Nang matapos kaming magbihis ni Keiji, agad naman kaming bumyahe pabalik ng Mishima. Gusto ko sanang humiga kaso nasa shotgun seat ako. Nababagot na kasi ako, wala pa kasi kami sa kalahati ng byahe. Eh, malayo ang Mishima sa Tokyo. Pero atleast, hindi sing-lala ng traffic ng Pinas ang traffic dito sa Tokyo.
Dahil nababagot na ako, binuksan ko na lang 'yung radyo at sakto, Kana-boon - Silhouette 'yung tugtog. Kana-boon is one of my favorite japanese band and it's my kind of jam. Napapa-head-bop naman ako habang nakikinig dito.
"Daremo~ kare mo~ shiruetto!" kanta ko sabay sa kanta. That part is always catchy to me.
"Ta ichi ni shitai mono wasureta~ Furi o shitanda yo~ Nanimo nani yo warerusa~" dugtong ni Keiji. Edi okay. Siya na Japanese. Siya na 'yung fluent.
Nilipat ko naman sa ibang station 'yung radyo at natuwa naman ako dahil alam ko uli 'yung kantang 'to.
"Kimi no toriko ni natte shimaeba kitto kono natsu wa jujitsu suru no moto~" palagan niyo 'yung fluent Japanese ko ano. 'Di ko alam, pero tuwing pinapakinggan ko 'yon, para akong inlabey na ewan.
"Singer ka pala?" napatigil naman ako sa pagkanta nang sabihin niya 'yon. Ayan tuloy, sa sobrang komportable ko sa kanya, napapakanta ako nang wala sa oras.
"Ha? Hindi ah." sagot ko. Eh hindi naman kasi talaga ako singer 'di ba. 'Di ko alam kung bakit ngumiti na naman 'tong mokong na 'to.
Napatingin naman ako kay Keiji nang mag-ring ang phone niya. "Can you take the call for me?" tumango naman ako kay Keiji at kinuha 'yung phone niya sa bulsa niya.
Oh, it's Hiro. "Moshi moshi, Mayu desu. (Hello, this is Mayu)" saad ko nang sagutin ko ang tawag.
"Oh. Mayu-chaaan! What is Kei doing?" tanong niya. "Driving, duh." pabalang kong sagot kay Hiro at napatawa naman siya.
"Galit ba siya sa'kin?" napatingin naman ako kay Kei na nakangiti pa rin habang nagmamaneho.
"Hindi naman na siguro. Tsaka lilipas din naman 'yon kung nagkataon man." sagot ko kay Hiro.
"You're right. Anyway, sa Yakiniku na malapit sa dorm natin 'yung kakainan natin. Text ko 'yung address." 'di ko alam kung bakit ako tumango kahit 'di naman ako nakikita ni Hiro.
"Anong ginagawa niyo dyan?" tanong sa'kin ni Hiro. May iniisip yatang 'di maganda 'to si Hiro eh. Ako rin, 'di rin maganda 'yung naiisip ko na naiisip niya.
"Waley. Medyo bored nga eh." sagot ko. Napatingin naman sa'kin si Keiji nang sabihin ko 'yon. Nag-peace sign naman ako sa kanya dahil baka iniisip niyang boring siyang kasama.
"Mag-fast-talk kayo para magka-alaman na." natawa naman ako sa sinabi ni Hiro. Pero, maganda ring ideya 'yon.
"Sige mamaya. Eh kayo? Anong ganap niyo ni Lee dyan?" tanong ko naman sa kanya.
"Kumakain." 'di ko alam kung bakit ako nakaramdam ng inggit dahil sa sinabi ni Hiro. Nagugutom na rin ako! Bawal ba mag-drive-through?
"Pakinggan mo 'to. ASMR dali," sabi ni Hiro habang patawa-tawa. Pagkatapos n'on ay narinig ko 'yung crunch ng pagkaing kinakain niya. I know that sound! That's fried chicken! Edi wow! Sana ol may pagkain.
"Epal ka, Hiro. Wala kaming pagkain dito. 'Wag kang mang-inggit." sagot ko at may nalalaman pa 'kong pag-irap sa ere kahit 'di niya naman ako nakikita.
"Edi bumili kayo. Mayaman yan si Keiji. May suweldo 'yan sa Toray at sa National Team." oh right, part rin pala si Keiji ng national team. Kaya pala araw-araw siyang naka-starbucks.
BINABASA MO ANG
A Trip to Japan (Ongoing)
Teen FictionA Trip to Japan After all the tragedies that happened in Mayu's life, her world became dark. She lost her mother, her boyfriend, and most of all, she lost her happiness. She decided to go abroad, to escape this dark and cruel world, until she meets...
