Chapter 42

12 1 2
                                    

Nang matapos 'yung nakakakilig na eksena na 'yon sa Sky Stage, napagdesisyunan naming mamasyal muna sa mga stores na nasa baba ng building ito.

You must be wondering how I feel right now. Well, I feel fine actually. I'm just kidding. To say that I feel like I'm on cloud nine is an understatement. I felt something beyond that. I don't know what, but it certainly is an overwhelming feeling. All in all, 'di ko alam kung ilang kilo o ano ng kilig ang dumaloy sa'kin nang maglapat ang mga labi namin.

Bahagya nga akong nagulat nang gawin niya iyon, pero hinayaan ko na lang din. Aaminin ko, ginusto ko rin 'yon. Hayst, kailan pa ako naging maharot? At saka sino rin ba naman ang 'di gugustuhin ang isang halik mula sa taong minamahal mo, 'di ba?

I think you're wondering too if I replied to him after that kiss. Well... all I did is...

The moment our lips parted, he tried to look away but I tiptoed to reach and hold his face. Tama sila Hiro, walang confidence si Keiji pagdating sa mga ganitong bagay. But he still managed to kiss me despite that. And say the words that mean a lot to me. The words 'I love you'.

I looked at his eyes and he looked into mine, even if his face was flushing red. "Watashi mo. Aisuruhito yo, Keiji-chan." I replied with all of my heart, which made him smile widely.

"Eto..."

"What? Spit it out, Keiji." saad ko habang bahagyang tumatawa. Ang hina rin ng lalakeng ito eh 'no? Lakas mang-asar, pero pagdating sa pag-ibig, talong talo.

"Chill ka lang Kei, 'di ako nangangain ng tao. Unless..." I raised my eyebrows twice jokingly to lighten up his nervousness.

Nanlaki naman 'yung mga mata niya pero agad niya rin itong binawi at saka tumawa. "Seryoso na kasi." sabi niya.

"Ano nga kasi 'yon? Wala ka pa ngang sinasabi eh." 'di ko alam kung bakit pakiramdam ko alam ko na 'yung sasabihin niya. At kinakabahan din ako sa naiisip kong 'yon. Paano kung ito na nga? Baka tumalon ako sa building na 'to sa sobrang kilig. Talon lang, hindi talon paalis.

"Wi-will—" nauutal na sabi nito kaya pinutol ko na 'yung sasabihin niya. Baka mamaya, mamatay siya sa sobrang kaba.

"We will rock you? Gan'on ba?" pabirong tanong ko. Umiling naman siya. Aish, sabi ko na nga ba alam ko na sasabihin nito kaya nakaisip ako ng plano kung paano niya sapilitang sasabihin sa'kin kung ano man 'yung gusto niyang sabihin.

"Alam mo, kung 'di mo mailalabas 'yang sasabihin mo, umuwi na lang tayo." maglalakad na sana ako palayo sa kanya pero agad kong naramdaman 'yung paghawak niya sa kamay ko. My strategy is working.

"A-ano... Aish, screw it. Simula ngayon, tayo na. Walang atrasan. Aatras ka? D'on ka umatras." seryosong sabi niya habang nakaturo sa Sky Edge, kung saan mababa 'yung barrier na salamin.

Natawa naman ako sa inasal niya. Napaka-possessive naman ng mokong na 'to, bawal humindi. "Eh paano nga kung umatras ako doon?" tanong ko habang nakaturo rin sa Sky Edge. Buong lakas ko namang pinipigil 'yung tawa ko pero 'di ko talaga mapigil eh.

"Eeeeh! Mayumi kasi seryoso 'yun eh!" mas lalo namang lumakas 'yung tawa ko nang mag-tantrums na naman siya na parang bata. Sa sobrang lakas ng tawa ko, pinagtitinginan na 'ko ng mga tao dito.

"Sorry na. Ulitin mo na lang. 'Yung 'di naman nakakatawa." pangangasar ko sa kanya. Sumimangot lang siya sa'kin habang nakakrus 'yung mga braso niya.

A Trip to Japan (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon