Nagpatuloy na akong maglakad hanggang sa makalabas ako sa gymnasium. Si Keiji? Ayon, 'di makaraos sa pinaroroonan niya dahil sa ginawa ko. Aish, ang harot ko rin kasi eh 'no?
Nang makapasok ako sa bus namin, nagpalakpakan na naman ang mga siraulo. "Yamerou. (stop it)" pabiro kong sabi sa kanila at sinuklian nila ako ng tawa.
"Manager-san!" napatingin naman ako kay Hiro nang tawagin niya ako. As usual, meron siya lagi ng nangangasar na tingin.
"After you," saad niya sabay muestra ng kamay niya sa upuan na nasa tapat ng bintana.
Kinuha naman sa'kin ni Hiro 'yung bag ko at inilagay sa itaas na parte ng bus. Umupo naman ako sa upuan na nasa tabi ng bintana at umupo rin siya sa tabi ko. Panigurado mang-tsitsismis 'to si Hiro.
"Nakita ko 'yon ah." what? Nakita niya rin 'yon? Eh nauna na sila maglakad kaysa sa'min ah?
"Ang dami mong mata, Hiro." sagot ko na ikina-amaze ng mukha niya at saka tumawa.
"So may part two? May nangyari ulit?" wait, he was just bluffing?! Aish, mapipilitan tuloy akong sabihin sa kanya 'yung part two. Charot lang, pride ko ang nakasalalay dito 'no.
"Wala." sumimangot naman sa'kin si Hiro. Napailing na lang ako.
"He's here!!" sabi ni Lee kay Hiro na para bang excited siya. Tinignan ko naman kung sino 'yung paparating at si Keiji lang pala 'yon.
"Eto... Mayu-chan ga doko de? (Where's Mayu-chan?)" tanong ni Kei habang pinapalibot ang mata niya sa bus.
"Osu. (Hey)" maikli kong sabi at tinaas pa ang kamay ko para makita niya 'ko. Nanlaki naman 'yung mga mata niya nang makita niyang katabi ko si Hiro.
"Hindi siya dyan nakaupo kanina, Hiro." saad ni Keiji sa madilim na tono habang nakatingin nang seryoso kay Hiro. Aish, is he really going to make a big deal about this?
"So what? May pangalan ba 'yung mga upuan?" tanong ni Hiro habang minamatahan din si Keiji.
"You're sitting with me, baka (idiot)." napatingin naman si Kei kay Lee nang may pagtutol. Hay nako, inaasar na naman ng dalawang 'to si Keiji eh.
"Demo—(but)" tutol ni Keiji ngunit pinaupo na siya ni Lee sa kabilang upuan at umupo naman sa tabi nito si Lee para harangan siya.
"Don't you want to sit with me, Keiji?" tanong ni Lee habang patawa-tawa.
"Yeah, don't you want to sit with Lee?" dugtong pa ni Hiro na mukhang natutuwang asarin si Keiji.
"I don't want to!" buwelta ni Keiji habang pilit na umaalis sa upuan niya ngunit hinarang naman ni Lee 'yung paa niya.
"Bakit? Gusto mo katabi si Mayu-chan?" tanong ni Hiro nang may pangangasar sa tono. Mas lalo namang dumilim ang ekspresyon ni Keiji.
'Pag napuno 'yan si Keiji, bahala kayong magsuntukan ah, basta ang usapan wala ako dyan. Bahala kayong ayusin 'yan.
Gusto ko sanang sabihin 'yon, kaso ayoko rin namang magkaron ng suntukan 'tong tatlong 'to nang dahil sa'kin. May kasalanan din naman ako kasi ako 'yung dahilan kung bakit naba-badtrip 'to si Keiji. Aish, ang possessive naman neto, 'di pa nga kami eh. Ay bakit ang harot ko?
"Oi. Yamerou. Coach is coming." sabi ko sabay turo sa bintana kung nasaan si Coach.
"Also, chill ka lang Kei, magkikita pa rin naman tayo pagkatapos neto." I told Kei, to somehow cool his nerves. Kung maka-akto naman kasi to si Kei, akala mo sindikato 'tong katabi ko. Napaupo na lang si Kei sa upuan niya.
BINABASA MO ANG
A Trip to Japan (Ongoing)
Teen FictionA Trip to Japan After all the tragedies that happened in Mayu's life, her world became dark. She lost her mother, her boyfriend, and most of all, she lost her happiness. She decided to go abroad, to escape this dark and cruel world, until she meets...
