***
Pagkatapos naming mag-lunch sa bahay nila Keiji, naghanda na kami para umalis. Ang bait ng lolo at lola ni Keiji. 'Di ko kasi naranasan 'yun dahil 'yung mga lola't lola ko, namatay nang maaga, pero parang naramdaman ko 'yun sa kanila.
Lumabas na ako ng bahay namin at balak ko sanang hintayin si Keiji kaso paglabas ko, nandyan na siya. "Ikuyo. (let's go.)" saad niya at nagsimula kaming maglakad papunta sa train station.
Nang makarating kami doon, nilibre pa 'ko ni Keiji ng pamasahe dahil dalawang beses niyang tinap ang card niya. Iba ang design ng train na 'to at magkakatabi 'yung upuan na para bang bus pero mas malawak nang konti kaya imbis na magkaharap kami, magkatabi kaming nakaupo ngayon.
"Where's our first stop?" tanong ko para mabasag ang katahimikan. "Shibuya station, Hachiko's monument." napatango na lang ako sa sagot niya. Kahit papaano, nakaramdam ako nang excitement na mag-roundtrip dito sa Japan dahil first time ko pa lang ito. Plus, ever since I was a kid, I always dreamed of going to Japan one day. And here I am, with this guy.
"Mahilig ka sa aso?" tanong niya. Tumango ako nang paulit-ulit bilang sagot. Mahilig ako sa aso simula pa nung bata ako. I've always think they are the best true friends in the world. Lalo pa akong nahilig sa aso nung napanood ko 'yung Hachiko.
"Gusto ko sana mag-alaga ng aso, kaso may allergy si Mamu sa fur kaya hindi pwede." nalungkot ako sa naisip kong 'yon. Naalala ko na naman nung bata ako na iniyakan ko sila Mamu kasi ayaw akong bigyan ng aso.
"How about you?" tanong ko. "Actually gusto ko rin ng aso. Pero walang mag-aalaga kasi lagi naman akong wala sa bahay, plus ayoko nang abalahin si Obaa and Ojii." I guess he really loves his grandparents that he sacrificed his own wants for them. Atleast that's a good thing about him.
"Alam mo, nung bata ako, iyak ako nang iyak kela Mamu kasi 'di ako pwedeng magkaron ng aso." kwento ko sa kanya. Natawa naman ako sa sarili ko dahil sa sobrang kaartehan ko noon. Pero mahilig talaga ako sa aso kasi ang cute nila tsaka malambing din.
"Pa'nong iyak?" napairap naman ako sa tanong niya. Pati ba naman siya nahawa n'un? "Joke lang. Pero gusto mo nga ng aso?" tanong niya. Tumango ako nang paulit-ulit at nginitian niya lang ako.
"We're here." ilang minuto pa ang nakaraan at nakarating rin kami sa Shibuya Station. Agad akong napatakbo,palabas at hinanap ang monument ni Hachi at nakita ko iyon kung saan siya laging naghihintay para sa amo niya.
Agad kong nilapitan ito at sumunod na lang sa'kin si Keiji. 'Di ko mapigilan sarili ko dahil sa sobrang amusement at niyakap ko ito as if na buhay ito. Gawa siya sa bronze kaya malamig siya pero niyakap ko pa din ito. Naaalala ko na naman 'yung kwento niya.
Nang makita ko si Kei nakatayo lang siya d'on at parang natatawa pa. Eh bakit ba, ngayon ko lang naman nakita si Hachi ah! Napatingin naman ako sa hawak niya at tsaka ko napagtanto kung bakit siya tumatawa. Kanina niya pa 'ko pinipicturan.
"Epal." I mouthed to him at tawa lang ang naisagot niya sa'kin. Lumapit siya sa kinatatayuan ko at binuksan ang camera ng phone niya. "Smile ka ah? 1, 3!" bago pa 'ko makapag-ayos ay pinindot niya na 'yung camera. Ang bobo kasi magbilang!
"Delete mo 'yan!!" halos pasigaw kong reklamo habang pilit na inaabot 'yung phone niya pero dahil dalawang metro yung tangkad niya, hindi ko man lang naabot 'yung kalahati ng braso niya. Bwiset kasi bakit ba napakatangkad niya?
"Ayoko nga!" sagot niya at binelatan pa 'ko. Dahil wala na akong ibang paraan, sinuntok ko 'yung tyan niya at napaaray siya sa sakit pero 'di niya pa rin binibitawan 'yung phone niya. Pilit ko 'yong inaagaw sa kanya habang namimilipit siya sa sakit at dahil doon, nagtagumpay ako.
Agad kong binuksan 'yung phone niya at napa-ismid ako nang makita na may password ito. Bakit hindi ko 'yun inisip ano? "Tsk. Bahala na nga." saad ko at naglakad na papalayo. Napatayo naman agad siya at sinubukang habulin ako.
Pero bago niya pa ako maabutan, tumakbo agad ako sa pedestrian crossing dito sa Shibuya na mas kilala sa tawag na 'The Scramble'. Tinignan ko,siya sa likod ko kung hinahabol niya pa 'ko pero 'di ko siya makita sa dami ng tao.
Pero may nakita akong higanteng dalawang metro yung tangkad kaya kumaripas na naman ako ng takbo. Narating ko 'yung dulo ng lane na dinaanan ko at sakto namang papalapit na siya sa'kin.
Tatakbo na ulit dapat ako kaso hinawakan niya 'yung pulsuhan ko. "Teka lang. Sorry na nga eh." 'di ko alam kung bakit parang nakaramdam ako ng kuryente. Agad ko namang tinanggal 'yung paghawak niya sa kamay ko.
"Libre na lang kita. Tara!" hinawakan niya ulit 'yung kamay ko at hinila ako papunta sa kung saan. Pagkatapos niya 'kong kaladkarin, nakarating kami sa isang stall.
"Futari. (two)" ngumiti naman sa kanya 'yung tindero at binawian rin siya ni Keiji. Siguro suki siya dito.
Naglagay naman 'yung tindero ng dalawang parang tinapay na hugis isda sa tig-isang paper bag. Inabot niya naman sa'kin 'yung isa.
"Try it. It's called Taiyaku. Masarap 'yan, promise." mukha namang appealing 'yung pagkain kaya kinagatan ko na ito. Napakagat pa 'ko ng isa dahil sa sarap nito. Tinapay siya na may maraming chocolate sa loob.
"And this one's cheese." inabot niya sa'kin 'yung isa pa at tinikman ko ito. Masarap din ito tulad ng chocolate. Napa-thumbs up naman ako sa tindero at nginitian niya lang ako.
"Sunod tayong pupunta sa malapit na ice cream shop dito." nang maubos namin 'yung kinakain namin, naramdaman ko na naman 'yung kamay niya sa kamay ko at kinaladkad na naman ako papunta sa shop na sinasabi niya.
Nang makarating kami doon, kapansin-pansin 'yung poster sa labas nito na ice cream na mas mahaba kumpara sa normal na ice cream. Pumasok naman kami sa loob at siya na 'yung nag-order.
Nang makarating 'yung order namin, bahagya akong nagulat nang makita ko ito sa personal. 'Pag nasa Japan ka talaga, expectations meets reality. Katulad na katulad niya 'yung nasa poster. Tinikman ko naman 'yung ice cream dito. Ito na yata 'yung pinaka-masarap na ice cream na natikman ko.
" 'Di ka na galit nyan?" napahawak ako sa baba ko na kunwaring nag-iisip. "Medyo hindi na." sa una, nagulat ako nung parang tanga siyang nag-cecelebrate pero, napangiti na lang din ako. Baliw talaga 'to eh.
BINABASA MO ANG
A Trip to Japan (Ongoing)
Novela JuvenilA Trip to Japan After all the tragedies that happened in Mayu's life, her world became dark. She lost her mother, her boyfriend, and most of all, she lost her happiness. She decided to go abroad, to escape this dark and cruel world, until she meets...