Chapter 18

5 1 0
                                        

"You nervous?" tanong ko kay Kei. Nasa bus kami ngayon papunta sa Osaka, sa gymnasium ng Sakai Blazers, yung kalaban nila ngayon.

Actually, since ako 'yung manager nila, I should act professionally and distance myself a little from them. Pero, since close naman kami ni Kei, okay lang daw kay coach Ayu.

"Nah. Kaya namin 'tong panalunin. Kami pa. Ako pa. Walang tatalo sa isang Keiji Takahashi." saad niya habang proud na proud sa sarili niya.

"Ang lamig dito 'no? Naramdaman mo 'yung hangin? Napakalakas." sagot ko at napa-irap. Sinuklian niya naman ako ng tawa. Atleast alam niyang mahangin siya.

"Nakasimangot ka na naman dyan. Oh. Pasa mo sa lahat pagkatapos mong kumuha." iniabot sa'kin ni Kei 'yung isang supot ng biscuits na may chocolate sa ibabaw nito.

How did he know na favorite ko 'to? Or maybe it's just a coincidence? Napatingin naman ako sa kanya, ngunit iniwas ko rin agad yung tingin ko. Kumuha ako ng mga lima at pinasa kay Hiro.

"Dozo, Hiro-chan." saad ko at iniabot kay Hiro 'yung supot.

"Domo, Mayu-chan." sagot niya naman at nginitian ako kasama ng mala-colgate model niyang ngipin.

Hay, na-star-struck na naman ako sa looks ni Hiro. Have I mentioned that he looks to good to be real? It seems like he came right out from a manga or an anime.

"Psh, ako lang dapat tumatawag sa'yo ng Mayu-chan." bumulong si Kei sa sarili niya pero narinig ko 'yun. Ngayon, siya naman 'yung nakasimangot habang naka-crossed arms.

"Pagmamay-ari mo pangalan ko, teh?" buwelta ko sa kanya nang may halong pagtataray.

"Hindi. Pero hindi na kasi special 'pag may ibang tumawag sa'yo ng Mayu-chan." natigilan naman ako sa sinabi niya.

Wait, so does he mean that my nickname was special to him? Pero bakit? Ano naman sa kanya kung gan'on din tawag ni Hiro sa'kin? Bakit pati pangalan ko inaangkin niya? Hayst, ang gulo ng lalakeng 'to.

"Edi mag-isip ka ng bagong nickname." sagot ko na lang.

Napahawak naman siya sa baba niya na parang nag-iisip. "May second name ka?" umiling ako bilang sagot.

Hinablot niya naman 'yung ID ko na binigay ni coach Ayu at sinuri ito.

"Wait, your real name is Mayumi?" nag-buffer pa 'yung isip ko bago ako makasagot.

Matagal ko na kasing kinalimutan na 'yun 'yung full first name ko. Tuwing kailangan 'yung pangalan ko, ang sasabihin ko na lang Mayu. Kinalimutan ko 'yun kasi 'di naman nababagay sa'kin 'yung pangalan na Mayumi, lalo na't 'di ako isang mayuming tao.

"Ba't naman parang nagulat ka? Ngayon mo lang nalaman pangalan mo?" umiling ako nang maraming beses para makabalik sa wisyo ko.

"Wala lang, may naisip lang." tumango-tango naman si Kei nang bigla siyang lumapit sa mukha ko.

" 'Di ako naniniwala. Anong inisip mo?" ayan na naman siya sa pagiging pushy niya. Tumaas naman 'yung dalawang kilay niya, senyales na gusto niyang malaman 'yung sagot.

"Oi, Kei-chan! Yamerou! (stop)" bago pa 'ko makasagot, may lumipad nang crumpled paper sa tapat ng mukha ko pero tumama ito kay Kei.

Todo tawa naman sina Hiro at Lee sa ginawa nila. Natawa na lang din ako sa kabaliwan nila. Pamilya ba talaga 'tong mga 'to?

"I told you, Mayu-chan. Be careful around him." saad ni Lee habang tumatawa kasama si Hiro. Tumango na lang ako sa kanilang dalawa.

"Do I look like a criminal to you?!" tanong ni Kei kina Lee at Hiro nang malakas kaya napatigil sila sa pagtawa. Nagtinginan naman silang dalawa 'tas tumawa ulit. Ay, mga baliw.

"OI! URUSAI! (shut up) " nagulat naman silang lahat nang sumigaw si coach Ayu na mahimbing na natutulog kanina. Samantalang ako tawa lang nang tawa nang patago dahil bigla silang natahimik.

Nag-make face naman si Kei kina Hiro at binawian rin nila Hiro si Kei. Ang mas malala pa, 'di na nakapagpigil si Kei at binato 'yung water bottle sa kanila pero nasalo naman agad ni Lee kaya binelatan niya 'to.

Tinignan ko naman si Kei na pikon na pikon na siguro. Baka mamaya manapak na 'to kaya hinawakan ko muna 'yung kamay niya para pakalmahin siya.

Kung kanina, naaasar 'yung mukha niya, ngayon, nanlambot na parang ewan 'yung mukha niya.

" 'Yaan mo na sila. 'Di ka naman mukhang kriminal." saad ko at ngumiti sa kanya. Sa totoo lang, pinipigil ko lang 'yung tawa ko para 'di na rin siya maasar.

Buti na lang at kumalma na rin si Kei. Sumandal na uli siya para hindi na mapansin sila Hiro. May pagka-pikunin din pala 'to si Kei. Ang saya tuloy asarin. Joke.

"After changing your clothes, we'll start the warm up immediately." saad ni coach Ayu.

"Ryoukkai! (Copy!)" saad naming lahat habang nakasaludo kay coach.

Sasama na dapat ako kila coach Ayu, nang biglang may humawak sa kamay ko.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Kei. Napasimangot naman ako sa tanong niya.

"Sasama kina coach. Gusto mo samahan pa kitang magbihis?" pabalang kong tanong.

"Gusto mo?" tanong niya pabalik habang nakangisi. Aba, siraulo lang.

"Ikaw, gusto mo ng suntok?" pinakita ko naman sa kanya 'yung kamao ko na handa siyang upakan.

"Joke lang, Mayumi. Mauna na 'ko." saad niya at sumama na sa mga teammates niya. So nakahanap na siya ng bagong nickname? Well, it's not totally a nickname since it's my real name.

I don't know, when it comes from him, I don't think Mayumi is such a bad name.

Dumiretso naman kami agad nila coach Ayu papunta sa court at tumulong ako para ihanda 'yung mga kailangan gamitin para sa warm-up. Ilang sandali pa, nagsimula na rin ang warm-up.

"Mayu-san. I hope you have patience with the boys. They're a bunch of lunatics so they are quite a handful." natawa ako nang bahagya sa sinabi ni coach Ayu.

"But even if they are lunatics, I still believe we can reclaim the throne." ngumiti naman si coach Ayu at itinaas ang saradong kamao. Gan'on rin ang ginawa ko.

I mean, what he said is true though. These boys are lunatics who happens to be good at playing volleyball. And they all have one goal—to reclaim the throne. And that reason is enough for me to stay patient with them.

"Coach, can I see our first six lineup?" tanong ko at binigay naman sa'kin ni coach 'yung tablet kung nasan 'yung lineup.

Let's see... Starting MB (middle blocker) are Lee and Takahashi, Starting OH (outside hitter) and OP (opposite spiker) are Tozaki and Rouzier, their setter is Fujii, and their L (libero) is Ide. We have a good lineup. They can do this. We can do this.

"Can I talk to them, coach?" tumango naman si coach at tinawag 'yung first six. Agad naman silang lumapit at gumawa ng bilog.

"Don't be pressured, it's just another game like usual, but we have to win this to get the trophy, alright? Push yourself to the limit, so you can live in the moment. Remember, you're not alone in the court, you have each other. You got that?" paalala ko sa kanila at tumango naman sila sa'kin.

"Seno!" I signalled as we join our arms.

"WE ARE ARROWS!"

A Trip to Japan (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon