Chapter 6

13 1 0
                                        

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Habang patagal nang patagal, padilim na ng padilim. Napatigil naman ako sa paglalakad nang mapagtanto kong 'di ko na hawak 'yung tape. Nabitawan ko siguro nung napatid ako kanina.

Tumingin ako sa lapag para tignan kung nandon pa rin 'yung tape kaso ang daming tape at string na nakakalat sa lapag. Paktay, paano kami makakalabas dito? 'Di ko inakalang mawawala pa 'ko sa gantong edad.

Tinignan ko si Takahashi para humingi ng tulong. "What?" tanong niya sa'kin. "I lost the tape." sagot ko at bahagya siyang nagulat.

"But I don't know the way. I just followed you here, remember?" napasapo naman ako sa noo ko dahil sa sagot niya. 'Di ba niya inisip na kapag sinundan niya 'ko, baka mawala kami dito? Gabi na, tsaka I don't think there's someone out there to help us. Plus, the signal here is poor.

"Just kidding, follow me!" masigla niyang sabi. Susuntukin ko na dapat siya kaso pinigilan ko na lang 'yung sarili ko dahil 'di rin ako makakalabas dito kung wala siya.

Sinundan ko naman siya tulad ng sinabi niya. Para siyang ewan na batang boy scout habang naglalakad. Mga ilang lakad pa, nakalabas din kami sa gubat na iyon. Dumiretso naman kami sa train station para makauwi na. Habang nasa train, nakatitig lang ako sa labas.

"Mayu-chan." napatingin naman ako sa kanya nang tawagin niya ako. Pinanlisikan ko na lang siya ng mata ngunit 'di pa rin siya natitinag.

"Alam mo, kapag 'di ka pa tumigil, kokotongan na kita." 'di ko na napigilan 'yung sarili ko at nadulas ako. Pero naalala ko, hapones pala 'tong kausap ko. Pero nagtaka ako nang tumawa siya nang malakas.

"Gawa nga. Hahahaha!" nagulat naman ako nang mag-tagalog siya. Halos duguin na 'yung ilong kaka-english kanina tapos nag-tatagalog pala siya.

"Paano mo 'ko naintindihan?" tanong ko sa kanya kaya tumigil na siya sa pagtawa.

"Nag-aral ako sa Pinas nung highschool for 2 years. Then, bumalik din sa Japan. So yeah, alam ko 'yun." tumango na lang ako dahil wala na akong gustong sabihin.

"Oi. I'm bored. Let's play a game." I raised my left brow as an alternative to 'what'. "Truth or dare." sagot niya.

Wow, close ba kami para maglaro kami ng truth or dare? Pero since boring nga kung umupo lang kami dito, pumayag na 'kong makipaglaro sa kanya.

"Game. Truth or dare?" sumagot naman ako sa kanya ng truth.

"Hmm... Anong paborito mong pagkain?" I was expecting something more private pero 'yun lang pala tatanungin niya.

"Coffee. I could drink a billion shots of it in a day." proud na sagot ko sa kanya. Gan'on ko talaga kapaborito 'yung kape. Kumbaga, 'yun 'yung drugs ko sa buhay.

Sunod ko naman siyang tinanong at truth ang pinili niya. "Kailan mo 'ko titigilan?" bago siya sumagot, ngumiti muna siya.

"Maybe hanggang 'di ka na suicidal." Unfortunately, mukhang 'di 'yun mangyayari at dahil doon, mukhang 'di niya na 'ko titigilan. Maybe I should just pretend that I'm not suicidal anymore.

Sunod na pinili ko naman ay truth pa rin. "What are the things that would make you happy?" napaisip naman ako sa tanong niya. Sa ngayon, 'di ko alam kung saan hahanapin 'yung happiness na sinasabi niya at mukhang ayaw ko na rin 'yun hanapin.

"I don't know. Pass. Ibang question na lang." nag-pout naman siya dahil sa sagot ko. Well, wala talaga akong maisip na sagot sa tanong na 'yon.

"Don't you want to be happy? O ayaw mo lang talaga kasi napapagod ka na?" natigilan naman ako sa tanong niya. Paano ako magiging masaya kung 'di ko rin alam kung ano ang magpapasaya sa'kin? Kung wala na 'yung mga taong nagpapasaya sa'kin?

"Ang dami mong tanong. Dare na lang." iniwasan ko na lang 'yung truth dahil mas lalo ko lang naalala 'yung sakit dahil sa mga tanong niya.

"Psh. Nakikita mo 'yan?" tinuro niya naman sa'kin 'yung emergency stop na nasa taas ng sliding doors ng train. Ngumisi naman siya nang malawak. "Pindutin mo 'yan." nanlaki 'yung mga mata ko sa sinabi niya.

"Baliw ka ba? Ayoko nga." buwelta ko. Baka mamaya maaresto pa ko sa gagawin kong 'yon.

" 'Pag hindi, ililibre mo 'ko." ayoko namang gawin 'yung dare niya kaya pumayag na 'kong ilibre siya. I mean, madami naman akong pera as of now kaya, money is not a problem.

"Fine, fine. What do you want?" natuwa naman siya nang tanungin ko 'yun.

"Hmm... Meetup na lang tayo sa train station." tumango na lang ako bilang sagot.

"Yown! Promise mo yan ah? Pinky promise?" he showed me his pinky finger like a child. I had no choice but to cling my pinky finger to his's

Sinalpak ko na lang 'yung earphones ko sa tenga ko at nakinig sa musika. Pinatugtog ko na lang 'yung 'Kung Waka Ka' ng Hale at ipinikit 'yung mga mata ko.

Wooooh hindi ko maisip na wala ka...

Wooooh sa buhay ko...

Biglang bumalik sa'kin 'yung alaala nung namatay si Santiago. Sa katunayan, bago siya mamatay, nagkaroon kami ng away noon.

Nag-away kami dahil may pinagselosan akong babae. Pero dahil doon, nag-walk out siya at 'di ko inakalang buhay niya ang kapalit noon.

Ang dami kong pagsisisi. Sana 'di na lang ako nagselos. Sana nagtiwala na lang ako kay Santiago. Sana 'di ako nag-overreact. Ang dami kong 'sana' pero wala na, huli na ang lahat.

"Mayu-chan... Stop crying... We're here." napamulat ako nang gisingin ako ni Takahashi. 'Di ko na namalayan at napaiyak na naman ako sa alaala ko. Agad ko namang pinunasan 'yung mga luha ko.

"Are you okay?" tanong niya nang makalabas kami sa train station. " 'Di ko alam." sagot ko, dahil 'di ko naman talaga alam kung ayos lang ako.

"It will be okay. Not now, but soon." nginitian niya ko ngunit 'di ko 'yun sinuklian. Napaisip ako kung mangyayari pa 'yung sinabi niya. Nagsimula na kaming maglakad pauwi.

"Mayu-chan."

"What?"

"Truth or dare?" tanong niya. Pero imbis na sagutin ko 'yung tanong niya sinabi ko na "It's my turn to ask. Wag kang maduga."

"Truth." sagot niya. Nag-isip naman ako ng tanong.

"What's the point or the benefit of doing all of this?"

"Well, I'm just happy that you're still alive." napahinto naman ako sa paglalakad dahil sa sagot niya. He barely knows me but why does he feel that way?

A Trip to Japan (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon