Chapter 22

4 1 0
                                        

"I will be the spark of light that will bring life to your dark world again."

Hindi ko alam kung bakit bigla akong natigilan sa sinabi niya. Bigla akong napaisip. Considering his metaphor, 'the spark of light', I think he's saying that somehow, he cheered me up even though I was really depressed. 

"Alam mo, kahit anong isip mo, 'di nakaw 'yan. Galing 'yon dito." saad niya habang nakaturo sa dibdib niya, particularly sa puso niya.

Ano na naman ba 'tong nararamdaman ko? Bakit ang lakas yata ng tibok ng puso ko? Bakit parang masama pakiramdam ng tyan ko? Bakit parang biglang nagugulo 'yung isip ko?

Dahil ba 'yun sa kanya? Ay ewan.

Ilang minuto pa ay nakarating na rin kami sa gymnasium. Bago kami dumiretso sa court, nag-cr muna ako dahil 'di nga mapakali 'yung tyan ko at parang ang sakit na rin. Pero 'di naman ako najejebs.

Nang makaupo naman ako sa cubicle, agad akong napasapok sa ulo nang malaman ko 'yung rason n'on.

Tama si Kei, red tide nga ngayon. Bakit ngayon pa?! Wala pa naman akong dalang napkin at wala ring vendo machine dito! Minadali pa kasi ako ni Kei kaya 'di ko man lang naramdaman na may dadalaw ngayon. At dito pa talaga sa gym!

Gusto ko sanang lumabas para bumili ng napkin kaso, napaka-uncomfortable naman noon. At sa kasamaang palad, light color 'yung bottoms ko kaya tinagusan pa ako. Bwiset talaga! Bakit ang malas ko ngayon?

Lumabas naman ako para humingi ng tulong, pero nakaharang 'yung bag ko sa likod ko. Buti na lang at 'di pa nakapasok si Kei sa court kaya naabutan ko pa siya.

"Kei-chan! Kailangan ko ng tulong mo." agad ko naman siyang hinila sa hindi mataong lugar.

"What's up?" tanong niya nang may pagtataka.

Teka lang. Paano ko ba sasabihin 'to sa kaniya. Bigla kasi akong tinamaan ng hiya. Eh syempre sa lalake ko sasabihin eh!

"Ano... Um.." 'di ko maibuga 'yung sasabihin ko dahil sa hiya. Pero kailangan kong labanan tong hiya ko.

"Ano? Anong tinatago mo sa likod mo?" agad naman akong napasandal sa pader nang lilingon na dapat siya. Napaka-tsismosa talaga nito.

"Ano..." bwiset! Kailangan ko nang sabihin dahil wala na kong choice.

"R-red--" bulol kong sabi.

"Red? Anong red?" tanong niya.

Nabwiset naman ako sa katangahan niya. 'Di niya pa ba nahahalata sa mga actions ko? Kailangan ko pa talagang sabihin?

"R-red t-tide ngayon." bahagya namang nabawasan 'yung hiya ko.

"Ah. Ano na naman kung red tide ngayon?" napasapok na naman ako sa ulo ko dahil sa sagot niya.

Anak ng---?! Seryoso ba siya?! Ganyan talaga kalala 'yung katangahan niya?!

Dahil 'di makaintindi 'tong lalakeng 'to, kailangan ko pang sabihin nang literal 'yung sinasabi ko.

"RED TIDE NGAYON AS IN MENSTRUATION!" napatakip naman ako sa bunganga ko nang ma-realize ko kung gaano kalakas 'yun. Ramdam ko na rin 'yung pamumula ko dahil sa hiya.

"Aaaah, okay. You need napkins or tampons?" kalmadong tanong niya samantalang ako, ramdam na ramdam ko 'yung awkward na atmosphere.

"Napkins. Sanitary ah, hindi table. With wings. Tsaka kailangan ko rin ng pamalit." tumango naman siya sa sinabi ko at dinala ako sa locker room nila.

Buti na lang at lahat ng kasama niya nasa court na. Ayoko nang makakita ng iba pang tao dahil sasabog na ko sa hiya.

"Ito lang meron ako eh." saad niya at inabot sa'kin 'yung napakahabang sweat pants. Well... It's better than nothing, right? Even though it's a foot longer than my real size.

"Bakit kasi napakatangkad mo..." bulong ko sa sarili ko.

"May reklamo ka?" natahimik naman ako nang sabihin niya 'yon. Ang lakas naman ng pandinig neto. Pero ang tanga pagdating sa mga simpleng bagay.

"Um... Better yet sa cr ka maghintay kesa dito sa locker room. Baka may magtaka pa kung bakit ka nandito. Babalik rin ako agad." tumango na lang ako sa sinabi niya at naghintay sa cr.

Napatingin naman ako sa phone ko nang mag-ring ito. Ilang araw ko na rin itong 'di nagagamit. Tinignan ko naman kung sino 'yung tumatawag. As usual, si Papa pa rin. Pinatay ko na lang 'yung phone ko at tahimik na naghintay dito sa cr.

"Ang tagal naman n'on." saad ko sarili ko dahil medyo naiinip na 'ko kahit tatlong minuto pa lang nakaraan. Maliit lang talaga pasensya ko pag red tide.

Ilang minuto pa ay nakarating na rin siya. Kumatok muna siya sa pinto bago ibigay 'yung mga kailangan ko.

"Thank you." saad ko at umalis na siya.

Tinignan ko naman 'yung laman ng paper bag. Napasapok naman ako sa ulo ko dahil sa una kong nakita. Table napkins?! Seriously?! Susugurin ko na dapat siya sa labas pero tinignan ko muna kung may laman pa 'yung paper bag.

Inangat ko naman 'yung table napkin at napansin ko 'yung note na nasa ilalim n'on.

It's a prank! HAHAHAHA

Napairap na lang ako sa sinulat niya. Kahit kailan talaga napakagaling niya sa kalokohan. Ang sarap niyang ibalibag.

Ginawa ko naman 'yung business ko at lumabas na ng cr. Nang makarating ako sa court, nanlaki naman 'yung mga mata ko dahil walang tao doon.

"Mayumi-chan... Ano... Wala palang pasok ngayon." saad ni Kei mula sa likod ko. Agad namang nag-init 'yung ulo ko nang marinig ko 'yon.

"Kung ano-anong kahayupan nangyari ngayong umaga 'tas sasabihin mo walang pasok ngayon?! Hinayupak ka talaga!" saad ko at nagsimula nang tumakbo para sugurin si Kei kaya napatakbo na rin siya.

" 'Di ko naman sinasadya eh! Akala ko rin may pasok!" sagot niya habang tumatakbo. Malaki naman 'tong court na 'to kaya pwede kaming magtakbuhan dito.

"Wala akong pake! Nanggigil ako sa'yo!" sagot ko pabalik.

"Talaga? Pa'nong gigil?" lalo naman akong nainis dahil sa tanong niya.

Pinulot ko 'yung bolang nasa tabi ng court at nag-service sa kanya. Saktong tinamaan naman siya sa ulo. Well, I can target with my serves. Player naman ako dati eh.

"Ittai!! (it hurts)" ngawa niya habang nakahawak sa ulo niya.

Lalapit na sana ako sa kanya kaso biglang tinamaan ako ng sakit sa puson kaya ako naman napapa-aray ngayon.
Bwiset talaga 'tong red tide, salot sa buhay ng mga babae.

Nang makita niya 'kong umaaray, agad naman siya pumunta sa'kin at inalalayan ako papunta sa upuan.

"Nakakabwiset ka talaga eh 'no. Alam mo na ngang red tide, nantitrip ka pa." saad ko habang nakahawak sa bandang ilalim ng tyan ko.

"Sorry na, joke lang naman eh." inirapan ko na lang 'yung sinabi niya.

Mas lalo namang humigpit 'yung hawak ko sa tyan ko dahil sa sobrang sakit. Naramdaman ko naman 'yung paghawak niya sa likod ko.

"Pahiga muna. Masakit talaga eh." nagulat naman siya nang humiga ako sa lap niya. Wala na 'kong pake sa hiya ko dahil parang buntis ako sa sobrang sakit ng puson ko.

Naramdaman ko naman 'yung paghawak niya sa ulo ko na ikinakalma ko na naman. Teka, tama ba 'yung sinabi ko? Ay ewan ko. Basta ang alam ko, kahit papaano naging komportable na 'yung pakiramdam ko.

"Mayumi." tawag niya sa'kin.

"Hm?" sagot ko dahil tinatamad ako magsalita.

"Nagugutom ka ba? Tara kain tayo, libre ko." minsan ang tanga ng mga sinasabi niya, pero minsan nakakatuwa rin.


A Trip to Japan (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon