I should be happy since I'm already here at Japan, but it still feels like I'm missing someone. Pero who cares, I came here to die anyway.
Since my dad is a businessman, nagpagawa siya ng rest house dito sa Japan, particularly in Tokyo, and I plan to stay there for a while. I landed safely here in Tokyo, Narita Airport so our resthouse shouldn't be that far. Good thing is, I know its address.
Nag-taxi na lang din ako papunta sa rest house namin at sinabi ko ang address niyon sa driver, in Nihongo. Well, I learnt a lot of it from watching anime and japanese stuff. Ilang minuto ang nakaraan, at nakarating rin kami sa rest house. Bago umalis 'yung driver, nag-thank you muna ako.
Malaki ang rest house na 'to. Para siyang makalumang japanese na bahay. Pero maganda at detalyado yung design niya. Dapat, nung pupunta kami ng Japan, dito kami mag-sstay. Pero hindi nga 'yun natuloy.
Binuksan ko na 'yung gate sa pamamagitan ng susi na kinuha ko rin sa vault ni Papa. Pagkapasok ko sa loob, agad kong ibinagsak 'yung gamit ko sa kung saan. 'Di ko na 'yon kailangang ayusin dahil baka 'di ko na rin 'yon magamit.
Sakto ang pagpunta ko dito dahil spring season na sa Japan at naghuhulugan na yung mga cherry blossoms. 'Di ko lang alam kung maabutan 'ko pa 'yung winter season dito. Pero anyways, makakain nga muna.
Tinignan ko ang ref namin at may bote ng tubig at coke sa loob nito. Binuksan ko naman 'yung mga cabinet at bumungad sa'kin ang stock ng pagkain. Kinuha ko 'yung coke at ilang bag ng chips. Pinakuluan ko na rin 'yung instant ramen para atleast, bago ako mamatay may laman 'yung tyan ko.
Pagkatapos maluto nung instant ramen, kumain na ako. Binuksan ko 'yung tv at saktong naabutan ko naman yung Japan V-league. Mahilig ako dito noon, noong masaya pa 'ko. Laban ng Toray Arrows at Ageo Medics 'yung naka-livestream ngayon. Naaalala ko pa 'yung mga paborito kong players, sila Mayu Ishikawa at Ai Kurogo ng Toray Arrows. Idol na idol ko 'yung dalawang 'yun.
Habang nanonood ako, napatingin ako sa cellphone ko na biglang nag-ring. Tumatawag si Papa. Psh, as if he reallly cares about me. Pinatay ko na lang 'yung cellphone ko para tumigil na ito mag-ring. Desidido na 'ko, at ayaw ko nang may pumigil pa sa'kin.
Hmm, what time should I end my life? Ang panget naman kapag umaga. Ang panget rin 'pag gabi. Siguro mga hapon na lang. Sana walang bantay doon sa Suicide Forest pag magpapakadeds na 'ko. Gusto ko, ako lang. Ako lang mag-isa.
Pero tulad nga ng sinabi ko, mamamasyal muna ako bago 'ko gawin 'yon. Nagbihis na ako at nilagay 'yung dalawang picture frame nila Mamu at Santiago sa string bag ko kasi isasama ko sila.
Pagkalabas ko ng bahay, natuwa ako nang may makita akong bike sa tapat ng gate namin. Well, 'di naman literal na natuwa, I'm just glad that I could use this.
Kinuha ko na iyon at gumayak sa kung saan man. I turned on my Google Maps to track where I'm going. Kahit saan naman dito sa Japan, may makikitang cherry blossoms. Maybe I should go to a park instead.
Naisipan kong pumunta na lang sa Ueno Park sa Taito City, which is not that far from our rest house. Kaya isinet ko na 'yung destination ko doon.
While I was strolling around, I could feel that overwhelming breeze running through my body. And I gotta say, it's one of the best feelings I felt. But that isn't going to change my mind.
Nang makarating ako sa park, kitang kita na 'yung mga cherry blossoms sa paligid. Nakahilera sila at ang ganda nilang tignan. Ipinark ko na 'yung bike sa bike rack. Naglakad ako papunta doon aa cherry blossoms.
"Mamu, Santiago, nandito na tayo. Alam ko na promise natin na kapag pumunta tayo ng Japan, magkasama dapat tayo. Kaso iniwan niyo ko eh. Pero 'di bale, nandito na tayo. Ang ganda 'di ba?" pinipigil ko ang mga luha ko habang sinasabi ang mga katagang iyon.
Naglakad ako patungo sa isang malawak na grass field at umupo roon. Inilabas ko mula sa bag ko 'yung dalawang picture frame na dala ko.
Ni-set ko ang timer ng camera ng phone ko at nag-picture kasama ang dalawang frame. Since, 'di ko naman sila makakasama, ito na lang 'yung sinama ko. Ngumiti ako para sa picture kahit sa loob-loob ko, nasasaktan ako.
"Oh, ang ganda natin Mamu, oh. Pero mas maganda siguro kung kasama kita dito." para na akong nababaliw dahil kinakausap ko ang picture frame. But who cares, it's like I'm speaking to their souls, as if they're alive.
"Love, nasa Japan na tayo. Sabi mo pa sa'kin n'on maghahabulan tayo dito pag winter season, o 'di kaya manonood ng live game ng Japan V-league kasi sabi mo, idol mo si Nishida 'di ba?" 'di ko na napigilan ang mga luha ko at hinayaan na lang ito na dumaloy sa mukha ko.
It's really depressing that we have so many promises that we wanted to fulfill, but all the people in those promises are gone now. Damn, why does life have to be unfair to me?
Humiga na lang ako kahit wala akong panlatag sa grass field. Pinagmasdan ko 'yung langit na maaliwalas. Sana, laging ganto 'yung buhay ko. Maaliwalas, maliwanag, at higit sa lahat, masaya.
Napatingin ako sa mga tao sa paligid. Maraming tao rito at marami sa kanila ay kasama 'yung mga pamilya o 'yung mga mahal nila sa buhay. Buti pa sila, kasama nila 'yung mga mahal nila sa buhay kaya nagagawa nilang magsaya. Magagawa ko bang magsaya kahit wala na 'yung mga taong mahal ko? Ewan ko.
Napapikit na lang ako nang maramdaman ko 'yung mga naghuhulugang petals ng mga cherry blossoms sa mukha ko. Ang sarap sa pakiramdam, nakaka-kalma.
I can't believe that even in my last days in earth, I would still feel this kind of feeling. The kind that is not negative. But still, it won't change my mind about leaving this world. Because I think there is no sense of living my life anymore.
Pagkatapos kong magmuni-muni, dumaan muna ako sa isang convenience store at bumili ng beer, bag ng chips at chocolates. Balak ko lang maglasing mag-isa sa bahay.
Nang makauwi ako, itinabi ko na 'yung bike at dumiretso sa likod ng rest house. Meron kasi itong garden kung saan masarap magpahangin lalo na't nasa Japan ka.
Umupo ako sa tapat ng sliding door papunta sa garden at inilapag 'yung mga binili ko. Naisip ko, paano kaya ako magpapakamatay? I mean, ang dami kasing pwedeng pagpilian.
Nung nag-research ako tungkol sa Suicide Forest, nalaman ko na pagbibigti ang kadalasang ginagawa nila kasi 'yon daw 'yung least na masakit na paraan para mamatay. But I'm not good with knots so maybe I'll cross that out.
How about sleeping pills? Although, many have tried that and didn't succeed. Baka 'di lang nila dinamihan? Siguro baka lumamon na lang ako ng marami at iba't-ibang pills para sure na. Ayoko kasi 'yung dadaan sa sakit para mamatay.
Ininom ko ng straight 'yung isang lata ng beer at nagbukas ng isa pa. Hayst, bahala na nga bukas.
BINABASA MO ANG
A Trip to Japan (Ongoing)
Novela JuvenilA Trip to Japan After all the tragedies that happened in Mayu's life, her world became dark. She lost her mother, her boyfriend, and most of all, she lost her happiness. She decided to go abroad, to escape this dark and cruel world, until she meets...