Chapter 38

18 0 0
                                        

"Psst." napalingon naman ako sa kung saan nang marinig ko iyon. Ipinalibot ko 'yung mata ko kaso wala naman akong makitang Keiji.

"Psst." ulit pa nito. Naglibot naman ako para tignan kung may maaninag akong dambuhalang mokong. Imposible namang 'di ko makita si Keiji, napakalaki kaya 'non.

Nakakita naman ako ng dalawang pamilyar na aso sa 'di kalayuan kaya nilapitan ko sila. Si Keiyu at Keichan nga.

"Asan ang tatay niyo? Iniwan lang kayong dalawa dito ng walang kasama. Paano kung nawala kayo?" tanong ko sa kanilang dalawa.

Napalingon naman ako sa gilid ko nang may marinig akong magsalita. "Edi inamin mo rin na ako nga ang tatay nila?" napalingon naman ako at nakita ko si Keiji na nakasuot ng dark blue na yukata.

Okay, can we just freeze this moment just to let me appreciate how good-looking Keiji is right now? I mean, his yukata perfectly fits into his perfect body—Aish, ano ba 'tong nasa isip ko?

"Ha? May sinabi ba ako?" pang-aasar ko sa kanya pero sumimangot lang ito sa akin at naglakad papalayo. Aish! Bakit ba napaka matampuhin ng lalakeng to?

"Kei sandali!" habol ko sa kanya pero dahil mas malaki siya sa akin, mas mabilis siyang maglakad. Binabawian yata ako neto katulad nung nangyari nung naglibot kami sa Shibuya.

"Keiji Takahashi! Sandali intayin mo ako." huminto naman siya at humarap sa akin pero nakasimangot pa rin. Nagpapasuyo lang to eh. Tsk.

"'Wag ka nang magtampo, nagbibiro lang naman ako eh." sabi ko sa kanya pero hindi pa rin niya ako kinikibo.

"Dali na, 'wag ka na magtampo. Onegaishimasu? (please)" sinubukan kong gamitin ang pagpapa-cute ko. 'Pag ito gumana, ibig-sabihin cute ako. Pero 'pag hindi, edi hindi.

"Sige, hindi na ako magtatampo." sabi niya sa akin kaya napangiti naman ako.

"Pero...." kinabahan naman ako nang sabihin niya 'yon. Ano na naman 'yung kondisyones ng mokong na 'to?

"Pahingi muna ng kiss." nagbigay naman siya ng isang nakakalokong ngiti matapos niyang sabihin sa akin yon.

"Paano kung ayoko?" tanong ko sa kanya. Syempre, nahihiya pa rin ako. Masyado niya nang inaabuso yung labi ko.

"Edi magtatampo ulit ako." nag-cross- arms pa siya para lang ipakitang nagtatampo na ulit siya kaya napapikit na lang ako.

Wala naman akong choice. First date namin, tapos nagtatampo sa akin 'tong higanteng to.

Tumingkayad naman ako at hinawakan ang magkabila niyang pisngi para ilapit ito sa'kin. Pumikit naman siya habang naghihintay sa halik ko. Mapagtripan nga 'tong mokong na 'to.

"Mama mo, kiss." saad ko at pinompyang ang magkabila niyang pisngi gamit ang dalawang kamay ko.

Napanguso naman siya sa ginawa ako. Ay sus, nagpapa-cute lang 'to eh. "Isa lang naman eh." mahina nitong sabi habang naniningkit ang mga mata.

"Naka-isa ka na, Keiji. Awat na." sagot ko sa kanya na mas lalo niyang ikina-simangot. Aish, pagbigyan ko na nga 'tong mokong na 'to.

"Sige na nga, ito na talaga. Totoo na, promise." saad ko at itinaas pa 'yung kanang kamay ko.

Inilapit ko naman ulit 'yung mukha niya sa akin at ganoon din ako. Ilang sentimetro na lang ang layo ng aming mga labi at malapit na itong magdikit. But, I raised my head to plant a kiss on his forehead.

"'Wag tayong abusado, Keiji. Marami pang araw." saad ko at saka binitawan ang mukha niya. 'Tong higanteng 'to, naka-isa na naman. Ang lakas sa'kin ni Keiji, 'no?

A Trip to Japan (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon