Chapter 17

8 0 0
                                    

Nagising naman ako nang may maramdaman akong basa sa mukha ko. Ang aga-aga, kinukulit ako ng mga alaga ko.

"Ohayou, Keiyu, Keichan." saad ko at niyakap silang dalawa. Napatakip naman ako sa ilong ko nang may maamoy akong 'di maganda. Binaba ko muna 'yung mga aso para hanapin 'yon.

'Yun lang. Masayang magkaroon ng aso pero, may mga disadvantages din tulad ng mga ebaks nila. Hinanap ko naman 'yung ebaks na 'yon pero may kumatok naman sa labas habang tinatawag 'yung gawa-gawa niyang nickname ko.

Nagsasalita na pala 'yung mga ebaks ngayon?

Pinagbuksan ko naman siya ng pinto. "Ohayo." inunahan ko na siya at pinapasok siya sa bahay namin.

"Woof! Woof!" tinahulan naman ni Keiyu at Keichan si Kei. Napatawa naman ako I could actually call them as KKK kasi nga KeiKeiKei. Ay corny.

"Ako 'yung daddy mo 'tas tinatahulan mo 'ko? Bad 'yon, Keiyu." what the? Daddy? Anak ko si Keiyu! Akin si Keiyu! Ako lang magulang ni Keiyu!!

"Daddy ka dyan. Sino may sabing ikaw 'yung tatay niyan?" nakapamewang kong tanong sa kanya.

"Ako. Kakasabi ko lang kanina." sarkastiko niyang sabi. Lumapit naman agad ako sa kanya at binatukan siya bago siya makailag.

"Ano palang pangalan ni panda?" tanong niya at binuhat naman niya si Keichan Jr.. Hindi ko pa nasasagot 'yung tawa niya, humalakhak na 'ko nang bongga.

"Basta usapan 'wag ka magagalit ah?" pangongondisyon ko muna bago ko sabihin sa kanya.

"Oo na. Ano nga?" tanong niya pa ulit.

"Keichan Junior. HAHAHAHAHA!" sagot ko at tumawa na naman. Napahawak naman ako sa tyan ko sa sobrang tawa.

"Edi anak ko nga 'yan. 'Lika dito Keichan Junior. Mahal na mahal talaga ako ng nanay mo kaya Keichan pinangalan sa'yo eh 'no?" saad niya habang dinuduyan 'yung aso sa kamay niya.

Mukhang tuwang-tuwa naman 'yung aso sa tatay niya habang nasa braso niya. So ano, trayduran na? Pagkatapos ng lahat ng pinagsamahan natin, Keichan?! Joke.

"Asa ka. Dahil tatay ka nyan, linisin mo 'yung ebaks niya. Sa tabi ng garden." napasimangot naman si Kei. Responsibilidad niya 'yon eh. Syempre, tatay daw siya 'di ba?

"So ibig sabihin, asawa kita? Sabi ko na eh! Umamin ka na kasi Mayu-chaaan!" babatukan ko na sana siya kaso agad siya napatakbo para umilag.

"Umamin ka na kasi, promise, 'di kita papaasahin." dahil sa sinabi niya agad naman akong napatayo para habulin siya.

Sakto namang pagkaatras niya, naapakan niya nang buong buo 'yung ebaks ng anak niya. "HAHAHAHA!" Todo tawa naman ako habang nakahiga sa lapag.

Sinimangutan lang ako ni Kei pero tawa pa rin ako nang tawa. Nagkataon naman na malambot 'yung ebaks kaya lasap na lasap ng talampakan niya.

Napatigil naman ako sa paghalakhak nang tumingin siya sa'kin habang nakangisi. Uh oh.

"Keiji 'waaaaaag!" sigaw ko at napatayo ako dahil nilalapit niya sa'kin 'yung paa niyang madumi. Todo iwas naman ako kasi, sino ba namang gustong mapahiran ng tae 'di ba.

"Joke lang Kei-chan!! Tama naaa!" saad ko habang paatras nang paatras habang papalapit siya nang papalapit sa'kin habang humahakbang sa isang paa.

Pero ang laking tanga ko rin nang ma-realize kong dalawa 'yung aso kaya dalawa rin 'yung ebaks. Bwiset!

"HAHAHAHA!" tawa ni Kei na sobrang lakas habang nakahiga na sa lapag. Ah, so sinadya niya 'yon?

"Halika dito bwiset ka!!" sumbat ko sabay lakad sa kanya gamit ang isang paa habang nakatapat sa kanya 'yung madumi kong paa.

"Ayoko na!! Hahahaha!" aapakan ko na sana siya nang hawakan niya 'yung paa ko kaya nasa kamay niya na 'yung dumi.

"HAHAHAHAHA!" ako naman 'yung tumawa nang bongga. Napakagaling ko talaga. Sinimangutan na lang niya ako at dumiretso sa cr namin.

***

"Hanggang ngayon, naaamoy ko pa rin 'yung ebaks nila KK." saad niya habang nakasimangot pa rin.

Nalinis na namin 'yung mga ebaks sa lapag at sa mga paa namin. Nakakaasar lang, umagang-umaga makakaapak ka ng ebaks.

"Oo nga eh, amoy ikaw." sagot ko Kei at mas lalo naman siyang sumimangot.

"Magkape ka na lang." saad niya at binigay sa'kin 'yung baso ng kape. Wait, so seryoso talaga siya doon? Hanggang ngayon naaalala pa niya rin 'yon? Well, wala pa namang dalawang linggo noong nagkita kami eh.

"Kei-chan, bakit ka pala napadpad sa Toray?" I was suddenly just curious.

Gusto kong malaman kung bakit sa Toray siya sumali when there are a lot of better choices, like Panasonic Panthers, or JTekt Stings.

"For me, Toray is a family. Ever since na sumali ako doon, I thought, masaya sa team na 'to, masaya kasama 'yung mga teammates ko. Season 2017, we won the Vleague. Hindi ako lumipat ng club kahit inalok ako ng Panasonic. Because I know sooner or later, we will reclaim the throne." kuwento niya sabay ngiti sa'kin.

I like what he said about Toray being a family and how he chose the team for his happiness. Since I'm with Toray now, naniniwala akong kaya nilang bawiin 'yung trono mula sa Panasonic Panthers, the current reigning champions.

"And since you're our manager now, you're part of our family." napangiti naman ako sa sinabi niya. I think, masaya siguro makasama sa fam nila.

***

Kakatapos lang ng training ng Toray ngayon. Bukas na 'yung game nila versus Sakai Blazers. Halos pantay lang naman ang stats ng Toray at Sakai, pero kailangang panalunin ng Toray lahat ng laban nila para mabawi 'yung trono.

"Mauna na ako sa locker room ah." saad niya at dumiretso sa locker room nila para magbihis.

Naglakad naman ako papunta sa main court. Nang medyo malapit na 'ko, napansin kong medyo tahimik 'yung paligid. Supposedly, dapat maingay dahil maiingay 'yung mga taga-Toray, katulad ni Kei.

Napatigil naman ako dahil sa nakita ko nang makarating ako sa main court.

"Surprise! Welcome to the Toray Fam, Mayu-san!" saad nila nang sabay-sabay. 'Di ko naman mapigilang ngumiti dahil napaka-welcoming nila.

"Welcome to the Family, Mayu-san. Here's your Toray uniform." saad ni coach Ayu at inabot sa'kin 'yung poloshirt na royal blue at may tatak ng Toray. It means I'm officially one of them.

"Omedetou gozaimasu! (Congrats!)" saad nila uli nang sabay-sabay. I can say na unti-unti nang bumabalik 'yung saya ko dahil sa mga bagong taong nakikilala ko dito.

"Domo arigatou, minna! I'll make sure I'll work hard so that we'll win this season!" natawa naman ako sa reaksyon nila dahil English 'yung sinabi ko.

Well, hindi lahat ng Japanese nakakaintindi ng English katulad ni Kei kaya agad niyang trinanslate 'yung sinabi ko. Kailan pa siya napunta rito? Oo nga pala, abnormal pala siya, kaya niyang magteleport.

"Otsukare (Good work). Tomorrow, we will win against Sakai Blazers. Huddle up." lahat naman kami ay bumuo ng bilog sa gitna ng court.

Inilahad namin 'yung sarado naming kamao sa gitna at sabay-sabay na nagcheer.

"WE ARE-" saad ng captain.

"ARROWS!" at sabay-sabay itinaas namin 'yung mga kamay namin.

All I can say is that, I'm glad I found this new family.




A Trip to Japan (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon