Chapter 31

4 0 0
                                    

"Aish, that man. This isn't the first time he hid his injury. He really doesn't want to sit on the bench during an important game." saad ni Coach Ayu habang umiiling.

Siraulo talaga 'yun si Keiji. Ayos lang naman na maging committed siya sa laro pero sana isipin niya muna 'yung sarili niya. Paano kung maaksidente siya dahil sa ginagawa niya? Aish, I'm not going to deny it, I'm really concerned about him.

Just thinking about what will happen after a harsh injury makes me so worried. Well, that's because I've experienced that too. I used to love playing volleyball too like that guy. But I had an ankle injury. Gladly, it was healed though my feet can't function like it can before.

Sinulyapan ko naman si Kei na nakayuko habang naka-upo siya sa bench. Alam kong ayaw niyang ma-bangko sa larong 'to. But we can't take any chances.

Pagkatapos na magamot si Kei, kinausap naman nung medic si Coach.
Based from their faces, I can tell that they are worried too, especially Coach. Key player ng Toray si Keiji, 'di siya pwedeng mawala nang ganoon-ganoon lang.

Nang matapos silang mag-usap, sinabi naman sa'kin ni Coach ang kalagayan ni Kei.

"His finger web (skin between the fingers) is damaged which caused the bleeding. Probably when he blocked the spikes of Shimizu and Kubiak. He did score 6 kill blocks and some block touches too." napasapo naman ako sa noo ko dahil sa sinabi ni Coach.

"He can still play, though, he'll be less efficient playing with damaged fingers while it's hurting painfully. And if he does, it'll only get worse." tumango ako sa sinabi ni Coach.

Baka hindi maging maganda ang laro ni Kei dahil masakit nga 'yung nangyari sa daliri niya. Kumbaga para bang napunit ito sa lakas ng palo nila Shimizu at Kubiak, Panasonic's top scorers. Not to mention, Shimizu is left handed.

"So what's your decision, Coach?" tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa'kin nang may pag-aalinlangan sa mukha.

"Keiji is one of our key players but, he has to sit this game out. We can't afford to lose another key player this season." lumungkot naman ang mukha ni Coach at ganoon din naman ako.

"Can you talk to him for me, Mayu-san?" walang pag-aalinlangan akong tumango kay Coach.

Ilang sandali pa ay nagsimula na rin ang second set. Tatayo na sana si Kei ngunit hinarangan ko ang dadaanan niya. Tumingin naman siya sa'kin habang nakataas ang isang kilay.

I hate to say this but, wala kaming choice. "Coach said you'll be benched for the whole game. So sit down." lalo namang nagsalubong ang mga kilay niya.

Napatingin naman siya kay Coach Ayu. Tumango naman si Coach, senyales na totoo ang sinasabi ko. Napapikit na lang ako dahil pakiramdam ko galit si Kei. At malamang, pati sa'kin. Ako naman 'yung dahilan kung bakit nalaman ni Coach eh.

Umupo na lang si Keiji sa bench habang nakasimangot ang mukha niya. Galit nga siya sa'kin. Nag-alala lang naman ako sa kanya. Tsaka kapakanan niya rin naman ang iniisip namin. Tumabi naman ako sa kinauupuan niya.

"So... does it still hurt?" tanong ko kay Kei. Umiling naman siya nang hindi tumitingin sa'kin.

"Ayos lang 'yon. Your teammates can do it. You just have to trust them." I said, hoping for a positive verbal response.

Tumingin naman siya sa'kin na para bang makikita mo ang sakit sa mga mata niya. "I believe in them, Mayumi. It's just that, ayoko lang maging useless sa importanteng larong ito." saad niya.

Halatang halata ang bakas ng kalungkutan sa mukha ni Keiji. I guess, if I was the player, I would have felt that way as well. I feel bad for him. Nang dahil sa'kin, sa tingin niya, 'di na siya mapapakinabangan sa larong 'to.

"Atleast you made yourself useful during the first set. 6 kill blocks. That's something great, you know." I answered, trying to cheer his hopes up.

"Yeah well, sa first set lang 'yon. And for the record, we didn't win that set and it's only two sets away before Panasonic's victory." aish, why does he think that way?


Sabi nga sa isang movie, 'Anything is possible.' at 'There is always a first time.'. Who knows, baka matalo nila ang Panasonic for the first time? It's not impossible. They just need to believe themselves and exert their full effort in the game.


"Sorry. Nang dahil sa'kin, nabangko ka pa ngayon. Alam ko naman na gusto mong makapaglaro lalo na't importante 'to. But we can't take chances, Keiji. I'm sorry." sa pagkakataong iyon, tumingin sa'kin nang deretso si Kei.

"Hey, I'm not mad with you, okay? I'm just mad with myself because I wasn't too careful. It's not your fault, okay?" gumaan naman ang loob ko sa sinabi ni Kei. Tumango ako sa kanya bilang sagot.

Akala ko talaga, galit siya sa'kin. I don't know what would I do if he really was mad at me.


"Can I see your hand?" tanong ko sa kanya.

"Bakit, huhulaan mo kung ilan magiging anak ko?" kokotongan ko na dapat siya kaso naalala ko, injured nga pala siya. Pagbibigyan ko na, pero ngayon lang.


"Siraulo, patingin lang. Titignan ko kung pwede ka pang maglaro ngayon." inabot niya naman sa'kin 'yung kamay niya.

Noon, magkahiwalay na naka-tape ang dalawang daliri niya, ngayon magkasama na ito. Naka-tape 'yung pinky niya sa ring finger niya bilang support.

Ginalaw ko naman ito nang kaunti ngunit wala siyang reaksyon. Hindi ko alam kung pinipigilan niya lang o wala talaga siyang nararamdaman. Kaya medyo diniinan ko ang paggalaw dito at saka siya napangiwi.

"Sorry." masyado ko yatang napuwersa 'yung daliri niya hehe.

"Kapag pinasok ka ulit ni Coach, panigurado tatarget-in ka nila para ilabas ka nila. Ibig-sabihin, 'di ka muna pwedeng ipasok ngayon." lumungkot naman 'yung mukha ni Keiji. Aish, nagpapa-cute lang 'to eh.

"Alam mo, kahit gaano ka pa magpa-cute dyan, 'di ka pa rin ipapasok. Wala sa'kin ang desisyon, na kay Coach." mas lalo namang lumungkot 'yung mukha ni Keiji ngunit, bigla itong napalitan ng ngisi. Eh??

"So, inaamin mo cute ako?" tanong niya sa nakaka-asar na tono habang nakangisi nang malawak.

"Sus. Mama mo cute." pabalang kong sagot ko sa kanya ngunit 'di pa rin siya tumigil.

"Kung cute ang mama ko edi cute din ako, ganon ba?" tanong muli ni Kei sabay halakhak. Aish, nababaliw na naman siya. Atleast, 'di na siya galit.


"Sumbong kita kay Coach eh, napakaharot mo." saad ko habang nakaturo kay Coach na tahimik na naka-upo sa gilid ko.

"Sabihin mo muna cute ako." bakit ba napakakulit ng taong 'to? Kanina lang galit 'to 'tas ngayon nang-aasar na naman.

"Cute ako." sagot ko sabay belat. Akala niya maiisahan niya ako.


"Dali na, Mayumi!! Onegai onegai onegai~! (please)" pinanlisikan ko naman siya ng mata.

"Susumbong talaga kita kay Coach 'kala mo." sumimangot naman siya.

" 'Wag!! Paglilinisin niya 'ko ng buong court na naman!" reklamo niya.

Binelatan ko lang siya. Tatawagin ko na dapat si Coach nang tawagin na naman ako ni Keiji.

"Mayumi!" mahinang tawag niya. Dahil doon napatingin naman ako sa kanya.


Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sobrang lapit ng mukha ni Keiji sa mukha ko. At dahil doon, 'di sinasadyang lumapat ang mga labi niya sa pisngi ko.

Sakto namang tumunog na ang buzzer ng first technical time out kaya bago pa ako maka-react, tumayo na si Kei para sumali sa pulong nila Coach.





At naiwan akong nakatulala sa ere, habang nakahawak sa pisngi ko.



A Trip to Japan (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon