"She's waking up!" a familiar masculine voice exclaimed. Unti-unti kong iminulat ang mata ko, at ang unang bumungad sa'kin ay 'yong maputing kisame.
Nang tuluyan nang luminaw ang aking paningin, napatayo naman ako sa kinahihigaan ko. Wait... I'm in a hospital bed. What just happened?
A man sitting on a wheelchair wearing a hospital gown waved his hands in front of me, assuring if I was fully awake. Napatingin naman ako sa lalakeng iyon. Muli na namang lumabo ang mga mata ko dahil sa mga luhang nagsisimulang bumuo.
"Carlos!" buong lakas akong tumayo sa kama ko at niyakap siya. Nagsituluan naman ang mga luha ko dahil sa tuwa, dahil pagkatapos ng ilang taon, nakita ko na uli 'yung kapatid ko, ang nag-iisang pamilya ko.
"But wait... Anong nangyari sa'kin?" tanong ko at humiwalay sa yakap.
"Nahimatay ka oras na makita mo 'ko." sagot niya habang bahagyang natatawa.
"I can't believe this... You're alive! But how?" tanong ko habang nakahawak sa bibig ko para mapigilan ang paghagulgol ko.
"A few days after that fall, Mang Roman found me, took me in, and took care of me. Mahirap lang kasi sila Mang Roman, wala silang cellphone na makakapangtawag ng emergency, isa pa, wala ring signal sa bundok. Pero kahit gan'on, inalagaan pa rin nila ako. Kinailangan kong manatili doon kasi nagka-injury ako sa paa, kaya kahit gustuhin ko man, 'di ako makakababa ng bundok." ipinakita niya naman sa'kin 'yung paa niyang nakabalot habang nagkukuwento siya.
"Noong nakaraang dalawang taon pa 'ko naririto. Kaya ngayon lang ako nagparamdam dahil nagka-amnesia ako gawa nung pagkahulog ko, kaya maski sarili kong pangalan 'di ko maalala." nalungkot naman ako nang marinig ko 'yung kwento ni Carlos. Ang dami niyang pinagdaanan dahil sa aksidenteng 'yun. At dahil doon, nagka-amnesia at may injury pa siya sa paa.
"I'm sorry... This is all my fault. Dapat 'di na lang kita inaya noon. Sana 'di na lang tayo nagpunta doon—" hinawakan ni Carlos 'yung kamay ko para pakalmahin ako. Nararamdaman kong gusto niya kong yakapin, ngunit 'di niya magawa dahil nasa wheelchair siya.
"It's not your fault, Mayumi. None of it was." those are the only words I needed to hear to lift that heavy rock that's been sitting on my heart for a very long time.
"You must've gone through a lot. Nakuwento sa'kin ni Manang Ning na naglayas ka daw ng ilang buwan nang walang paalam." kinuwento ko naman sa kanya 'yung dahilan kung bakit ko ginawa 'yon. Siya at si Keiji lang ang nakakaalam kung bakit ko ginawa 'yon.
"In behalf of Dad, I'm sorry. You didn't deserve his horrible treatment. After all those years, he didn't even bother to apologize to you. Now that it's too late... it won't happen anymore. " kumuyom naman ang kamao niya kasabay ang pagsimangot ng mukha niya.
Nagtaka naman ako sa sinabi niya. "What do you mean, it's too late?" tanong ko.
He looked deep into my eyes, slightly shocked, as if I was supposed to know something big but I didn't. Does he mean that...
"Dad died in a plane crash going home from Japan." 'di ko alam kung bakit parang binagsakan na naman ng malaking bato 'yung puso ko.
He's gone.
He died.
Because of me. Because he wanted me to go home.
I was the reason why he went there. And now... it seems my fault that he died.
Akala ko ang hidwaan naming dalawa ni Dad ang natitira kong problema at tuluyan na 'kong magiging masaya, ngunit imbis na maayos ko ito ay mas lalo lang itong lumalala. Mas lalo lang bumigat 'yung batong pinapasan ng puso ko.
BINABASA MO ANG
A Trip to Japan (Ongoing)
Teen FictionA Trip to Japan After all the tragedies that happened in Mayu's life, her world became dark. She lost her mother, her boyfriend, and most of all, she lost her happiness. She decided to go abroad, to escape this dark and cruel world, until she meets...