Chapter 48

4 0 0
                                        

Mayumi's POV

A few days passed since I received that message. I don't know what to believe anymore. Considering that the happenings between me and Keiji are so fast, everything might be just a big misunderstanding. Ulit-ulit na nagpapakita 'yung text niya sa ulo ko. 'Di ko alam kung text niya ba 'yon, o ano. Hindi na nga siya nagparamdam sa'kin noong mga nakaraang araw, ayan pa ang una niyang binungad sa'kin. Baka iyon nga talaga ang dahilan kung bakit hindi siya kumikibo?

Gusto ko sanang paniwalaan na hindi siya 'yung nag-text n'on eh, kaso paano ko naman masasabi 'yon, eh wala naman akong proweba. Ni hindi ko nga alam kung anong ginagawa niya ngayon, kung naiisip niya pa ba ako, o kung may pake pa ba siya sa'kin. Wala naman ding text sa'kin si Hiro o si Lee tungkol doon. So ano 'yon? Glitch lang iyon? Prank? Oo nga, sana prank na lang 'yon 'no?

Kung prank man 'yon, maiinis ako sa kanya, ngunit matutuwa rin naman ako na hindi talaga totoo 'yon. Sa ngayon kasi, hindi ko alam kung ano 'yung totoo.

Gusto ko sana i-message sina Hiro at Lee tungkol dito kaso nakakahiya, baka maka-istorbo pa 'ko. Ayoko namang isali pa silang dalawa sa mga nangyayari sa relasyon namin. Hindi ko nga alam kung matatawag ba talagang relasyon 'tong meron kami eh. Kakasimula pa lang, gumuguho na agad. Bakit ang bilis naman dumating ng mga hinanakit ko sa buhay? Kakaalis lang ng isa, may bago na naman. 'Di ba uso break dyan? Recess o lunch? Kasi kahit konting oras lang, kahit isang minuto pa 'yan, tatanggapin ko 'yan makahinga lang ako nang maluwag, nang payapa ang isipan at puso.

Ayoko rin namang istorbohin si Carlos tungkol dito, baka mamaya magkaroon pa siya ng bad impression kay Kei at baka hindi niya 'ko pabalikin sa Japan. Protective 'yon si Carlos. Oras na malaman niyang may nananakit sa'kin, physically o emotionally, sinusugod nyan. Si Santiago nga, nagawa niyang sugurin noon. Baka sugurin niya si Kei sa Japan kahit papilay-pilay pa siya at ayoko namang mangyari 'yon.

Kaya eto ako ngayon, nakahiga sa lapag habang kinakausap 'tong aso namin. " 'Di ko alam kung baliw o praning tatay mo, Keiyu. Ano sa tingin mo?" lumapit naman sa'kin si Keiyu at inihiga 'yung ulo niya sa balikat ko. Buti pa si Keiyu, mahal ako.

Gumalaw naman nang bahagya si Keiyu dahil nabasa siya siguro ng mga luha ko. 'Di ko alam na umiiyak na naman pala ako. Well, hindi lang naman kasi 'yung text 'yung dahilan ng pag-iyak ko.

A few hours after that text, I saw an article that was recently published with Rina and Kei's names in its title. Syempre, nandoon si Kei at 'yung ex niya, kaya tinignan ko agad 'yon. Oras na makita ko ang mga nilalaman ng article na 'yon, parang isa-isa akong binagsakan ng mga gumuguhong gusali sa sakit. Lalo na nung nakita ko 'yung mga picture na nandoon, lalong sumikip 'yung dibdib ko, 'yung puso ko, dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman ko. Sana nga 'di ko na lang tinignan 'yung article na 'yon.

I'd love to believe every word in that article is false but how? Saan ko ibabase 'yung katwiran ko kung wala naman akong ebidensya para suportahan ito?
With that, I'm really confused whether I should still love him or not. There are a lot of queries circling in my mind, but all of their answers is 'I don't know'.

Napatingin naman ako kay Keiyu nang marinig ko 'yung iyak niya. Aw, this little fella is doing the drama with me, how sweet. "There's no use in crying, is there?" I imagined him nod. Jeez, I think I'm getting a bit insane.

"Fine. Let's just sleep. Again." tumayo naman ako at dinala ang sarili ko at si Keiyu sa kama. Ilang minuto lang, nakatulog na agad ako.

***

Nakatulala lang ako sa labas ng bintana ng kotseng ito habang bumabyahe kami papunta sa airport. Masyado na 'kong nagtagal dito sa Pilipinas, kailangan ko nang bumalik sa Japan. Labag man sa nararamdaman ko, pero wala akong magagawa, nangako akong babalik ako at 'di ko ugaling sumira ng pangako.


A Trip to Japan (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon