Chapter 25

7 0 0
                                    

"Dad." tawag ko sa lalaking komportableng naka-upo sa kinauupuan niya.

I can't believe he's here. Why did he bother to look for me? I don't even think I'm worth a single penny to this man. He's my 'dad' but, not entirely.

"Anak, umuwi na tayo." kalmadong sabi niya.

"Huwag mo 'kong tawaging anak. Walang totoong tatay na gustong itakwil 'yung anak nila." matigas kong tugon sa kanya.

Nag-iba naman 'yung ekspresyon niya dahil sa sinabi ko.

"You just think of me as a responsibility. Na-oobligado ka lang na sustentuhan at alagaan ako dahil kay Mamu, hindi dahil 'yon ang intensyon mo." sagot ko.

'Di ko na namalayang napapaluha na pala ako habang bumabalik na naman sa'kin ang mga alaala ng nakaraan ko. Ang mga dahilan kung bakit 'di na dapat ako mabuhay sa mundong ito.

"Bakit ba napakatigas ng ulo mo?! I went all the way here in Japan just to bring you home!" galit na sabi niya. Parang sinasabi niya lang na napilitan siyang pumunta dito para pauwiin ako.

Kinuha ko naman 'yung mga gamit ko at nilagay ko ito sa maleta ko. Nilagay ko na rin sila Keiyu at Keichan sa cage nila. I'm leaving this place.

I can't spend another minute with that horrible man. The horrible man who didn't even want me to live in the first place just because of the two accidents that happened in my life.

"With all due respect, I didn't ask you to go here. Also, I wouldn't want a horrible man like you to be my father." saad ko at umalis na sa bahay na 'yon.

Ramdam ko 'yung galit niya sa'kin, ngunit sanay na ako. Lagi naman siyang galit sa'kin, kahit nung nasa sinapupunan pa lang ako ni Mamu, dahil sa isang pagkakamali. Naririnig ko pang tinatawag niya ako ngunit 'di ko na siya nilingon.

Nang makalabas ako, ni-lock ko 'yung gate mula sa labas kung sakali mang habulin niya ako.

Kinuha ko naman 'yung cellphone ko para tawagan si Keiji, dahil kailangan ko ng tulong niya ngayon.

"Where are you?" saad ko agad nang sagutin niya ang phone niya.

"House. Bakit?" nagtaka naman ako sa sinabi niya. Kasama niya 'yung ex niya kanina ah? Bakit ang aga niya naman yata umuwi?

"Just drive me to somewhere far." saad ko at pinatay na 'yung cellphone ko.

Pagkatapos ay binato ko na 'yun sa lupa at binasag gamit ang paa ko dahil baka i-trace na naman ako ni Dad. Wala naman ding importanteng bagay na nasa phone ko.

Lumabas naman agad si Keiji at dumiretso kami sa kotse niyang nasa tapat lang ng bahay nila. Tinulungan niya naman akong ilagay 'yung maleta ko sa compartment at 'yung mga aso sa backseat.

"So where are we off to?" tanong niya habang nagsi-seatbelt. Ganoon na rin ang ginawa ko.

"Far away from this house. Sa dorm mo sa Mishima." sagot ko naman sa kanya.

Nakita ko naman ang pagtataka sa mukha niya. "I'll explain while you're driving." pagkasabi ko noon, ay pinaharurot na ni Kei 'yung kotse.

"Don't tell me may paranormal dyan sa bahay niyo kaya ka umalis?" umiling naman ako sa kanya.

"My dad was there." tugon ko.

"Isn't that supposed to be something great?" tanong niya habang nakatingin sa daan.

"Apparently, it's not. My so called 'dad' is one of the reasons why I was suicidal, Keiji." umawang naman kaunti ang mga labi niya ngunit sa huli, tumango lang siya.

A Trip to Japan (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon