Three days passed, and I'm still here in our house, with Carlos finally going home, finding something to spend my time with, and a bit less sad than I used to be. Ngayon na 'yung unang laro ng Toray sa quarter finals. Unang laro na wala ako.
Before I went home from Japan, I bought myself a new phone and asked Keiji for all of their contact numbers. Right now, I'm waiting for Keiji or the others to text me. Gusto kong malaman agad ang magiging resulta ng laro nila. Ang una nilang kalaban ngayon ay 'yung JT Thunders, 'yung team na may malakas na net defense. Sana mas malagpasan ng attacks namin 'yung defense nila, in order for our championship dream to come true.
Pumunta naman ako sa website ng Vleague, para tignan 'yung updates ng laro nila. Up until now, wala pa ring nag-tetext sa'kin kaya 'di ko alam kung anong kalagayan ng laro nila. Kung pwede lang akong pumuntang Japan ngayon na, gagawin ko. Pero ayaw ko ring iwan si Carlos. Ilang araw pa lang kaming magkasama pagkatapos ng ilang taong pagkawala niya, at 'di rin ako pwedeng umalis nang gan'on-gan'on lang dahil walang mag-aalaga sa kanya dito.
"You seem troubled." napatingin naman ako kay Carlos na ngayo'y naka-upo sa kama niya at kagigising lang. Napagdesisyunan kong matulog kami sa isang kwarto kung sakaling may maramdaman siyang masakit o kung may kakailanganin siya.
"Have I told you I became a manager of a professional volleyball team?" bumilog naman ang mga labi ni Carlos at umiling sa'kin. Tumabi ako sa kanya.
"How come??" ipinaliwanag ko sa kanya kung paano ako napasok sa Toray. 'Di ko na sinabi 'yung part na sinubukan pa 'kong i-blackmail ni Keiji para mapapayag niya ako.
"Well, that's a big thing. Bakit ka nandito? I'm not throwing you out or anything, but your job's important!" he exclaimed.
"Aish, pasalamat ka nga nandito ako eh. Syempre, ilang years kitang 'di nakita, gusto ko ako 'yung mag-aalaga sa'yo. Ayaw mo 'yon, bud?" bud is our own nickname to each other. Sumimangot naman siya sa'kin.
"I'm 20 years old, bud. I can handle myself." umarte naman siya na parang isa siyang malakas na tao, na parang wala lang 'yung injury niya.
"But you called me." katwiran ko.
"Yeah, but I didn't tell you to come back." pinaningkitan ko naman siya ng mata dahil sa sinabi niya. Nag-peace-sign naman siya sa'kin.
"Sure ka, malakas ka na?" tanong ko sa kanya. He confidently nodded to me.
"Ah, malakas pala ah!" agad ko namang kiniliti 'yung tyan niya. Napa-igtad naman siya habang tumatawa. Natatawa naman ako sa reaksyon niya kaya patuloy ko pa rin siyang kinikiliti.
"Mayu!! Ayoko na!" saad niya na para bang mamamatay na siya sa sobrang kiliti kaya tinigilan ko na siya.
Pahingal-hingal naman siyang napahawak sa puso niya. "Halika nga rito. Alam mo, kahit panget ka, mahal pa rin kita." niyakap ko naman nang mahigpit 'yung kapatid ko, kahit pa nag-aarti-artihan siya.
"Syempre, mana sa ate." kumento ni Carlos dahilan ng pag-kurot ko sa tagiliran niya. Napa-aray naman siya sa ginawa ko.
"Pero seryoso nga, pwede ka namang bumalik sa Japan eh." saad niya at humiwalay sa yakap namin.
"Eh ayoko nga. 'Pag pumunta ako doon, matagal akong 'di makakabalik dito." pagpapaliwanag ko sa kanya. Naningkit naman ang mga mata niya na para bang nangangasar siya. Ano na namang nalalaman neto?
"May boyfriend ka sa Japan 'no? Boyfriend mo 'yung Keiji 'no?!" nanlaki naman 'yung mga mata ko sa sinabi niya.
Paano niya 'yun nalaman? Sinong demonyong nagsabi sa kanya n'on? Ayoko lang na nalalaman niya 'pag na-iinvolve ako sa isang lalake. Madalas kasi aasarin niya 'ko habang-buhay tungkol doon. Gan'on lang talaga 'yung ugali niya.
BINABASA MO ANG
A Trip to Japan (Ongoing)
Roman pour AdolescentsA Trip to Japan After all the tragedies that happened in Mayu's life, her world became dark. She lost her mother, her boyfriend, and most of all, she lost her happiness. She decided to go abroad, to escape this dark and cruel world, until she meets...
