"Mayu-chaaaan!" nasira ang napakahimbing kong tulog nang marinig ko 'yung boses na 'yon. Napatingin naman ako sa orasan, at alas-otso pa lang nang umaga. Masyado pang maaga, alas dose kasi ako gumigising.
"Mayu-chaaaaan!" tawag niya pa ulit na may kasama pang katok. Dahil wala naman akong choice at napaka-consistent ng lalaking ito, wala na 'kong nagawa kun'di tumayo na at pagbuksan siya ng pinto.
"Ohayo, Mayu-chan." halos masilaw ako sa mala-colgate niyang ngipin nang ngumiti siya. Tinignan ko 'yung dala niya, dalawang paper bag ng starbucks. Ang yaman naman nito at parang araw-araw nag-sstarbucks?
"Anong trip mo sa umaga?" diretso kong tanong niya. He showed me his pout again. Aish, why does he have to do that everytime? "Wala man lang 'good morning Kei-chan.' dyan? Dali na isa lang." mas lalong humaba 'yung pag-pout niya. "Ohayo." sagot ko at sasarhan ko na sana ng gate kaso hinarang niya 'yung paa niya.
"I told you, I'll make coffee for you everyday for you to accept my apology." oh right, he made that dumb promise yesterday morning. Since paborito ko naman 'yung kape, 'di na 'ko tumanggi. Ayaw mo 'yun, libreng kape araw-araw.
Binuksan ko na 'yung gate at pinapasok siya. Natawa naman ako sa reaksyon niya na para bang nag-cecelebrate. Loko talaga siya kahit kailan. Doon sa tapat ng garden kami pumwesto para maramdaman 'yung hangin at para may view.
"Itadakimasu. (Thanks for the food)" ibinigay niya sa'kin 'yung isang paper bag ng starbucks. Tinignan ko naman ang laman nito at isang donut, cheesecake at isang baso ng kape 'yung bumungad sa'kin. Ang yaman naman niya? Well, professional volleyball player nga pala siya.
"Pinapataba mo yata ako eh." saad ko habang kumakain. Ngayon lang ako uli nakakain ng breakfast. Usually kasi lunch time na 'ko gumigising kaya 'di na breakfast tawag d'on.
"For sure, hindi ka kumakain nang maayos considering that you're suicidal." natahimik naman ako dahil sa sinabi niya. Bakit ba parang alam niya lahat ng nararamdaman ko? Probably because he experienced this too before. 'Di ko alam pero ngayon, medyo nawawala na 'yung kagustuhan kong mamatay. I don't know.
"Seryoso ka talaga na bibigyan mo 'ko ng kape araw-araw?" pag-iiba ko ng topic habang inaamoy ang mabangong aroma ng kapeng binigay niya sa'kin. "Yeah, if it makes you feel better." saad niya sabay kindat sa'kin. Lord, bakit nasobrahan yata ng visuals si Keiji?
"Wala ba kayong training ngayon?" tanong ko. Baka mamaya 'di na naman siya sumipot sa training nila tapos paglinisin naman ni Coach ng cr si Keiji. Teka, bakit ba ako concerned? Ano bang pake ko sa mokong na 'to?
"Off namin tuwing wednesday, so yeah, I don't. You want to hang out? Sabihin mo sa'kin kung saan, pupunta tayo dyan." hmm, parang gusto ko ngang gumala ngayon para kahit konti, sumaya naman ako. Pero bakit niya ginagawa 'to? Why is he willing to do something to make me feel better? Ay ewan.
"Do you know where your national team's merch store is?" tumango-tango naman siya bilang sagot. "Sabi na nga ba eh, fan kita eh. Eto na 'ko oh, the monster blocker and decoy , Keiji Takahashi. Gusto mo fan sign?" muntik na kong tangayin sa sobrang lakas ng hangin na naramdaman ko. Ramdam niyo 'yun? Sobrang hangin kaya n'un.
"FYI, si Yuki Ishikawa 'yung bias ko sa inyo, 'wag kang feeling teh." bigla namang lumungkot 'yung mukha niya nang sabihin ko 'yun. Okay, medyo rude ako sa part na 'yon lalo na't pinamukha ko sa kanya na hindi siya 'yung favorite ko sa National team ng Japan.
"Pero, may naitulong ka naman para maka-score si Yuki kasi nga magaling kang decoy." I said to lighten up his mood. Then again, why do I care if he's upset? He's just making my mind ache more and more. Bumalik na naman 'yung ngiti niyang abot-tenga.
"Syempre ako pa." hay, napakahangin talaga. "Mga 12pm after lunch, pwede ka?" tumango naman ako dahil wala naman akong ginagawa sa buhay ko. "Ayos. Saan mo pa gustong pumunta?" napahawak naman ako sa baba ko para mag-isip.
"Gusto kong makita 'yung monument ni Hachiko sa Shibuya." excited kong sabi. I was really touched by its story na kahit ilang beses ko pang ulit-ulitin 'yung movie adaptation nito, naiiyak pa rin ako. "Alright, what else?" gusto ko sana manood ng liga nila nang live, kaso wednesday pala ngayon.
"Just tour me around the city. 'Yung mga madalas niyong puntahan, gan'on." sagot ko sa kanya. Pero napaisip ako, kaming dalawa lang magkasama? "Tayo lang dalawa?" tanong ko sa kanya. Tumango naman siya. Oh my God kong mahabagin. Baka isipin ng iba na nag-ddate kami lalo na si Santiago, sumalangit nawa.
"Bakit, may gusto ka pang isama? Tawagan ko 'yung mga teammates ko kung gusto nilang sumama." that's not my point!! Since 'di ko naman kilala personally 'yung mga teammates niya at baka isipin pa nilang nag-ddate kami, tumanggi na lang ako. I guess it's really just the two of us.
***
Napatayo naman ako sa pagkakahiga ko nang may marinig akong kumakatok sa gate namin. Paulit-ulit naman itong kumatok habang sumisigaw ng "Mayu-chaaaan!" na akala mo walang mga kapitbahay. Confirmed, si Keiji 'to.
Dahil ayaw niyang tumigil, pinagbuksan ko na lang siya ng pinto. "Ano na naman 'yon?" diretso kong tanong pero kahit anong arte ko na parang naiirita, nakangiti pa din siya. Nakakapikon siya sa mga taong depressed, sa totoo lang.
"Ngayon lang nalaman ni Oba (lola) at Oji (lolo) na may nakatira na dito so, inaaya ka nilang kumain sa'min." ay taray, kinabog ang hospitality ng Pilipinas. "Onegaishimasu. (please)" pamimilit niya kaya napa-oo na naman ako ng mokong na 'to.
"Tadaima!" saad ni Keiji ng makapasok kami sa bahay nila. Hinubad ko naman 'yung tsinelas ko dahil nahiya ako sa sobrang linis ng bahay nila.
"Dito ka nakatira?" tanong ko at tumango lang siya. Wow, 'di kapani-paniwala na gan'to kalinis ang bahay lalo na't si Keiji ang nakatira dito. Joke lang.
"Itterashai (Welcome) Mayu-san! Eto... um Come in!" saad ng lola at lolo ni Ken. Agad naman akong nagmano at parang nagulat naman sila nang gawin ko iyon pero napangiti naman sila pagkatapos.
"Masyadong matagal na daw na walang nakatira sa bahay niyo, bakit ngayon ka lang daw." pag-tatranslate ni Keiji sa sinabi ng kanyang lola. Akala ko duduguin na 'yung ilong ko eh, buti na lang nandyan si Keiji para maging translator ko.
"We just had no time to visit this house. In fact, our trip here was postponed because my mother died." I said while smiling sadly. Every time I think of Mamu, all the sad memories keeps coming back. Agad namang i-trinanslate ni Ken ang sinabi ko. Nakita ko naman ang pagkalungkot ng mga mukha nila.
"Gomen. Demo, anata ga futatabi anata o shiawaseni suru dareka o mitsukeruto sugu ni, subete ga iyasa remasu. Soshite, Kei-chan ga dekiru to omoimasu." sa sobrang haba ng sinabi ng lola ni Kei, ang tanging naintindihan ko lang ay ang "gomen". Nginitian naman ako ng lola niya uli pagkatapos n'on. Ah, so mana-mana lang pala 'yung habit nilang palangiti.
"Anong sabi niya?" tanong ko kay Keiji pero nginitian niya lang ako. Aba may sayad yata 'to biglang napipi nang wala sa oras. "Ano nga?" tanong ko ulit pero binelatan lang ako. "Malalaman mo sa tamang panahon." saad niya at ipinakita ang napakalawak niyang ngiti na kinabog pa ang Pacific Ocean.
"Edi 'wag." napairap na lang ako sa ere dahil sa kakulitan niya. "Ah pikon, hahaha!" wala na naman siyang magawa kaya inasar niya na naman ako. Ang galing din ng isip ng isang 'to.
"Humanda ka sa'kin mamaya." bulong ko sa kanya habang pinanlilisikan ng mata.
"Alam mo sabi ni Oba?" tanong niya kaya tumaas ang dalawang kilay ko."Pikon ka daw hahahaha!" muntik na siyang mamatay kakatawa niya nang walang katapusan. Tuwang-tuwa siya sa'kin eh 'no?
![](https://img.wattpad.com/cover/210482028-288-k909916.jpg)
BINABASA MO ANG
A Trip to Japan (Ongoing)
JugendliteraturA Trip to Japan After all the tragedies that happened in Mayu's life, her world became dark. She lost her mother, her boyfriend, and most of all, she lost her happiness. She decided to go abroad, to escape this dark and cruel world, until she meets...