Chapter 12

9 0 0
                                    

Napahawak naman ako sa tyan ko dahil parang may nararamdaman akong kakaiba. Hindi dahil najejebs ako, kun'di parang nakikiliti ako sa loob ng tyan ko.
"Ayos ka lang?" tanong ni Keiji sa'kin at tumango ako.

"Sa Shinjuku pa 'yung store na gusto mong puntahan. So mga 20 minutes na roadtrip pa papunta doon. Tara." napatingin naman ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko habang hinihila ako papunta sa train station.

Gusto ko sanang tanggalin 'yung kamay niya, pero 'di ko magawa. Bakit ko ba siya pinapayagang gawin 'yon? Mga ilang lakad pa, nakarating na rin kami sa trainstation at sumakay na. Gan'on pa rin 'yung design ng train na 'to kaya magkatabi kami uli.

"So anong gusto mong breed ng aso?" tanong niya. "Akita. Tulad ng kay Hachi. Pero gusto ko rin 'yung malalaking aso like Siberian Husky." tumango-tango naman siya.

"Paano pag nakapulot ka ng Akita, aalagaan mo rin?" tanong niya pa ulit. "Oo naman no." saad ko habang nakangiti. Gustong gusto ko talaga mag-alaga ng aso.

"Walking distance lang 'yung shop mula dito." saad niya nang makarating kami sa Shinjuku. Ang daming mga building sa paligid. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa shop na iyon pero ngayon, 'di na nakahawak 'yung kamay niya sa'kin.

Tuwang-tuwa ako nang marating namin 'yung shop ng merch ng National Volleyball Team ng Japan. I was a fan since the Rio Olympics! Sadly, retired na 'yung mga seniors noon, pero fan pa rin naman ako ng mga baguhan ngayon.

Pumasok ako sa loob na parang bata at nag-ikot-ikot. Napakagat ako sa labi ko nang makita ko 'yung display ng jersey ni Ishikawa na may number 14 sa gitna at 'yung jersey ni Yanagida, two of my favorite players.

Agad akong naghanap ng size ng jersey para sa'kin sa isang rack. Kumuha ako ng dalawang medium sized na jersey at nilagay iyon sa basket ko. One of these would cost ¥30,000 yen which is approximately 15,000 pesos but who cares, I've brought money for this!

Sunod naman akong tumingin sa Shoes Section. Ang tagal ko nang gustong bumili ng Asics na ganitong model pero wala kasing gan'on sa Pinas at dito lang sa shop na 'yon mismo mabibili dahil exclusive lang talaga 'yung model na 'yun.

Nagpakuha ako sa salesclerk ng V Swift at Sky elite na size ko at tsaka na 'ko nagcheck-out. Oh and, each one costs ¥15,000 yen. Tinignan ko naman si Kentaro na naka-upo lang sa tabi habang nakatingin sa'kin sa may counter. "What?" I mouthed. Tas' binelatan niya lang ako. Siraulo talaga.

"Maybe if you pleased me, I'll offer my jersey for free." he said while looking at the paper bags I'm holding. I was a bit shocked when he took all of them. Lumabas na kami ng shop at nagsimulang maglakad pabalik.

"Keep your jersey to yourself." sagot ko sa kanya at binelatan ko siya. Again, he showed me his sad face with a little pout. 'Di ko alam kung bakit nagiging concerned na 'ko everytime I see that face.

"Joke lang. Gusto ko may sign ah." biro ko sa kanya at kinindatan pa siya. Bigla namang sumaya uli 'yung mukha niya. I guess, nasa lahi na niya talaga maging bipolar.

" 'Pag nag-retire ako." sagot niya at napanguso ako. " 'Wag muna oi." pigil ko sa kanya. Nakakalungkot talaga para sa'kin na nag-reretire 'yung mga paborito kong players. Pero wait! 'Di ko naman siya favorite ah?! Ang gulo ng isip ko. Pero isa rin naman siya sa mga dahilan kung bakit nakaka-score ang Japan though.

"Ikaw talaga ayaw mo pang umamin. Fan talaga kita eh 'no?" ngumiti siya habang ginugulo ang buhok ko. Gusto ko sanang isumbat sa kanya kung gaano katagal at kahirap ayusin 'yung buhok ko pero 'wag na lang pala.

Napa-angat naman ako ng tingin ng may maramdamang tumulo sa balat ko. Napa-iling na lang ako nang mapagtanto ko kung ano 'yun. "It's raining. Tara." this time, ako naman ang humawak sa kamay niya at hinila siya papunta sa isang building para sumilong.

"May payong ka?" tanong niya sa'kin at umiling ako bilang sagot. Lagi ko talagang nakakalimutan 'yung payong ko. Napanguso naman ako nang lumakas pa 'yung ulan. Hays, malas. "Meron akong payong pero, hintayin muna nating tumila." sagot niya.

"Hey, don't be upset. You had fun today, right? It's just rain." 'di ko alam kung bakit naging gan'on ang pakiramdam ng tyan ko nang makita ko 'yung ngiti niya. Ano ba talaga 'tong nararamdaman ko?
Tumango na lang ako sa kanya dahil wala akong maisip na sagot.

I can't believe I'm saying this but, he's right, I had fun. I'm having fun. With him. Sa tagal kong naging depressed, ngayon na lang ako ulit naging ganito kasaya, at 'di ko in-expect na kasama pa siya. Napangiti na lang ako sa sarili ko dahil sa naiisip ko. Siguro nga nababaliw na rin ako.

Halos kalahating oras na ang nakaraan pero 'di pa rin magbabago ang itsura ng langit. Malakas pa rin 'yung ulan. Buti na lang at elevated itong tinatapakan namin at 'di kami inaabot ng baha. Oo, bumabaha na.

Medyo nakakangalay na rin at kanina pa kami nakatayo dito kaya napa-indian sit na lang muna kami. 'Di naman kaming pwedeng pumasok sa loob ng building na nasa likuran namin dahil sarado ito kaya nasa labas kami.

"Mukhang 'di pa titigil 'yung ulan. Tatawagan ko na lang si Lee para sunduin tayo dito. Okay lang sa'yo?" tumango ako bilang sagot. Wala na kaming choice ngayon kaya kailangan naming magpasundo. Bakit kaya umulan nang ganito kalakas?

Tinawagan na ni Keiji si Lee para masundo kami. Si Lee 'yung ka-teammate niya at kaibigan niya din. Hindi lang 'yon, miyembro rin siya ng National Team at ng Toray Arrows.

"He'll be here soon." ngumiti naman siya sa'kin na ikinagaan ng loob ko. Ilang minuto pa ang nakaraan at may kotseng tumigil sa harap namin na may isang lalake sa loob.

"Don't worry, mababait lahat ng taga-Toray." napansin niya siguro na 'di ako mapalagay dahil puro lalake ang kasama ko. Kinuha naman ni Lee 'yung mga paper bag na hawak ni Keiji at pinasok 'yon sa kotse.

Napatingin naman ako sa aapakan ko. Apparently, naka-rubber shoes ako at 'yung aapakan ko at baha. "What? Oh." nagulat naman ako nang bigla akong buhatin ni Keiji papunta sa kotse. Wala na 'kong nagawa dahil pag pumiglas ako sa baha ako babagsak.

"Jikai dēto suru toki wa -sha o motte kite. (you should bring a car next time you date.)" bungad ni Lee nang makapasok si Keiji sa kotse. Sumama naman ang tingin niya kay Lee "Iie! (No)"

Natawa naman si Lee sa reaksyon ni Keiji. Samantalang ako, ramdam ko 'yung pag-iinit ng mukha ko. Sabi na nga ba, pagkakamalan talaga kaming nag-ddate. Buti na lang at mag-isa lang si Lee ngayon, kun'di baka ma-tsismis si Keiji nang wala sa oras.

Yeah, I definitely understand what they said, based sa reaction ni Keiji and sa reply niyang 'chigai' na naintindihan ko rin. I guess, kung ma-memeet ko rin 'yung ibang members ng Toray, baka ganon din 'yung isipin.

Nang maka-get over na sila, binuksan niya na 'yung kotse. "Ikuyo." saad ni Lee at hinatid kami pauwi.

A Trip to Japan (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon