Napasapo ako sa ulo ko nang maramdaman ko 'yung matinding sakit. Hayst, nalasing na naman ako. Naubos ko lahat ng beer na binili ko kagabi. Ganoon talaga kapag may pinagdadaanan, mapapainom ka talaga.Apparently, dito pa 'ko nakatulog sa tapat ng garden.
Tumayo na 'ko at tinignan ang oras sa phone ko. Alas dose na nang tanghali. Napahawak ako sa tyan ko nang makaramdam ako ng gutom. Tinignan ko 'yung ref kung may maluluto akong karne o kahit anong hindi instant dahil nakakasawa 'yung instant ramen. Napa-ismid ako nang makitang walang laman 'yung ref. Bibili na lang siguro ako sa labas.
Naghilamos na ako at nilinis ko 'yung mga kalat sa lapag na ginawa ko kahapon. Pagkatapos noon, pumunta akong 7-11 para bumili ng makakain. Bigla kasi akong nag-crave ng sushi.
Pagkapasok ko doon, dumiretso agad ako papunta sa frozen section. Nang kukunin ko na 'yung sushi, nahawakan ko 'yung kamay nung lalakeng dapat kukunin 'yon.
"Sumimasen." sabay naming sabi. Napatingala ako dahil sa tangkad niya na para bang player siya. I looked at him in the eye, and somehow his eyes looks familiar. His face was covered with a mask, but I clearly saw his eyes. He's really familiar but I can't tell who.
'Di ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya kaya umiwas ako ng tingin at kumuha ng isa pang pack ng sushi. Actually, I don't think convenience store sushis are qualified to be called sushi because of its quality.
Anyway, pina-check out ko na 'yung binili ko at bago ako lumabas, tinignan ko uli 'yung lalakeng iyon. Pamilyar siya sa akin pero 'di ko maalala kung sino. Nagiging makakalimutin na talaga ako. Napatingin ako muli sa mga singkit niyang mata, pero 'di ko na talaga maalala. Napa-iling na lang ako at umuwi na.
Pagkatapos kong kumain, dating gawi na naman ako. Humilata ako sa malambot na kama at binalot ang sarili ko sa kumot. Kakagising ko lang pero parang gusto ko na lang matulog uli, dahil para namang wala na rin namang importanteng mangyayari sa buhay ko.
Dahil wala akong magawa, kumuha ako ng nobela sa bag ko. Mahilig kasi akong magbasa ng libro, lalo na kapag Japanese 'yung author. Maganda at magaling rin kasi magsulat 'yung mga Japanese.
Isa sa mga paborito kong libro ay 'yung 'No Longer Human' ni Osamu Dazai. Actually, kung iisipin, halos pareho kami ni Dazai dahil ang pagsusulat niya sa librong ito ay suicidal. And guess what, the cause of his death is suicide. Parang ganoon lang din mangyayari sa'kin.
"Whenever I was asked what I wanted, my first impulse was to answer "Nothing". The thought went through my mind that it didn't make any difference, that nothing was going to make me happy."
While reading that text, I thought he's right. At this point of my life, nothing is going to make me happy. I don't want anything, except to bring back those lives that were lost. The lives of the people who used to made me happy, who were the source of my happiness.
Since randam na randam ko 'tong si Dazai, may his soul rest in peace, itinuloy ko lang ang pagbabasa ko para pampalipas oras.
"The weak fear happiness itself. They can harm themselves on cotton wool. Sometimes they are wounded even by happiness."
I guess he's right again. Feeling ko tuloy, weak akong tao. Pero baka totoo nga. Everytime I remember all our blissful memories with Mamu and Santiago, I just can't help but cry. Because in the end, I'll come to the realization where they won't come back anymore, no matter how hard I cry and pray to God.
'Di ko naman sinisisi sa Diyos 'yon. I hardly believe He or His miracles are real. If everything happens for a reason, bakit kailangang si Mamu ang may tuberculosis? Bakit si Santiago kailangang maaksidente? Ang daming katanungan sa isip ko na hindi masagot.
But in the end, all of those questions aren't important because sooner or later, I'll fade away from this world and meet them in the afterlife. I hardly believe there is heaven or hell too.
***
Naghanda na ako papunta sa Mount Fuji. 'Yung suicide forest or Aokigahara Forest ay malapit lang sa paanan ng Mount Fuji. I went therr by train. Eh ayoko ngang may malamang namatay ako kaya dito ako magpapakamatay.
Dahil hindi ako marunong magtali ng noose kahit sinubukan ko na, nagdala na lang ako ng mga ilang mga pills at tablets na nasa bahay at sabay-sabay 'yong inumin para happy-happy. 'Pag 'di pa 'yon umepek baka saksakin ko na lang sarili ko.
Bago ako makapunta sa forest, nadaanan ko muna 'yung parking lot na nasa tapat nito. Merong isang puting kotse dito na mukhang matagal nang nandito dahil sa dumi nito at kalat-kalat na gamit sa loob. I guess the owner of this car took his own life as well and he never came back. May he rest in peace.
Pinagpatuloy ko na ang paglalakad ko patungo sa forest at nakita ang dalawang pathway. Open itong Aokigahara forest for strolling and such. Pero may isang daanan na may harang na at may sign pa sa tapat nito. Since I don't read hiragana or kanji, I just guessed na warning ito. Mayroon ding plaka sa tabi nito na may hotline ng tumutulong sa mga mag-susuicide. This is the place. Dumaan naman ang malakas na hangin kaya napahinga ako nang malalim.
There's no turning back now.
Lumingon muna ako sa kanan at kaliwa ko at buti na lang wala masyadong tao. Hinakbangan ko na 'yung harang na tali lang naman at dali-daling naglakad doon. Ayoko kasing may makakita sa'kin at may makialam pa.
Nang medyo malayo-layo na ako sa pinanggalingan ko, inilabas ko ang plastic tape sa bag ko at tinali 'yon sa isang puno. Ganto rin ang ginagawa ng mga nagpapakamatay dito. Ginagawa nila ito in case na mag-back out sila at para na rin makabalik sa daan. Pero, most of the strings that were scattered around the ground are the proof that most of them didn't come back.
Itinuloy ko ang paglalakad ko papunta sa masukal na parte ng gubat. Habang palayo nang palayo ay nawawala 'yung pathway. Habang naglalakad ako, randam ko 'yung mga taong namatay dito, na para bang tinatawag din nila ako para gayahin 'yung ginawa nila. Medyo creepy, pero 'di naman ako takot sa multo.
Sa tingin ko nasa malayong parte ng gubat. Maraming puno sa paligid at kakaunting liwanag lang ang nakikita ko dahil nahaharangan ito ng mga makakapal na puno.
Pinagmasdan ko 'yung mga tali na nakakalat sa lapag. Ang dami nila, sa totoo lang. Napaisip tuloy ako kung ano 'yung mga dahilan nila kung bakit nila ginawa 'yon. One of the common reasons of suicide in Japan is their family. Well, I can't argue with that.
Lakad lang ako nang lakad nang may makita akong tent sa 'di kalayuan. May tao pa kaya doon?
BINABASA MO ANG
A Trip to Japan (Ongoing)
Novela JuvenilA Trip to Japan After all the tragedies that happened in Mayu's life, her world became dark. She lost her mother, her boyfriend, and most of all, she lost her happiness. She decided to go abroad, to escape this dark and cruel world, until she meets...