Chapter 14

11 0 0
                                    

"But why me?" tanong ko kay Kei na nakaupo na sa kutson habang nanonood ng tv.

"Why not 'di ba?" kokotongan ko na dapat siya pero agad naman siyang umiwas. 

"I mean, wala ka naman sigurong trabahong iniintindi, right? Kaysa naman humilata sa ka sa bahay araw-araw. Ayaw mo 'yun lagi mo 'kong makakasama?" kinuha ko 'yung water bottle sa bag ko at agad itong binato sa kanya. Headshot.

"Napaka-brutal mo talaga 'no. Gusto ko 'yon, violent." naghanap pa 'ko ng pwedeng ibato sa bag ko pero agad siyang nagtago sa kumot niya.

"Awat na, Mayu-chan. Joke lang!" saad niya habang nasa loob ng kumot.

Napangisi naman ako ng may naisip akong kalokohan. Lumapit ako sa kanya at umupo sa katawan niya.

"Aray! 'Yung abs ko!" kinuha ko naman 'yung unan sa tabi ko at pinalo sa mukha niya pero nahawakan niya 'yung unan.

"Joke lang ule! Ayoko na!!" hinarang naman niya 'yung unan niya na parang bata. Sumusulyap pa siya para tignan kung susugurin ko siya.

Dahil napapagod na 'ko, humiga na 'ko sa kutson niya. Yeah, 'yun lang 'yung purpose ko kung bakit ko ginawa 'yon. Ang talino ko 'di ba?

"Ang galing." saad niya habang nakaupo sa tabi ng kama.

"That's my bed. You better share it or lose it. My house, my rules." nag-cross arms naman siya habang sinasabi niya 'yun.

"Can't we just go home? I miss my bed. Wala ka bang kotse?" tanong ko sa kanya.

"Coding." I just gave him a pout because of his answer. Nag-isip naman ako ng paraan kung paano kami makakauwi despite the bad weather.

'Di naman pwedeng tawagan namin ulit si Lee para sunduin kami dahil nakakahiya na. We also can't call his other teammates too. But, Tozaki is just right down the block from this room!
Tama! Si Tozaki ang solusyon!

"Wait here." nagtaka naman si Kei sa sinabi ko kaya sumunod na rin siya sa'kin. Lumabas ako ng kuwarto at pumunta sa tapat ng katabing kuwarto.

"This is Tozaki's unit, right?" tanong ko at tumango naman si Kei. Kumatok ako ng tatlong beses at binuksan niya naman agad ito.

Pero nanlaki ang mata ko nang hindi si Tozaki ang nagbukas nito. Hayop talaga si Kei!

"Gomennasai." ulit-ulit kong sabi doon sa matandang nagbukas ng pinto samantalang si Kei patawa-tawa lang sa gilid.

Nang saraduhan na kami ng pinto, binatukan ko nang malakas si Kei sa ulo."Baka (idiot)!" napahawak naman siya ulo niya.

"Joke lang eto talaga yun." turo niya sa pintong nasa kanan ng unit niya. Kokotongan ko ulit siya pag niloko niya na naman ako.

Kumatok ako nang tatlong beses uli at ngayon, si Tozaki na 'yung bumungad. Nagpupunas siya ng tuwalya habang nakapikit and not to mention, he's not wearing any shirt. But then again, I can't be deceived by that.

"Isa lang 'yung gan'on ko Kei, kaya---" napatigil naman siya sa pagsasalita nang yumuko siya nang bahagya. Okay, edi ako na maliit.

"Mayu-san. You need something?" tumango naman ako sa tanong niya.

"Do you have a car?" sinabi ko naman sa kanya 'yung dahilan kung bakit tinanong ko 'yun at buti na lang, may kotse siya at hindi coding. Buti pa si Tozaki, mapapakinabangan.

Nang pumunta naman kami ni Kei sa parking lot, pinagbuksan naman ako ni Tozaki ng pinto sa shotgun seat kaya doon ako naupo. Wow, gentleman. Bihira na lang 'yung mga gan'on ngayon.
Samantala, si Kei naman ay mag-isa sa likod.

"Mag-seatbelt ka." saad ni Tozaki pero 'di ko naintindihan dahil busy pa 'kong asarin si Kei na nakasimangot sa backseat.

"Ha?" natahimik naman ako nang makita nang malapitan 'yung mukha ni Tozaki habang nilalagay 'yung seatbelt ko. Oh, so that's what he said. Halos maubusan ako ng hininga kanina.

"Ikou. (let's go)" sabi ni Tozaki at pinaandar na 'yung kotse.

Habang nasa biyahe, napatingin naman ako sa rear mirror. Tahimik akong natawa kasi nakasimangot pa rin si Kei. What's his deal? Kasi nasa backseat siya? Hayst, ang gulo niya.

"Mayu-chan." akala ko si Kei ang tumawag sa'kin pero si Tozaki pala. What? Pati ba naman siya?

"Umm.. Is it okay if I call you Mayu-chan?" bigla namang bumalik sa isip ko nung una akong tinawag ni Kei na 'Mayu-chan'. Since sanay na rin naman ako, pumayag na 'ko.

"Yeah. You were going to say something?" tanong ko.

"Are you hungry?" sasagot na sana ako ng 'no' pero sakto namang kumalam 'yung tyan ko. Ang galing.

"Yeah. 'Kaw, Kei?" nagulat naman siya nung tinanong ko siya. Tulaley ang lolo mo. Tumango na lang din siya kaya ang ending, napadpad kami sa isang fast food chain.

"Tozaki-san, ano bang gagawin ng manager?" tanong ko sa kanya nang makarating na 'yung order naming tatlo.

"Tozaki-san? Napaka-formal naman. Just call me Takahiro or Hiro-chan, for short." saad niya habang nakangiti.

Waaah, I got to admit that he's cute too. Tumango naman ako sa sinabi niya. Grabe, he reminds me of Kei when we first met.

"So pumapayag ka na?" tanong naman ni Hiro.

"Nah, gusto ko lang malaman." sagot ko naman.

"Mag-aanalyze ka lang ng mga games and trainings, ililista mo 'yung mga attacks at errors kada score at 'yung reason kung bakit gan'on 'yung kinalabasan. Kunwari, cut shot, pipe attack, feint, kill block and the like." napatango-tango naman ako habang nakatitig ako sa kanya habang nag-eexplain siya. Wait, did I just stared at him?

Binaling ko naman 'yung tingin ko kay Kei na galit na sinisipsip 'yung coke float niyang wala nang laman. Baliw lang. Meron yata siya ngayon eh.

"Oi, Kei-chan." tinignan niya lang ako sabay iwas ng tingin. Ano bang trip neto? Kanina maayos pa naman siya 'tas ngayon, naggagalit-galitan.

"An'trip mo? Ang tahimik mo yata." tumango naman si Hiro sa sinabi ko.

"Mahangin kasi ako. Tahimik lang 'yung hangin 'di ba." sarkastiko nyang sinabi. What the? 'Yun ba 'yung dahilan kung bakit siya tinotoyo?

"Hey, I was just joking." I said, even though at some points nagiging narcissist siya. 'Di pa rin siya kumibo kaya I had no other choice.

"Sorry." tinignan ko siya ngunit iniiwas niya naman 'yung tingin niya. Tumingin naman ako kay Hiro at nagkibit-balikat lang siya. I guess, he doesn't know how treat his bipolarity.

"I said I'm sorry, Kei-chan." there, I said the magic word. Umaliwalas naman 'yung mukha niya pagkatapos kong sabihin 'yon. Bipolar nga.

"No. I won't accept it, unless..." tumaas naman 'yung isang kilay ko at gan'on din si Hiro.

"You'll be our manager. If not, then bahala ka dyan." pagpapatuloy niya at binelatan ako. Aba, napaka-attitude.

"Don't force her, Keiji." tutol ni Hiro.

Hinawakan ko naman 'yung balikat ni Hiro, signalling that it's okay. I thought, tama naman si Kei na wala naman akong importateng iniintindi at boring din naman kung humilata ako sa bahay.

Well, considering the position they are offering, marami 'yong benefits. I could watch their training and their real games, for free. Plus, close interaction with the team. So I guess, being the manager of Toray wouldn't be that bad.

"Deal. Sign me up." sumaya naman 'yung mukha ni Keiji na ikinangiti ko rin.

A Trip to Japan (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon