"Tadaima (I'm home), Keiyu and Keichan!" saad ko nang makarating ako sa bahay at niyakap ang mga aso. Lumapit naman sila sa'kin at dinambahan pa ako.
Natuwa naman ako nang gawin nila iyon. It just means they're expecting me and they miss me!
"Look what I brought~!" I said while pulling a bag of treats from my bag. Nagsitalon-talon naman sila nang makita 'yon. Aaaw, they're so cute!
Bago ako umuwi, bumili muna ako nito sa pet shop na 'di kalayuan sa train station. Dahil doon, 'di kami magkasabay ni Ken. Mabuti nga iyon dahil medyo awkward 'yung atmosphere namin kanina.
"Isa-isa lang muna ah." binigyan ko naman sila ng tig-isang dog treat pero mukhang gutom pa rin sila.
"Oh, I brought these too!!" sorry, medyo baliw lang talaga ako pagdating sa mga aso.
Nilabas ko naman 'yung mga food bowl nila. Since pareho silang boy, light blue 'yung kay Keiyu at dark blue naman 'yung kay Keichan. Hayst, napaka-weird talaga ng mga pangalan na 'yon.
Siguro gutom na 'tong mga 'to. Pero bago ako umalis kanina nag-iwan ako ng dog food sa bento box. Well, wala kasing ibang pwedeng lagayan eh. Hinugasan ko na lang 'yung bento box at 'yung mga food bowl nila at nilagyan uli ito ng dog food.
Agad naman nila 'tong inubos. Siguro, nagutom talaga sila. Umaga kasi ako umalis at gabi na nang makarating ako. Binigyan ko naman sila ng tubig pagkatapos nilang kumain.
Nang makuntento na sila, pinatulog ko na sila sa isa pang kutson habang pinapat ang mga katawan nila. "Oyasumi." saad ko at natulog na sa sariling kama.
***
Nagising naman ako nang marinig ko na naman 'yung boses ni Kei sa labas ng gate. Binuksan ko naman 'yung gate at nasilaw ako dahil sa sinag ng araw.
Teka lang... Bakit parang tapat na 'yung araw? At bakit parang may nakakalimutan ako?
"Konnichiwa. It's 12 noon and we're late for work." saad ni Kei na ikinagulat ko.
Oo nga pala! May trabaho na nga pala ako uli! How could I forget?! Pero nagtaka naman ako nang 'di gumagalaw o parang natataranta si Kei.
"Late na 'di ba, bakit 'di ka pa umalis?" tanong ko sa kanya.
"Well... This is nothing new. Madalas talaga late ako sa training." napasimangot naman ako sa sinabi niya at binatukan siya.
"As a professional athlete, maging professional ka naman!" buwelta ko habang nakapamewang.
Hayst, I can't believe na lagi siyang late. Baka ganoon rin siya nung nag-aaral pa siya. I'm worried baka mawalan siya ng role sa Toray dahil sa katamaran niyang pumasok nang maaga.
Pero wait, ano nga bang pake ko? Napa-iling na lang ako sa iniisip ko.
"Well as our professional manager, you should act professional as well too. In fact, dapat by 7am nandon ka na sa gymnasium!" buwelta niya pabalik.
Ah, ganon pala 'yon. Sorry na. Lahat tuloy ng salita ko nabato pabalik sa'kin.
Dahil sa sinabi niya agad naman akong naligo at nag-ayos. 'Di ko alam kung mukha akong disente sa itsura kong 'to pero siguro papasa na 'to. Mamaya sa byahe na lang ako mag-aayos.
Bago ako umalis, nag iwan muna ako nang maraming dog food at tubig sa mga food bowl nila Keiyu. Nang makalabas ako, nagulat naman ako nang makita pa rin siya.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Duh, obviously, hinihintay ka. Ikuyo." pabalang niyang sabi at hinatak ako papunta sa train station.
Wait... Did he say he was waiting for me? Pero bakit niya pa 'ko hinintay eh late na nga kami? Hayst! Napakagulo niya talaga.
Medyo matagal ang byahe papunta sa Mishima dahil medyo malayo ito sa Tokyo. 'Di nagtagal, biglang kumalam ang tyan ko. Oh right, I didn't eat anything before we left.
"Here." binuksan ni Kei 'yung bag niya at iniabot sa'kin 'yung paper bag na naglalaman ng kape at burger habang nakangiti. Wait, bakit parang planado niya ang lahat?
"Domo arigatou." sagot ko at inabot 'yung paper bag. Wala naman akong choice kun'di tanggapin 'yon dahil gutom na gutom na talaga ako.
Napatingin naman ako sa kanya nang kumagat ako sa burger. Ano na naman tinitingin neto?
"Nani?" bago siya sumagot, lumawak muna 'yung ngisi niya. Ayan, magiging baliw na uli 'yan mamaya.
"Ang cute mo kumain 'no, gutom na gutom lang?" saad niya habang ginugulo 'yung buhok ko. Aba, 'di na nga ako nakapag-ayos ginulo pa 'yung buhok ko!
Tsaka anong sabi niya? Anong ang cute ko? Mama mo cute. Ay. Wala na pala siyang mama. May she rest in peace po.
"Alam mo, imbis na maayos 'yung buhok kong nananahimik, ginulo mo pa." sabi ko habang napairap.
"Red tide ba ngayon? Ang init ng ulo mo eh. Eto na aayusin na." saad niya habang inaasar pa 'ko gamit 'yung mukha niya na nakakaasar naman talaga.
Kinuha niya naman 'yung suklay na nakausli sa bulsa ng bag ko. Bahagya akong nagulat nang suklayan niya 'ko. Ano bang trip neto?
Pero 'di ko maitatangging napakagaan ng kamay niya tuwing sinusuklayan ako, parang 'yung katulad nang kay Mamu... 'Pag ako kasi nagsuklay kulang na lang makalbo ako sa sobrang bilis.
Noong bata ako, si Mamu lagi nagsusuklay ng buhok ko at inaayos pa 'yung buhok ko. Madalas tinitirintas niya 'yung buhok ko. I miss those old days. I really miss Mamu more and more.
"Masyado ka nang masaya dyan sa suklay ko." saad ko at kinuha 'yung suklay sa kanya at tinago ito sa bag.
Nang matapos akong kumain, kinuha ko naman 'yung face powder at lip tint ko sa bag. Nang maglalagay na 'ko, nagsalita na naman si Kei.
"Para saan yan?" tanong niya sabay turo sa hawak kong face powder.
"Sa mukha, obvious ba?" pabalang kong sagot
"Akin na." nagsalubong 'yung mga kilay ko nang kunin niya 'yung hawak ko. Wait, bakla ba siya? Una, sinuklayan niya 'ko, pangalawa itong face powder naman. Could he be...?
" 'Di mo kailangan neto. Maganda ka na kahit wala kang make-up." natigilan naman ako sa sinabi niya. Naramdaman ko na naman na umiinit 'yung paligid, lalo na 'yung mukha ko.
Ano bang pinagsasabi niya? Nambobola ba siya? Tsaka, paano niya nasabi 'yon nang 'di man lang nahihiya? Siguro nga dahil walang hiya siya.
"Alam mo, 'yung utak ng babae, lalo na 'yung utak ko, 'di nabobola ng mga ganyang salita." saad ko at naupo na lang nang maayos.
"Ah paano ba..." napahawak naman siya sa baba niya na parang nag-iisip siya.
"I want you to know that... Wherever you are in this world, I will be searching for you." akala ko kikiligin na 'ko sa sasabihin niya pero nakaw lang sa Your Name eh.
"Nakaw ka ghorl, baka kasuhan ka ni Makoto Shinkai." sagot ko naman sa kanya.
"Ah edi ito na lang. I want you more than any blue skies'." napairap naman ako sa sinabi niya.
"Nakaw pa rin, sa Weathering With You." sagot ko uli. So 'yun lang talaga kaya niya? Nakaw na mga salita? Weak.
"Ito na talaga, totoo na 'to! Third time's a charm!" saad niya habang nag-iisip nang malalim.
"I will be the spark of light that will bring life to your dark world again."
BINABASA MO ANG
A Trip to Japan (Ongoing)
Teen FictionA Trip to Japan After all the tragedies that happened in Mayu's life, her world became dark. She lost her mother, her boyfriend, and most of all, she lost her happiness. She decided to go abroad, to escape this dark and cruel world, until she meets...
