"Wews, wala ka nang ibang line? Magsalita ka naman. 'Yung mas mahaba pa sa sinasabi ko. Magkwento ka ganon. Makikinig ako." napatingin ako nang wala sa oras sa labi niya. Ano bang trip ng lalaking 'to at laging nakangiti? Biglang sumagi sa isip ko tuloy na baka nagpapanggap lang siya na masaya siya.
"Wala akong magandang kwento sa buhay." saad ko nang walang gana. Totoo naman kasi 'yung sinabi ko. Wala na talagang magandang nangyayari sa buhay ko na tatatak sa puso ko habang buhay dahil wala na sila.
"Kahit anong kwento na lang. Like, sa mga librong binabasa mo." what? Paano niya nalamang mahilig ako sa libro? Telepathic rin yata siya eh o baka mamaya sino-stalk na 'ko neto.
"Paano mo nalaman?" tanong ko.
"Meron akong nakita na libro sa bag mo kahapon." napatango-tango ako sa sagot niya. Akala ko naman stalker ko na siya eh. Well, technically sinundan niya ko kahapon mula sa convenience store which is a way of stalking.
"Binabasa ko 'yung libro ni Osamu Dazai na No Longer Human. For sure kilala mo 'yun. Kung buhay pa si Dazai, ako 'yung magiging lover niya na kasama niyang mag-suicide." pag-kukwento ko sa kanya. Dazai died by suicide with a lover. Kung aayain ako ni Dazai na magpakamatay, sasama ako sa kanya kasi why not 'di ba?
"Hayst, wala na bang ibang tumatakbo sa utak mo kun'di tapusin 'yung buhay mo? Atleast nga nakasama mo sila kahit panandalian lang pero 'yung mga alaala at pagmamahal mo sa kanila, habang buhay mo 'yun dadalhin. Kaya mabuhay ka. Hindi porket wala na sila, kailangang mawala ka na rin." wow, siraulo 'tong lalaking 'to pero biglang lumalalim ng pagsasalita nang wala sa oras para sermonan ako.
Pero napaisip ako, mukhang may pinanghuhugutan siya. "May hugot ka yata sa sinabi mo?" tanong ko dahil gusto kong malaman 'yung kwento niya. Hay, kailan pa 'ko naging tsismosa?
"Remember that time when you asked me if anyone is looking for me? I dodged that question right? Well, my parents died when I was 4. My Dad died because of cancer then 3 months after, my Mom took her own life because of depression. Then, when my sister was 14, she took her life as well." ang babaw ko yata at naiyak na naman ako sa kwento niya.
Mas masakit pa pala 'yung nararamdaman niya kaysa sa'kin. Pareho kami na may dinaramdam na sakit na hindi makalimutan. Pero, paano naman nagawa ng lalaking ito na ngumiti nang malawak kahit wala na 'yung mga taong mahal niya sa buhay? Baka tama nga akong nag-papanggap lang siyang masaya?
"Hey, it's alright. I moved on. I thought of suicide too, y'know. But I realized it isn't an option to end the pain. Kaya, sinubukan kong hanapin 'yung rason para mabuhay and I did. Nandyan pa sina Ojiichan and Obaachan, 'yung mga teammates ko, 'yung mga kaibigan ko. You see, sometimes the bad ending is just a beginning of a new chapter. And you should always remember that you're not alone in this world."
Napa-isip ako sa sinabi niya. Napakalalim n'on sa totoo lang.
"Sometimes the bad ending is just the beginning of a new chapter."
Magkakaroon ba talaga ng bagong kabanata 'yung buhay ko pagkatapos ng lahat ng trahedyang iyon? Pero, paano? Magiging masaya o malungkot ba 'tong bagong kabanata? Hindi ko alam. Tadhana lang ang makakapagsabi.
Wala akong naisip na isagot sa kanya kaya nilagok ko na lang 'yung kape na binigay niya sa'kin at inubos ito.
***
Alas kuwatro y media na ngayon at hanggang ngayon, wala pa rin akong naiisip na pwedeng suotin. Confirmed talaga na pupunta ako dahil sa pinky promise kuno niya na mahirap pakuin. Kaya ayon, parang napipilitan tuloy ako.
Mga ilang buwan na rin ang nakalipas simula nung gumala ako kaya 'di ko alam 'kung anong dapat kong suot ngayon. At hindi ko rin alam kung bakit ko pinaghahandaan 'to. Nakakahiya naman siguro kung mukha akong haggard sa harap ni Takahashi 'no? Ang pogi kaya ng mokong na 'yon. Ay, anong sabi ko?
Binuklat ko ang maleta ko na nakatambak lang sa gilid-gilid. Naghanap ako ng pwedeng suotin. Ayoko ng masyadong girly kaya ang ending, napili ko 'yung oversized na t-shirt, oversized na pantalon at flannel. Maporma talaga akong tao noon kaya ang dami kong kemerut sa damit.
Pero kahit ganoon, 'di ako marunong mag-make-up. I mean, para saan pa? Face powder at liptint lang, pwede na. Saktong kapal lang naman 'yung kilay ko at marunong ako mag-ahit nito kaya 'di na kailangang guhitan. Dahil mahilig ako sa pabango, pinaligo ko 'to sa aking sarili— joke lang. Nag-spray lang ako nang kaunti.
Pagkatapos kong ayusin 'yung sarili ko, tinignan ko ang sarili ko. Shet, ang chaka kong tignan—joke lang ulit. 'Di ko makilala sarili ko, mukha akong 'di depressed at suicidal. Pero okay na din. Kinuha ko 'yung salamin ko at sinuot ito. 'Di ko pa ba nabanggit na malabo mata ko? Well, konti lang naman. Ginagamit ko lang 'to 'pag lumalabas ako. Sinuklayan ko 'yung maikli kong buhok pati na rin 'yung natripan kong bangs ko na pinaayos sa David's Salon. At voila, tapos na ako.
5:40 na kaya naisipan kong gumayak na. Nakakahiya naman kung late ako sa meetup namin na may pa-pinky promise pang nalalaman. Naglakad lang ako papunta doon dahil tulad nga ng sinabi ko, walking distance lang iyon. Nang makarating ako doon, tumambay muna ako sa gilid para hintayin siya. 5:55 pm na, siguro papunta na 'yon.
Ilang sandali pa ang nakaraan pero wala pa rin akong nakikitang higanteng pogi— ay joke, oo na gwapo nga kasi siya. Siguro baka natagalan lang 'yon sa training nila o may extension pa 'yung coach nila.
Dahil medyo natatagalan na ako, tinext ko na siya ng: "Nandito na ako. Saan ka na?". Naghintay ako ng mga ilang minuto at wala pa rin siyang sagot. Siguro nga nag-ttraining 'yon. Nang makaraan ang 15 minuto, nag-vibrate na ang cellphone ko, senyales na may nagtext.
Mayu-chan! Sorry, mukhang 'di tuloy ngayon. Paparusahan yata ako ni coach kasi nga wala ako kahapon 'di ba? Sorry talaga. I hope you understand. Gomen :(
Siguro sinabi niya sa'kin na wala silang training kahapon para pagtripan ako o 'di kaya para 'di ako mag-alala. 'Di ko alam pero medyo nanghinayang ako nang makita ko 'yung text niya. Inaasahan ko pa naman kasi na magkikita kami lalo na't may promise kuno pa 'yon. Pero, wala naman akong magagawa kasi career niya 'yon.
Umuwi na lang ako sa bahay para mag-movie marathon mag-isa. Manonood ako ng Your Name. Isa kasi 'yun sa mga paborito kong anime. 'Di nga ako maka-move on doon sa totoo lang. Masyado kasing mababaw 'yung mga luha ko pagdating sa ganyan.
Naiyak na naman ako sa part na nagkita sina Mitsuha at Taki sa netherworld. Nakakaiyak kasi 'yun 'yung unang beses na nagkita sila na kilala na nila 'yung isa't-isa. Nung una kasi, 'di pa kilala ni Taki si Mitsuha noong pumunta siya sa Tokyo para bisitahin si Taki dahil may misconnection sa taon kung kailan sila nabubuhay.
Sunod namang papanoorin ko ay 'yung Weathering With You na si Makoto Shinkai din ang gumawa. Pero bago ako magsimula manood, nagpakulo na naman ako ng instant noodles dahil tinatamad akong magluto ng kung ano.
Muli na naman akong naiyak sa pelikulang pinapanood ko. Nakakaiyak kasi 'yung part na ginawa ni Hodaka ang lahat para makita uli si Hina. At 'yung sinabi niya na: "I want you more than any blue skies." hashtag, sana ol.
'Di ko na namalayan 'yung oras at alas onse na pala nang gabi. Pagkatapos kong manood ng Weathering With You, saktong may narinig akong kumakatok sa labas. Sino naman kaya pupunta sa bahay namin ng dis-oras nang gabi?
Kinuha ko ang pocket knife ko at nilagay ko ito sa bulsa ko in case na masamang tao ang makakaharap ko sa labas ng pinto. Nakailang ulit pa 'yung katok bago ko ito binuksan nang dahan-dahan.
Napa-awang 'yung labi ko nang wala sa oras dahil sa taong nasa harap ko ngayon.
"What are you doing here, Takahashi-san?!"
***
BINABASA MO ANG
A Trip to Japan (Ongoing)
Dla nastolatkówA Trip to Japan After all the tragedies that happened in Mayu's life, her world became dark. She lost her mother, her boyfriend, and most of all, she lost her happiness. She decided to go abroad, to escape this dark and cruel world, until she meets...