Kada bola na lumalapag sa court, lalo lang nadadagdagan ang kaba namin ni Coach Ayu. Tama siya, parang magic na lumakas 'yung JT Thunders pagkatapos ng timeout. Hindi naman masama 'yung play ng Toray, at hindi rin naman malayo ang lamang ng score ng dalawang team, pero kung ikukumpara mo 'yung play ng nila ngayon sa third set, aakalain mong mas malakas ang JT.
Si Onodera, isa sa mga key players at pinakamagaling na blocker ng JT ay bentang-benta sa scoreboard. 'Di ko alam, pero parang may epekto yata 'yung pag-provoke sa kanya ni Kei kanina. Parang mas gumaling pa kasi siya eh. O baka 'yun talaga ang plano nila, na ipamigay muna 'yung dalawang set bago sila tuloy-tuloy na manalo.
Yung import din nilang si Edgar na galing Spain, na may mala-higanteng height at body build, ay pumupuntos na rin nang mas marami kaysa kanina. Parang lahat sila ay inulanan ng lakas, maliban nga lang sa Toray.
In-obserbahan ko naman ang sariling team namin. Maayos pa rin naman ang pag-receive ng libero naming si Ide, accurate pa rin 'yung mga sets ni Fujii, nakakapuntos pa rin naman sina Hiro Rouzier, at si Hoshino, at si Keiji? Gan'on pa rin 'yung play at 'yung mukha niya. Para siyang Brazilian na napipikon sa kalaban nila dahil pumupuntos sila.
Kahit papaano, kumalma na nang kaunti si Keiji at iniirapan niya na lang 'yung mga nakakapuntos mula sa kabilang side ng net. Iyon nga lang, patuloy pa rin siya pag-stare down niya sa mga kalaban na na-bblock niya. Lalo na kay Onodera, kailangan pang awatin nila Hiro si Keiji para tigilan si Onodera. Naaawa nga ako kay Onodera kahit kalaban namin siya, wala naman kasi siyang ginagawang masama. Ang immature lang kasi neto ni Keiji at ayaw pa yata siyang patawarin.
Na-sstress na nga rin si Coach Ayu dahil kay Keiji. Alam niyang may malaking ambag si Keiji at kung patuloy pa siyang magpapakita ng attitude sa court, ma-rered card siya at tuluyang matatanggal sa laro. Kasalukuyan na ngang naghihirap 'yung team, dumadagdag pa siya ng problema. Napasapo na lang ako sa ulo ko dahil hindi ko alam kung paano susulosyonan 'yung malalang tantrums ni Keiji.
Dumating na ang second technical timeout, 14-16 ang score, lamang ang JT. Tulad nga ng sinabi ko, kahit papaano nakakahabol pa rin ang Toray dahil malaking tulong din si Rouzier at Hiro sa score. Kahit pa mala-payong ang blocking ng JT, nalalagpasan naman 'yun ng ilang malalakas ng palo, check ball, at feint. Hindi kasi kailangang puro lakas lang, dahil mahirap talagang talunin ang gan'ong katibay na defense, kaya kailangan nila maglaro nang matalino.
"You're doing great today, Hiro-chan. 'Di katulad ng isa dyan." natawa naman si Hiro sa'kin at tinignan si Keiji na dumidistansiya sa'min.
"Ano bang problema n'on? Maski kami 'di namin maka-usap nang maayos, galit na galit kasi." saad ni Hiro sa naaasar na tono habang nakaturo kay Keiji. Pati siguro siya, naiilang sa ugaling pinapakita ni Keiji.
"Alam ko namang may kalaban niya si Onodera noon, pero 'di ko namang inakaling aabot 'yun sa punto na kekwelyohan niya pa siya." tumaas ang dalawang kilay ko at saka umiling.
"Ewan ko dyan, maski nga ako, 'di kinakausap nyan." napalingon naman sa'kin si Hiro nang sabihin ko 'yon. Alam ko, mukhang 'di kapani-paniwala 'yung sinabi ko, pero totoo eh.
"Alam mo, nung sasabihin ko na kakausapin mo si Keiji pagkatapos ng laro, pinigilan niya 'ko. Nag-momove-on daw ang loko, sinusubukan kang kalimutan kasi sabi mo raw. Inuntog nga nyan 'yung sarili niyan sa pader nung isang gabi eh." nagulat naman ako sa sinabi ni Hiro kasabay ng paglaki ng mga mata ko.
Sasagot pa sana ako kay Hiro kaso tapos na ang oras ng technical timeout. Napahawak na lang ako sa bibig ko nang maka-upo uli ako. So... sineryoso niya yata 'yung sinabi kong untugin niya 'yung sarili niya para makalimutan ako. 'Di ko naman ginustong sabihin 'yon, nadala lang ako sa galit at lungkot ko nung araw na 'yon.
BINABASA MO ANG
A Trip to Japan (Ongoing)
Teen FictionA Trip to Japan After all the tragedies that happened in Mayu's life, her world became dark. She lost her mother, her boyfriend, and most of all, she lost her happiness. She decided to go abroad, to escape this dark and cruel world, until she meets...
