamo niya pero nakangiti pa rin siya. Baliw yata 'to eh. "Dali na. Tawagin mo kong Kei-chan. Isa lang. Onegaishimasu! (please)" may payuko pa siyang nalalaman pero binatukan ko lang uli siya.
"Kapag 'di mo ginawa, 'di ako uuwi, sige." bakit ba lagi niya akong pinagbabantaan? Eh bakit ba 'ko natatakot na baka totohanin niya 'yung mga banta niya? Ano bang pake ko sa kanya? Hay, ang sakit sa ulo ng lalaking ito.
"Sige lang. Dyan ka lang ah. Babye, matutulog na ko. Jaa ne." 'di ko na siya pinansin at pumasok sa gate. Ano namang pake ko kung 'di siya umuwi, eh 'di naman ako maaapektuhan? Kinokonsensya niya pa ako as if naman close kami.
Pero 'di pa rin nawawala sa isip ko na baka nga totohanin niya 'yung sinabi niya. Dahil sa kakulitan ng isip ko, sumilip ako sa gate at nakahinga ako nang maluwag. Pero 'pag tingin ko sa gilid, nandoon siya sa pavement, naka-upo.
Nang mapansin niyang sumisilip ako sa gate, ngumiti na naman siya. "Umuwi ka na." saad ko. "Ayoko nga, dito lang ako. Hangga't 'di ko naririnig 'yung Kei-chan, dito lang ako." nakakaubos talaga siya ng pasensya 'no?
"Bahala ka dyan." dahil 'di ako mapasensyang tao, hinayaan ko na siya doon at diretso na 'kong natulog sa higaan ko.
***
Naalimpungatan ako dahil sa masama 'kong panaginip. As usual, 'yung scenario kung saan namatay si Mamu ang lagi kong paniginip. 'Di ko alam kung bakit. Kung 'di iyon 'yung panaginip ko, 'yung pagkamatay ni Santiago naman. Para bang ayaw akong pasayahin kahit sa panaginip ko.
Tinignan ko 'yung orasan at 6:00 am na nang umaga. Biglang sumagi sa isip ko si Takahashi. Nandoon pa rin kaya siya? Natulog kaya siya doon? Ay ewan. Dahil sa kuryosidad, agad akong lumabas para tignan kung nandoon pa rin siya.
Umawang ang labi ko nang makitang nandoon pa rin siya nakaupo sa pavement, habang nagkakape pa. Saan galing 'yung kape? "Ohayo (good morning). Gulat ka 'no? Sabi ko sa'yo 'di ako uuwi eh." what the hell? Seryoso siya doon? Eh saan galing 'yung kapeng iniinom niya ngayon? Tsaka nawala na 'yung bag na dala niya kahapon.
"Seryoso ka?" tanong ko habang may pagtataka sa mukha. Umagang-umaga, sasakit na naman ulo ko dahil sa lalaking 'to. "Joke lang HAHAHA. Kita mo 'yung bahay na 'to?" tanong niya sabay turo sa gilid niya. "Bahay namin 'yan. So it means, we're neighbors. Napakagaling ng destiny ano?" saad niya sabay halakhak nang bongga.
Pinanlisikan ko lang siya ng mata dahil naiirita ako sa sitwasyon namin ngayon. Siya?! Sa lahat ba naman ng pwede kong kapitbahay, siya pa?! Mali yata 'yung pagpunta ko dito sa Japan. Sana sa Baguio na lang pala ako pumunta.
"Hindi ka maganda 'pag naiirita 'yung mukha mo. Mas maganda ka kapag nakangiti." inirapan ko na lang 'yung sinabi niya. Common na 'yang line na 'yan, masyado nang gamit kaya 'di na effective lalo na sa mga depressed na katulad ko na walang pake sa kung anong itsura ko.
"Alam mo, 'di ako magsasawang batukan ka." ang aga-aga, ready na naman ako mambatok. Ang sarap kaya batukan nang mokong na 'to. Anong lasa? 'Yung tipong nasapok mo 'yung plastik mong kaibigan, gan'on.
"Chill ka lang, Mayu-chan. Kape oh." inalok niya ako ng isang mug ng kape na nasa gilid niya. Dahil kumakalam na 'yung tyan ko at paborito ko rin 'yung kape, tinanggap ko na ito. Uminom ako nang kaunti at nilasap 'yung malinamnam na lasa nito.
"Ginawa mo 'to?" tanong ko sa kanya. He smirked before he replied. "Canned coffee lang 'yan na ininit ko. Ayos ba?" kusang napunta 'yung kamao ko sa ulo at 'di ko alam kung paano 'yun nangyari. May sariling isip na yata 'tong kamao ko eh.
"Joke lang eh! Gusto lang kitang patawanin. Ako gumawa niyan, tinuruan ako ni Obachan(Lola) at Ojichan(Lolo) na gumawa ng kape." muli na naman akong napaisip sa sinabi niya na gusto niya 'kong patawanin. Isang malaking katanungan pa rin sa isip ko kung ano bang pake niya sa'kin at kung bakit niya ginagawa 'yung mga 'yun.
"Masarap siya. Kahit papaano, may nagagawa ka palang maganda sa buhay mo." dumulas 'yung bibig ko. Pati 'tong bibig ko may sarili na ring isip. "Grabe ka
naman! Pero, considering na lagi kitang inaasar, tama ka nga hahaha."
"Just think of this coffee as an apology gift." wait, nag-sosorry ba siya? Hayst! Napaka-bipolar ng lalaking 'to na pati ulo ko sumasakit na nang bongga.
"What if I don't accept your apology?" tanong ko. Wala lang, mantitrip na naman ako nang wala sa oras. Tsaka gusto ko rin malaman kung anong gagawin niya kung sakaling 'di ko nga tanggapin apology niya.
"Edi gagawan kita ng kape araw-araw para matanggap mo 'yung apology ko." saad niya sabay ngiti. Naloloka na 'ko sa ipin niyang para bang pang-model ng colgate sa sobrang puti at ayos. Nahiya 'yung mga ipin kong isang beses ko lang nililinis sa isang araw.
Parang ang consistent naman ni Takahashi. Feeling ko kasi kaya niyang totohanin 'yung mga sinasabi niya at gagawin niya talaga. Parang gusto ko tuloy i-testing kung kaya niyang totohanin 'yung nga sinasabi niya. Ma-testing nga.
"Sige nga, gawan mo 'ko ng kape araw-araw." hamon ko sa kanya. Tumawa muna siya nang bahagya bago sumagot. "Sige ba! Ang isang Keiji Takahashi ay 'di natitinag ng sinuman. Ano man ang iyong hiling, ay aking tutuparin!"
Natawa naman ako sa sinabi niya. Confirmed na siraulo talaga siya.
"Yown! Mas cute ka pala 'pag tumatawa ka eh." 'di ko alam pero parang biglang uminit 'yung paligid. Pero malamig ngayon sa Japan? Baka dahil lang 'yon sa kape? Tama, dahil 'yon sa kape.
"You're blushing." saad niya habang may malawak na ngiti na lalong nagpainit ng paligid. Ano ba 'tong nararamdaman ko?
"Siraulo." sagot ko pero sa totoo lang, mukhang ako 'yung nasisiraan ng ulo. Bakit ba ganito epekto sa'kin ng siraulong 'to? Ay ewan.
BINABASA MO ANG
A Trip to Japan (Ongoing)
Teen FictionA Trip to Japan After all the tragedies that happened in Mayu's life, her world became dark. She lost her mother, her boyfriend, and most of all, she lost her happiness. She decided to go abroad, to escape this dark and cruel world, until she meets...
