"What are you doing here, Takahashi-san?!" halos pasigaw kong tanong. Na-realize ko na dis-oras na pala ng gabi kaya maling mag-ingay ako at napatakip ako sa labi ko. Tsaka ko lang din napagtanto na kapitbahay ko nga pala siya.
"Pinaglinis ako ni Coach ng buong court ng ako lang mag-isa dahil wala ako kahapon kaya natagalan ako." sagot niya habang nakahawak pa sa may batok niya. Aw, deserve niya 'yon sa kakaasar niya sa'kin. Sana pati labas ng gym nila sinama na ni Coach.
Napatingin naman ako sa hawak niya. May hawak siyang Starbucks na paper bag. "Kaya, ako na lang pumunta dito. Tsaka libre ko na rin." pagpapatuloy niya. Tinitigan ko lang siya dahil 'di ko na naman alam kung anong isasagot ko sa sinabi niya. Bakit niya ba 'to ginagawa na naman?
"Hindi mo 'ko papapasukin?" tanong niya habang bahagyang nakanguso. Sisimulan niya na naman ako sa kaka-pout niya. Tsk. 'Di porket cute siya, papayag na ako. Oo na, cute talaga siya.
"Ayoko nga. Baka may mangyaring 'di maganda." pinanlisikan ko siya nang mata nang marinig kong nagpipigil siya ng tawa. May nakakatawa sa sinabi ko? Eh kung hiwain ko na kaya 'yung ano neto. 'Yung mga daliri niya para 'di na siya makapaglaro.
"Oi, 'di ako gan'on. Kung ayaw mo, edi sa labas tayo." eh ang lamig-lamig sa labas kesa sa loob? Tsaka nakakatamad magbihis kasi naka-pajama na 'ko 'tas biglang may susulpot ng mokong sa gate namin. Dahil dakilang tamad ako, pinapasok ko na siya sa bahay namin.
"Ikaw lang mag-isa dito?" tanong niya. Natawa na naman ako sa sarili ko dahil may naisip akong kalokohan. "Hindi mo pa sila nakikita." sinubukan kong pigilan 'yung tawa ko nang biglang nanlaki 'yung mga mata niya pero 'di ko kinaya kaya halakhak ako nang halakhak. Ang solid kasi ng reaksyon niya.
"Mayu-chan naman eh!" muli na naman niyang pinakita 'yung nguso niya sa'kin. Pero tawa pa rin ako nang tawa habang pinupunas 'yung mga luha ko sa sobrang tawa. Ngayon na lang uli ako tumawa nang gan'to, at 'di ako makapaniwalang siya pa talaga 'yung dahilan.
"Biro lang. Ako lang mag-isa dito. Sorry, kung magulo, 'di ko naman kasi alam na babalik pa 'ko dito mula sa Aokigahara Forest." napatingin naman siya sa'kin nang sabihin ko 'yun.
"Kapag ikaw talaga bumalik doon, asahan mong nandoon pa rin ako para pigilan ka." napaka-consistent niya talaga eh 'no? Pero 'di niya naman ako kakilala? Feeling close talaga siya kahit kailan. Joke lang, baka nga concerned talaga siya. Eh bakit nga? Hayst, ang gulo ng isip ko.
"Are your Mom and James?" I was a bit shocked when he kneeled in front of the shrine I made for Mamu and Santiago and started to pay his respects. Nang matapos siya, tumingin siya sa'kin nang may malawak na ngiti.
"You're beautiful like your Mom." what the hell? Why does this guy keep on complementing me? 'Di ako sanay sa mga complements kahit na madalas kong naririnig 'yun kay Santiago. But I dont know why it felt different when it came from him.
" 'Raulo." nag-iwas ako ng tingin at umupo na muli mula sa pwesto ko kanina. "Nani?" tanong niya na naman. "Nandemonai." sagot ko nang hindi siya tinitignan.
Nag-scroll ako sa laptop ko habang naghahanap ng movie na sunod kong panonoorin. Mahilig ako sa Ghibli films at halos lahat napanood ko na. Naramdaman ko naman na umupo sa gilid ko si Takahashi na kanina pa ini-inspection 'yung bahay namin. Kulang na lang tignan niya 'yung mga tubo ng gripo namin eh.
"You should watch Your Lie on April!!" suggest niya. I heard of that series before. Sige na nga, coming from a real japanese, I guess maganda talaga 'yung anime na 'yon. Pinlay ko na 'yung first episode at bumalik sa pwesto ko. Nang makapwesto kami, inabot niya sa'kin 'yung paper bag na may lamang hot chocolate. Paano niya nalamang paborito ko 'to? Telepathic nga pala 'tong mokong na 'to.
"Seryoso talaga na ikaw lang mag-isa dito?" tanong niya. Tumango na lamang ako sa kanya dahil nakapokus ako sa pinanonood namin.
"Ancestral house kasi 'to. 'Yung mga unang nanirahan dito, dito mismo namatay sa bahay. At alam mo ba kung bakit matagal na walang nakatira dito? Kasi nandyan pa rin daw 'yung mga spirits ng unang may-ari." bigla akong kinilabutan sa sinabi niya at dahil doon napatingin ako sa mata niya na nakatingin sa ibang direksyon.
"Hala. Ano 'yun?" turo niya sa likod ko. 'Di ko na napigilan 'yung sarili ko at napasigaw ako nang bongga. "WAAAH KEI-CHAN!!" sa sobrang takot ko napayakap ako sa kanya samangtalang siya ay tuwang-tuwa sa kalokohan niya. Eh ako lang kaya mag-isa sa bahay na 'to! Nakakatakot na tuloy, buwiset!
Nang maka-get over na 'ko sa pananakot niya, tawa pa rin siya nang tawa. At agad akong napahiwalay ng marealize kong nakayakap pa rin ako sa kanya. O Santiago, patawarin mo 'ko. "Oii!! Narinig ko 'yun!! Anong tawag mo sa'kin?" wait, tinawag ko ba siyang 'Kei-chan' kanina? Talaga?! Buwiset na bunganga 'to may sariling isip na talaga.
"Mali ka ng dinig. Ang sabi ko, umm... Kentucky Fried Chicken." wala na 'kong maisip kaya 'yun na 'yung palusot ko. Malapit na rin siguro sa 'Kei-chan' 'no?
"Weh... Sus ayaw mo pang aminin? Alam mo ba sa bahay na 'to nag-shooting 'yung Sadako at The Grudge." muli na naman akong napasigaw na sa sobrang lakas umabot hanggang bahay namin sa Pilipinas.
"Oo na! Oo na! Ang kulit mo Kei-chan!" pinagbigyan ko na siya sa gusto niya dahil baka kung ano ano pang kwento ang sabihin niya tungkol sa bahay namin. 'Di ako naniniwalang totoo 'yung multo pero nakakatakot kasing isipin lalo na't mag-isa lang ako dito!
"Sige, 'di na, 'di na. Joke lang 'yun. Walang totoo sa sinabi ko." pinagpapalo ko naman siya sa braso niya na may kasama pang batok. Ang hilig niya talagang pagtripan ako eh. Parang 'di nakokompleto araw nito 'pag 'di ako inaasar eh. Siguro gan'on din ginagawa niya sa girlfriend niya. Speaking of, mang-tsitsismis muna ako hehe.
"May girlfriend ka 'di ba?" tanong ko sa kanya. Bigla naman siyang tumigil sa kakatawa pero ngumiti siya uli. Aba'y siraulo yata 'to eh. "Bakit? Gusto mo 'ko 'no?" pang-eechos niya na may kasama pang nakakalokong tingin.
"Asa ka. Si Ishikawa Yuki lang ang qualified na maging asawa ko." binelatan ko naman siya pagkatapos. Si Ishikawa Yuki 'yung isa sa mga crush kong volleyball player ng Japan. Fan na fan niya 'ko since highschool days niya. "Pero meron nga?" tanong ko uli.
"Dati, pero wala na." napataas ang kilay ko dahil sa bahagyang gulat. "Dedz na or?" tumawa lang siya kahit parang may masakit siyang dinaramdam. Masama ba 'yung topic na 'yun? Ay nako, Mayu, katangahan mo talaga.
"Hindi. Nag-break lang kami pero matagal na 'yun. 3 years na rin. She said that I'm too much to handle." nakaramdam naman ako ng awa kay Kei. Pero totoo 'yung sinabi ng ex niya ah, na minsan sumosobra siya. Joke lang.
"Alam mo, Kei-chan, sometimes the bad ending is the beginning to a new
chapter." panggagaya ko sa sinabi niya noon. Napangiti naman siya sa sinabi ko, lalo na nung tinawag ko siyang Kei-chan. Gustong-gusto niya talaga 'yun eh.
"Ayos ba?" napatawa na rin ako nang tumawa na din siya.
"You're right. Okay lang 'yon, alam ko namang if the end is not a happy one, then it's not the end yet." konti na lang dudugo na ilang ko sa kaka-Taglish niya. Pang-rich kid lang? Kaya ko naman ang straight English at pure Tagalog. Pero, ang dami niyang alam pagdating sa mga quotes. Akala mo tuloy, expert sa buhay.
Nang matapos kami manood ay alas dose na nang hatinggabi. Masyadong napahababa ang usapan namin ni Kei habang nanonood kami ng Your Lie in April. Ang dami naming napag-usapan tungkol sa buhay niya o 'di kaya ang mamuhay sa Japan. Wala naman akong mai-kwento sa kanya dahil wala naman akong magandang kwento sa buhay. Pero kahit ganoon, naramdaman kong masaya rin pala siya kausap. Mapangasar nga lang.
"Well, I should be going now." tumayo na siya at aakmang aalis ngunit huminto siya ng tawagin ko siya. "Kei-chan." oo na, tanggap ko nang 'yun na 'yung tawag ko sa kanya. Ang haba kaya ng Takahashi-san.
"Thanks for tonight. I had fun." and for the first time after 10 years, I smiled genuinely at him and he smiled back at me.
BINABASA MO ANG
A Trip to Japan (Ongoing)
Novela JuvenilA Trip to Japan After all the tragedies that happened in Mayu's life, her world became dark. She lost her mother, her boyfriend, and most of all, she lost her happiness. She decided to go abroad, to escape this dark and cruel world, until she meets...
